SIMULA

3.2K 69 9
                                    

The winged immortal 

SIMULA

***

   May aaminin ako sa inyo, may kakaiba presensya akong nararamdaman sa paligid ko. Umaaligid aligid sa akin, hindi ko man nakikita basta alam ko na meron. Ang ipinagtataka ko lang, hindi ako nakakaramdam ng takot instead I feel so comfortable and safe kung sino man ‘yong nilalang or something na palaging nasa tabi ko. Feeling ko talaga kahit saan ako magpunta nakasunod siya. Hindi ko naman masabing multo dahil.... I don’t know, alam ko lang hindi ‘yon kaluluwang ligaw.

Minsan nga I was about to cross the street pero hindi ko itinuloy, why? Simply because, I heard someone muttured a ‘no’ mahina lang ‘yon, parang ibinulong malapit sa tenga ko. And then, the next thing na gumimbal saakin, may nangyaring aksidente doon sa mismong tatawiran ko dapat, nangilabot talaga ako no’n super duper as in! It’s cool, yeah but at the same time it’s weird.

Nagsimula lang naman lahat ng ‘yon no’ng kakatapos ng 18th birthday ko, nalaman ko lang naman na ampon pala ako! Like, seriously I’m living like a princess buong buhay ko tapos malalaman ko nalang na kasinungalingan pala lahat? Na lahat ng akin, tipong hiniram ko lang. God knows how much I feel so broken that time but hell yes, that’s life. It’s a bitch! That’s why pagkatapos ng revelation na ‘yon na sumira sa buhay at paniniwala ko, I became a rebel. Who would had thought that me, Ada Febb Abraham turned into someone that everyone wouldn’t imagine. Hindi nga ako makabasag pinggan noon but well, iba na ngayon.

Napatampal nalang ako sa aking noo dahil sobrang sakin ng ulo ko. Wala pa akong sapat na tulog dahil madaling araw na akong naka-uwi daling sa bar, oh yes I’m a party animal, part of my rebellion. I’m cool, right? I know.

Anyway, napatingin nalang ako sa digital clock ko na nasa gilid nga akong oh-so-pretty-bed-with-the colorful bed sheet matapos kong kusutin ang mga mata ko dahil na rin sa antok. It appears that, 4:07am palang ng umaga. Sa pagkakatanda ko alas dos na akong nakauwi, so dalawang oras palang ang gising ko tapos heto ako ngayon mulat na agad ang aking magagandang mata? Seriously?!

I was about to open my lampshade dahil nakapatay pala ito, hindi ko ata nasindi kanina sa sobrang wasted. Kaya lang narealize ko ang liwanag pala sa kwarto ko. As in super duper talagang liwanag to the point na parang meron akong sampung chandelier dito sa kwarto ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga kahit na hindi pa din naiibsan ang sakit ng ulo ko, kumikirot ito to the point sarap ng iuntog sa dingding.

And then, nanlaki nalang ‘yong mata ko ng may makita akong naka-upong lalaki do’n sa mini sofa ko dito sa kwarto. Nakadekwarto pa ‘yong paa niya at feel ne feel niya dito ah, and omg! Sa kanya nangagaling ‘yong super duper light pero kahit na gano’n nakikita ko pa din ‘yong mukha niya. Nakapagtataka nga at hindi ako nasisilaw sa liwanag na inilalabas ng... katawan niya? I don’t know!

Nakatingin lang ako sa kanya tapos bigla siyang ngumiti, sobrang amo ng mukha niya to the point na parang hindi siya tao. ‘Yong mata niya kahit na ilang hakbang ang layo namin sa isa’t isa kitang kita ko na kulay asul ‘yon! As in talaga, then ‘yong features ng mukha niya mula sa buhok hanggang labi parang perpekto. Wala kang ipipipintas dahil napakagandang nilalang ng lalaking ‘to.

“Who are you?” tanong ko sa kanya matapos ko siyang pagnasaan este tignan. Ang isa pang ipinagtataka ko, hindi ako nakakaramdam ng takot o kaba. Parang sanay na sanay na ako sa aura at presensya niya, na hindi ko naman alam kung bakit.

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo niya at halos lumuwa na ‘yong mata ko habang pinapanuod siya sa bawat galaw na ginagawa niya. Paano ba naman kasi may bigla nalang may pakpak na lumitaw sa likuran niya, napakalaki ng pakpak na ‘yon, puting puti halatang pure tapos my konting bahid ng gold na parang kumikinang do’n. Nakakamangha talang talaga at lalong nagliwanag ‘yong buong kwarto ko, magkahalong puti at asul sinag ng ilaw na ‘yon.

“Hi,” bigla siyang nagsalitang habang ako napanganga nalang. ‘Yong boses niya bakit gano’n parang narinig ko na? Pero, ang sarap pakinggan parang musika na paulit ulit na nagpaplay sa isip ko.

“Oh, hell there.” Binawi ko na ‘yong pagnganga ko kanina. Nakakasira ng kagandahan ang ngumanga dahil lang sa isang lalaking.... almost perfect or perfect na talaga. Pati katawan nito kahit na nakasuot siya ng simpleng white t-shirt at pantalon ang ganda niya pa ding pagmasdan. Ang ganda ng tindig niya. “Mind to tell me who you are dude? Baka kasuhan kita ng trespassing at maibalik ka sa peryang pinanggalingan mo,” narinig ko siyang tumawa kaya’t wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan nalang siya at kahit ‘yon lang ang gawin ko sa tanan ng buhay ko mukhang hindi ako mabobored. He is just so damn perfect!

“Hindi ako galing sa perya Febb, galing ako do’n sa itaas,” sabay turo niya sa kisame ng kwarto ko kaya’t napatingala ako at wala akong ibang makita kundi ang chandelier na hindi nakasindi. Kumunot ang noo ko, paano pala nalamang ng lalaking ‘to ang pangalan ko? Stalker ko ba siya? Pero, pakiramdam ko harmless naman so....

“Stalker ba kita?” biglaan kong tanong. Ngumisi naman siya saakin at pasimpleng sinagot ang tanong.

“Pwede,” aniya.

“Ang weird!” bulong ko sabay ngiwi. “But wait, ‘yong pakpak mo real ba ‘yan or peke? I know nalasing ako pero hindi ako nagdadrugs pero feeling ko nakahigh ako dahil saiyo!”

Lumapit siya saakin bigla kaya’t napa-urong ako sa kama ko. Nakangito pa siya pero hindi nakakairita, hindi ko maipaliwanag pero nakakapagbigay saakin ng peace ‘yong ngiti niya.

“I’m always beside you Febb, I know you feel my presence. And I’m no more invisible, I’m taking off my mask that’s why you’re finally seeing me,” nabigla ako ng magcreate ng ingay ‘yong pakpak niya niya, akala ko lilipad na siya or what pero itinago lang niya ‘yon sa bandang likod, nawala e. Kung paano nangyari ‘yon, hindi ko alam.

“I am Marty,” sabay bow niya kaya’t napataas ako ng kilay. “Your guardian Angel,”

That Winged Immortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon