Chapter 8

791 25 0
                                    

CHAPTER 8

PAANO ka mamahalin ng isang nilalang na wala man lang pintig ng puso? Oo, pinapahalagahan niya ako pero 'di ibig sabihin no'n he really cares. Trabaho niya kasi 'di ba? He was created to serve God. Paano ko naman kakalabanin 'yong mismong nagbigay ng buhay sa amin? Isa pa, he's way far than I expected. Nababaliw na ata talaga ako na iisipin ko na magugustuhan niya ako. He doesn't even know the feeling of being in-love? So, paano 'yon mangyayari?

Ang nagpapagulo lang talaga sa akin, paano nangyari sa kaunting panahon na 'yon nagustuhan ko siya? Nagustuhan? Gusto ko na ba talaga siya? Nalilito na ako, as in! Pero if ever siguro crush ko siya o  ano, nangyari 'yon kasi siya lang 'yong nakakaintindi sa akin. He knows me deeply. Alam ko nakaka-attract talaga siya pero bakit.. bakit naman ako nahulog kaagad? Cheap na ba ako? Sabagay sino nga ba ang 'di magkakagusto sa isang katulad niya? Perpekto. Pero as in... bakit siya pa? Sana infuation lang 'to. Tama infuation lang.

Tama 'yan Febb, paniwalain mo 'yong sarili mo. Hays.

"ADA, tapos kana ba sa plate mo?" napalingon ako kay Geo nang bigla siyang magsalita. Nandito na pala siya sa tabi ko 'di ko man lang napansin. Ngumiti nalang ako sa kanya biglang sagot. Nakakatamad kasing magsalita. Alam niyo 'yon? Nakakasayang lang ng laway, as in talaga. At isa pa, nag-iisip kaya ako tapos distorbo siya.

"Pagkatapos natin ipasa, gala tayo!" napatingin ako sa kanya. Okay, mukha talaga siyang consistent at since hinihiram ni Mulawin 'yong katawan niya pwede naman siguro kaming maging malapit 'di pa? No string attached nga lang. Kasi... basta! At siguro kailangan ko ring idistract 'yong sarili ko.

Pero ewan ko rin feeling ko 'di ako magkakagusto dito kay Geo. Ewan ko ba, siguro kasi gusto  ko na si Malawin? Oh my! Napatakip ako nang bibig ko na ikinagulat ni Geo. Wait, did I just say it? I mean kahit sa utak ko lang, inaamin ko na ba talaga? Sabagay ilang ulit ko na ring binabanggit sa utak ko. Pero ang mali pa rin, e. Di pwede, attracted pwede pa! Gosh, kanina infuation tapos ngayon attracted? But a little crush won't hurt right? Ano ba! Kailangan ko na nga siguro ng distraction! Baka kasi kapag nakasiguro na ako sa nararamdaman ko kay Marty, baka 'yon pa ang ikapunta ko sa impyerno. Kaya tama magpapadistract ako!

"May problema ba?" tanong sa akin ni Geo, siguro naweirdohan siya do'n sa reaksyon ko kanina. Ngumiti na lang ako sa kanya at tinapik siya sa braso.

"Nothing," sagot ko. "Pero sige gala tayo later," sabi ko at bigla nalang siyang ngumiti na hanggang tainga.

"Talaga?! Aryt, my treat," halos tumalon na siya no'n sa sobrang tuwa. Nakakaloka lang, ano. Ang OA niya promise! Para siyang nanalo sa lotto, as in lang talaga ang reaksyon niya.

"Good,"napakunot ako ng noo nang marinig ko ang boses ni Marty pero 'di ko naman siya nakikita. 'Di ko rin nararamdaman 'yong presensya niya para kasing nasa malayo siya pero ang cool lang kasi naririnig ko siya. "Make him happy, make yourself happy,"

Paano kung sabihin ko sa kanya na siya 'yong nagpapasaya sa akin? Ano kayang magiging reaksyon niya? Mafi-freak out kaya siya? Baka matrauma 'yon di na magpakita sa akin kaya 'wag na lang at isa pa mawawala rin 'tong kaunti kong paghanga sa kanya.

Right! That's the right term, kaunting paghanga. Masyado lang akong exag mag-isip at magreact kaya ayon kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Gusto kong matawa sa sarili ko, paano nga naman ako magkakagusto sa isang anghel? That's insanity!

Another right, push mo pa Febb. Kaunti na lang mapapaniwala ko na ang sarili ko. Hays.

Umiling na lang ako at itinuon ko ang atensyon kay Geo at tinanong siya. Nagseryoso naman 'yong mukha niya no'n sa tanong ko."Geo, bakit ikaw? Bakit ikaw 'yong hinihiraman ng katawan ni Marty? 'Di ka ba nagtataka?"

That Winged Immortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon