CHAPTER 9
"GOOD MORNING FEBB," nagkusot ako nang mata ko habang nakahiga ako sa kama ko. Nang malinaw na ang nakikita ko, may pigura akong lalaking nakitang nakatayo sa may gilid ng kama ko. Nakayuko siya no'n at nakangiting nakatingin sa akin. Nagliliwanag na naman siya, lagi naman e. Pero mayro'n akong kakaibang napansin, iba na 'yong damit niya dati t-shirt lang ngayon nakalong sleeve na puti na siya pero why so gwapo pa rin as in to the highest degree?
Oh my, kung ganitong kagandang nilalang lang naman ang makikita ko sa tuwing gigising ako mahihiga na lang ako forever.
"Good morning baby," bati ko pabalik ngunit nawala 'yong ngiti niya sa labi niya at do'n ko lang narealize 'yong sinabi ko. Seriously, gusto ko ng sakalin 'yong sarili ko ngayon o kaya lamunin na ako ng kama ko o kaya ng unan o kaya ng bedsheet o kahit na ano!
"Baby? Mukha ba akong sanggol Febb?"nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa akin ang mga mata nyang kulay bughaw. Feeling ko namumula pa rin ako hanggang ngayon sa sinabi ko. Umupo na ako no'n sa kamay at dumiretso na siya ng tayo.
"A? Oo! Baby face ka kasi kaya natawag kitang baby, sorry ah?" sagot ko at nag-iwas ako ng tingin sa akin. God! Bakit ko ba 'yon nasabi? Nakakahiya! 'Di ba nagmomove on na ako? Ilang araw kaya siyang 'di nagpapakita sa akin.
Naramdaman ko naman na umupo siya sa gilid ng kama ko nakangiti na naman siya. Pasimple ko na lang siyang tinignan no'n, nakakahiya pa rin talaga pero parang wala lang naman sa kanya. Mukhang masaya pa nga kasi napakalapad ng ngiti niya ngayon.
"Marunong ka ng magsorry, ah? Improving," pagkasabi niya no'n otomatikong napatingin ako sa kanya kahit na naiilang pa rin ako ng kaunti. 'Di ko alam kung nang-aasar ba siya o ano pero napangiti na lang din ako. 'Di ko maexlpain 'yong feeling pero masaya talaga ako ngayon.
'Yong barrier na pinipilit kong itayo sa puso ko natunaw lahat ng 'yon. Teka, may barrier nga ba akong binuo no'ng mga panahon na 'di siya nagpapakita bakit parang mas lalong lumakas 'yong impact niya sa akin.
Isang buwan na rin ang lumipas simula no'ng gumala kami ni Geo, 'yong sa mall. Simula no'n lagi na kaming magkasama lalo pa't magkaklase kami. Ang cool din naman kasi nang isang 'yon e, at isa nabawasan na rin ang night life ko kasi pinagbawalan na ako ni Marty. 'Di naman ako makahindi kasi may usapan kami, 'di ba? Kaya kapag wala akong magawa tuwing gabi tinatawagan ko si Geo kasi nawawala na lang bigla si Mulawin, so ayon mag-uusap kami ni Geo hanggang sa makatulog ako. Naging close na rin ni Geo ang mga kaibigan ko, si Jerry nga tuwang tuwang. Ang harot talaga ng baklang 'yon.
Kung tatanungin niyo naman kung masaya ako? Siguro... oo pero may parte pa rin sa akin na 'di ko maintindihan. Masaya ako kasi nandito na naman ang anghel ko, kapag kasi kasama ko si Geo madalang na lang magpakita sa akin si Marty, minsan nga ilang segundo lang tapos mag-didissappear na naman siya.
Kahit sa gabi kapag wala akong makausap di siya nagpapakita sa akin kaya si Geo ang kinukulit ko. 'Di ko alam kung anong trip niya pero sabi niya naman sa akin lagi lang siyang nakamasid, medyo creepy siguro para sa iba pero sa kaloob-looban ko ang sweet lang.
Kaya nga ngayong nakikita ko siya at naka-upo pa sa gilid ko 'di ko maiwasang napangiti. Namiss ko kasi siya, 'di na siya 'yong tulad no'ng una na kung saan saan ko nakikita ngayon parang nililimitahan niya na lang at 'di ko alam kung bakit. Teka, 'wag niyang sabihin na alam niyang may kaunting paghanga ako sa kanya.
"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya. "Alam mo bang namiss kita?" napatakip ako ng bibig ko. Sinabi ko ba talaga 'yon? Bakit 'di ko na napipigilan ang bibig ko? Hays. Eto ba ang epekto ng pagkawala niya?
Ngumiti na naman siya no'n sa akin. "Pinuntahan naman kita kahapon 'di ba?" tanong niya sa akin. Napangisi ako, bakit ako nag-eexpect na sabihin niya sa akin na miss niya rin ako? Yeah right, tinutorture ko na ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
That Winged Immortal (Completed)
FantasyThere's a girl named Ada Febb Abraham. Rebel-type and uh.... she has a GUARDIAN ANGEL!