Chapter 1

2.3K 59 4
                                    

CHAPTER 1.

KAKALABAS ko lang sa aking kwarto nang bumungad sa akin ang mukha ng kasambahay namin. Halos mapasigaw nga ako dahil sa mukha niya, e. Paano ba naman kasi todo make up ang loka. Napangiwi na lang ako habang tinitignan siya tapos 'yong kamay niya rin handa ng kumatok sa pinto ko.

"Problem Martha?" tanong ko habang isinara na nang tuluyan ang pinto ng kwarto ko. Kakatapos ko lang maligo at kung anu-ano pang girly stuff, actually I'm late for school. Medyo masakit pa rin ang ulo ko pero hindi ako p'wedeng hindi pumasok. Education is wealth dude! Anyway, ka-edad ko lang si Martha but she's not luck as me. Oh wel, poor her.

"Kanina ka po kasi tawag," mahinahon na sambit niya. Napa-irap nalang ako to the super high degree at hindi na siya muling pinansin dahil bumaba na ako sa hagdan namin na hindi naman gano'n kahaba, sakto lang to the point na nakakangalay rin ng paa. Bago pa nga ako nakalayo sa kanya narinig ko pa siyang bumulong something like nagbago na raw talaga ako. Seriously dude, bakit hindi nila matanggap na walang pernamente sa mundo kundi ang pagbabago? God, bakit kasi hindi sila magising sa katotohanan, e. They think they are living on a fantasy world na ako si Ada Febb Abraham ay tila isang santo na dapat mabait sa kanila all the time and all the way. Oh well, I used to be that.... good girl. But as I've said, change will come across and bam everything will just fucking explode. Trust me, that's how life is and tested proven by the way.

Napadaan ako sa may dining area dahil na-uuhaw ako, pagsalin ko ng malamig na tubig sa baso ko kaagad ko itong ininom para naman kahit papaano mabawasan ang sakit ng ulo ko. Naramdaman ko pa ang malamig na likido sa aking lalamunin, oh yeah, refreshing as ever!  Aalis na sana ako nang may biglang tumawag sa akin pero hindi ko nilingon. Kaso palakas nang palakas 'yong pagbigkas niya sa pangalan na itinawag niya sa akin kaya't wala na akong nagawa kundi ang harapin siya... sila. Naka-upo sila sa dining chair at handa ng mag-almusal, ako na lang ata ang hinihintay. No wonder, sila 'yong nagpatawag sa akin kanina.

"Ganyan na ba talaga katigas ang ulo mo Ada? Kailangan tawagin ka pa nang paulit ulit para lumingon? Ano 'to bukod sa pagiging rebelde mo, nagbibingi-bingihan ka na?" mariin na pagkakasambit ng matandang naka-upo sa uluhan ng dining table. Kahit may katandaan na ito hindi pa rin nawawala ang pagkamakisig ng kanyang pangangatawan, maayos pa rin ang mukha niya at masasabi mong gwapo siya no'ng kabataan niya. Worst part? Hindi ko sila kamukha. Bakit hindi ko nga naman napansin 'yon sa tagal ko silang kasama? Maybe, nabulag ako sa pagmamahal nila sa akin, sa pagmamahal na hindi naman pala talaga akin.

 Actually, hindi naman siya gano'n katanda, siguro mga nasa 40? I used to know his age, but now I really fucking don't care. Nawalan na ako nang gana sa kanya, sa kanila, sa mga magulang ko kuno.

Ngumiti ako sa kanya ng sarkastiko, tawagin niyo na akong bastos at walang modo wala na akong pakialam. "Oh... I thought, you're calling your daughter sorry," sabay peace sign ko pa para kunwari effective.

"Ada, anak ka namin... mahal ka namin nang Daddy mo," biglang saad ng... Mommy ko? I don't know, hindi ko na alam kung ano bang dapat na itawag ko sa kanila matapos kong malaman ang totoo sa kabila ng pagkatao ko. Sa kabila ng pangalan na Ada Abraham. Buti na nga lang may second name akong super duper fab.

"Yeah right... Mom," diniinan ko 'yong salitang Mom, nakita ko sa ekspresyon ng mukha niya na nasaktan siya. Well,  kung contest pala ito ng kung sino ang mas nasaktan malamang sa alamang ako na ang nanalo. Hindi nila alam kung anong naramdaman ko no'ng oras na natuklasan ko na kasinungalingan lang ang lahat. Hindi nila alam na gustong gusto ko ng wakasan ang buhay ko no'ng mga oras na 'yun but something weird happened... parang may kumakausap sa akin no'n gamit ang isip at sinabi niya sa akin na hindi dapat ako gumawa ng isang bagay na siyang higit na makakapagpahirap sa akin. That voice even said that mapupunta ako sa impyerno kapag itinuloy ko ang binabalak ko. Tinakot pa ako ng boses na 'yon kung kailan nagdadrama ako. Panira lang ng moment, ano? But still, I thank that voice kung sino man ang may-ari no'n  pagkatapos nang sobrang na iyak na ginawa ko, pakiramdam ko lagi ng may nagbabantay sa akin. Pero hindi ko na lang pinansin, hindi naman ako ginagawan ng masama, soooo keri.

That Winged Immortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon