CHAPTER 15.
KADILIMAN. Madalim. Wala akong makita kundi puro dilim. Naglakad lang ako nang naglakad ngunit 'di ko naman alam ang patutunguhan ko. 'Di ko alam kung saan ako papunta kung puro dilim lang ang nakikita ko.
Ano nga bang nangyari? As in, nasaan ba ako? Pero kahit na gano'n napangisi ako. Wala akong maramdaman na sakit. Wala akong maramdaman sa lugar na 'to. Wala akong madama. Kahit... kahit pintig ng puso ko. Wala. Patay na ba ako? Ito na ba ang impyerno? Ito na ba 'yon? Ni hininga ko 'di ko maramdaman. Manhid. Tama, manhid na nga talaga ako. Wala akong nakikita pero kampante akong naglalakad sa kawalan. Hindi ko alam kung bakit ganito...
Hanggang sa may humila sa kamay ko at pilit akong pinalingon. Napapikit ako sa liwanag na bumulaga sa mukha ko. Nasisilaw ako. Kanina ang sabi ko, wala akong maramdaman pero bakit sa isang iglap... nakaramdam na naman ako ng sakit sa dibdib ko. Itong presensya at pwersa na 'to. Pamilyar na pamilyar sa akin.
"B-bitawan mo ko..." mahina kong giit at pinilit kong alisin ang kamay niya na nakahawak sa akin.
"Hindi ka dapat nandito," seryosong seryoso ang boses niya at parang tinutusok ang puso ko. Hindi ko man aminin pero namimiss ko ang kanyang tinig. Putangina pero.... namimiss ko siya! At itong pakiramdam na nasa tabi ko na siyang muli hindi ko alam kung bakit... bakit hindi ako natutuwa.
"Sabi ko bitawan mo ko," malamig ang tinig ko ipinaparinig ko sa kanya. At kahit naninikip ang dibdib ko dahil sa halo-halong emosyon pinilit kong patigasin ang hilatsa ng mukha ko, lalo nang unti-unting naglalaho ang liwanag na nagmumula sa kanya. Gaya na lang ng dati, 'yong sakto... 'yong tama. Nakikita ko na nang malinaw ang mukha niya.
"Febb," pagbanggit niya sa pangalan ko at mas lalo niyang hinihigpitan ang hawak sa kamay ko. "Febb, ano'ng ginawa mo? Bakit 'di mo iningatan ang sarili mo!?"
Hindi ko alam kung bakit siya sumisigaw. Anghel siya 'di ba? Dapat hindi siya nagagalit sa akin. Bakit ganito ang reaksyon niya ngayon? Ilang buwan lang... nagbago na siya.
Ayaw niya mang bitawan ang kamay ko pinuwersa kong alisin 'yon sa kamay niya. "Sino ka ba? Kilala ba kita? Kasi as in to the highest degree dude, hindi kita kilala!" buong tapang kong sigaw at tinalikuran ko siya ngunit hinila na naman niya ako. This time... niyakap niya ako. Mahigpit. 'Yong tipong pakiramdam ko namimiss niya rin ako. 'Yong tipong—hindi. Hindi 'to maari. Buong tapang ko siyang itinulak kaya't napahiwalay siya sa akin.
"Kanina pagdating ko dito wala akong maramdaman. Pero nagpakita ka bigla, bam! Lahat ng sakit bumalik. Angehl ka ba talaga? Pero bakit ganito? Nasasaktan ako dahil sa iyo." Napalunok ako kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko. Nanginginig ang sistema ko habang nakatingin sa kanya. "Tigilan mo na ako M-Marty. Ano pa bang gusto mo? Umalis ka 'di ba? Iniwan mo ako. Ang sabi mo sa akin 'wag na kitang mahalin." Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko at kaunti na lang hahagulgol na ako sa sarap niya. Itinuro ko 'yong dibdib ko habang nakatingin sa kanyang luhaan. "G-gusto ko ng maalis 'yong sakit dito. Gumawa na nga ng paraan 'yong Diyos mo, e. O-okay na kanina, e. Wala na akong maramdaman... okay na. Okay na.... P-pero bakit kailangan m-mong—"
"Febb." Hinila na naman niya ako at niyakap. Pinilit ko siyang itulak ngunit mas mahigpit na ang yakap niya sa akin. Nagpupumiglas ako ngunit ayaw niya akong bitawan. "Mali. 'Di ka dapat nandito. Febb.... sorry. Patawarin mo ako. Patawarin mo na ako."
"M-magulang ko nga, 'di ko mapatawad, e. I-Ikaw pa kaya?" mahina kong giit habang walang humpay ang pagragasa ng luha sa mga mata ko.
"Kahit sila na lang. Kahit sila na lang ang patawarin mo. Febb..." humiwalay siya sa pagyakap sa akin ngunit mabilis niyang ipinatanong ang mga kamay niya sa balikat ko at diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Makinig ka sa akin. Mahal na mahal ka nila. Oo, nagkamali sila sa pagpapangalan sa iyo ng totoo nilang anak dahil no'ng mga oras na 'yon, 'di pa nila tanggap. Hindi pa pumapasok sa isip nila na wala na 'yong anak nila. Kaya no'ng dumating ka sa buhay nila, pinasaya mo sila. Ibinalik mo 'yong sigla nila sa buhay. Febb, alam ko masakit 'yong nalaman mo. Pero kumpara sa lalim nang pagmamahal nila sa iyo, walang wala 'yon."
BINABASA MO ANG
That Winged Immortal (Completed)
FantasyThere's a girl named Ada Febb Abraham. Rebel-type and uh.... she has a GUARDIAN ANGEL!