Chapter 6

978 29 2
                                    

CHAPTER 6

"GEO!" tinawag ko siya no'ng nakita ko siyang naglalakad sa may corridor. Ngumiti naman siya sa akin no'n tapos nilapitan na ako. No'ng nasa harapan ko na siya, 'di na ako nag-alinlangan na kunin ang kamay niya at hinila ko siya papunta do'n sa may gilid. 'Yong walang masyadong tao. Kakatapos lang rin naman ng klase namin.

"Bakit?" may pagtatakang nakaplaster sa mukha niya.

Binitawan ko na naman 'yong kamay niya pero nakataas ako ng kilay. "Pumayag ka?" tanong ko. No'ng una di niya pa rin ata gets pero parang alam na niya kung ano ang tinutukoy ko kasi tumango siya.

"Oo, may problema ba?"

"Oo!" aniya. "Bakit ka pumayag?"

"Bakit hindi?" tanong niya pabalik.

"Sandali nga, nakikita mo ba siya?" nanlalaking matang tanong ko. Nasa tabi ko kasi si Mulawin, baka nakikita niya rin 'di ba?

Nakita ko siyang ngumisi. "Hulaan mo," sabay tingin niya sa magkabilang side na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Geo!" 'di niya ako sinagot pero tumawa siya.

"Okay," aniya nang humupa ang tawa niya. "Dahil nga may feelings ako saiyo, sasagutin kita—"

"OMG!" nabigla na lang kami nang may sumigaw mula sa gilid ko. Nakita ko sina Jona at Pia na shock ang mga itsura. What the? Ano bang problema ng mga 'to? "Nanliligaw ka kay Geo, Ada?!" sabay nilang tanong kung kaya't nanlaki ang mata ko.

Tapos narinig ko na naman ang tawa ni Marty marahil sa reaksyon ko. 'Di ko na 'yon pinansin at pinanlisikan ng mata ang mga kaibigan ko.

"What?! No!"

"Eh, anong narinig kong sasagutin chuchubells ek ek?" nakataas kilay na tanong ni Jona habang nasa balakang naman ni Pia ang magkabila niyang kamay.

"It's non of your biz!" sagot ko hawak sa kamay ni Geo na siyang ikinabigla nila. "'Wag nga kayong chismosa girls, nakaka-ano kayo to the highest degree!" tapos no'n hinila ko na si Geo sa kung saan. Malayo do'n sa dalawang bruhang 'yan. Nakakaloka naman kasi. Ako? Manliligaw? Over my dead body, 'no!

Habang kinakaladkad ko si Geo napatingin ako sa kanya. Nakita ko naman nakangiti siya, oh anong problema ng isang 'to? Nababaliw na ba siya o ano? Nakahithit ba ng katol o nakasinghot ng baygon? Tapos dumapo 'yong tingin ko sa kamay ko na nakahawak sa kanya. Napangiwi ako sabay bitaw, tumingin siya sa akin habang nasa dulo na kami ng corridor. Nakasimangot. Bipolar na nilalang!

"Bakit mo ko binitawan?" tanong niya sa akin habang nakalukot pa rin ang mukha. Napataas ako ng kilay sa kanya at sinagot siya.

"Bakit hindi?"

Mas gugustuhin ko pa nga na si Marty ang hawakana ko—Geez! Tumigil ka Febb. Lagi na lang, Hays. Napaghahalataan na!

"Ayaw mo bang maging masaya ako?" nabigla ako sa sinabi niya. Nakakaloka talaga 'to. Kung anu-ano pinagsasabi. Ang harot niya po jusko! Bakit ba kasi pinansin ko 'to?

"Ang landi mo!" sabay hampas ko sa kanya sa braso kaya't natawa siya. 'Kita niyo na, nababaliw na siya! Jusmiyo oo!

"Sabagay kahit natatanaw lang kita mula sa malayo masaya na ako," hahampasin ko pa sana siya kaso may pumigil sa sistema ko. 'Yong ekspresyon kasi ng mukha niya, kakaiba. Natulala kasi siya bigla parang biglang napunta sa ibang mundo.

Nang mapatingin ako kay Marty na nasa gilid namin nakatingin siya kay Geo at sa tingin niya 'yon may kakaiba. Hindi ko lang mapin-point kung ano.

Pinitik ko 'yong daliri ni Geo. "Hoy, anong problema?" tanong ko sa kanya. Do'n lang ata siya nabalik sa wisyo kasi ngumisi siya nang nakaharap sa akin.

That Winged Immortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon