Chapter 5

1.2K 36 2
                                    

CHAPTER 5

"BABY ADA," napalingon ako sa pagtawag sa akin ni Jerry, yes remember my gay friend? Nasa may mini garden kasi kami. Nagpapahangin. Maaga kasi ang dissmisal nandito kami para tambay muna. Magka-iba rin kami ng college nito, mamaya pa kasi ang klase niya kaya ayon nagpasama muna ako.

Sinamaan ko siya nang tingin.

"Jerry, please lang! 'Wag kang istorbo," nakasimangot na sambit ko sa kanya. Paano ba naman kasi ginagawa ko ang plate namin. Eh, ang dami dami nito, buti sana kung tinutulungan niya ako, e kaso hindi.

Nakakastress namin kasi. Isa pa 'yong si Mulawin, ayaw ba naman magpakita sa akin kahit na nararamdaman ko naman siya. Nagpapaka-invisible ang peg ng anghel na 'yon. Aish. Kung kailan gustong gusto ko ng magtanong sa kanya, 'di naman siya nagpapakita. Kahit ilang tawag ko sa pangalan niya, wala pa rin. Pakipot pa. Hays. Nakakainis 'di ba? Ilang araw na kaya! Nakakamiss kasi siya—teka, sinabi ko ba talaga na nakakamiss siya? Oh my! Hindi p'wede, umayos ka nga Febb. Focus lang focus.

"Baby Ada!" pagtawag ulit sa akin ni Jerry sabay yugyog pa sa kamay ko. Nagkaroon tuloy ng malaking guhit 'yong plate ko. Buti nalang lapis pa lang ang gamit ko. Tinignan ko nang masama si Jerry.

"Jerry naman! Oo na! Jera na ang itatawag ko saiyo, so please! 'Wag kang manggulo dyan, baka masapak kita to the highest degree girl!" giit ko at kinuha ang pambura ko sa tabi ng ruler ko. Nakaka-ano kasi siya e. 'Kitang may ginagawa 'yong tao tapos nang-iistorbo. Para pang may epilepsy, bigla bigla na lang nangingisay ang bakla. Nakakaloka siya. May pagka-abnoy talaga!

"Stop—" babawalan ko na sana siya ulit kaso biglang may sumingit.

"Ada," paglingon ko si Geo pala. Nakatayo na sa harapan namin habang nakatingin sa akin. Kaya naman pala kinilikig 'tong si Jerry. Tsk. Tsk.

"Baby Ada, ang hot talaga ni Fafa Geo," bulong ni Jerry sa akin kaya't napangiwi ako. Mas hot kaya si Fafa Mart—-y. Oh my! Oh my! Ano bang nangyayari sa akin? Ipinilig ko ang ulo ko at ibinaling ko kay Jerry ang tingin ko para naman madistract ako.

"'Wag munang maglandi Jera, mamaya na. Aryt?" pinanlisikan ko siya ng tingin. Lumapit naman lalo si Geo sa amin at umupo sa pahabang upuan sa harapan ng mesang kahoy dito sa may mini garden.

"Anong kailangan mo?" mataray kong giit sa kanya at ibinalik ko na ang paningin ko sa ginagawa ko. Napapikit naman ako no'ng tumili na naman si Jerry sa tabi ko. Pagdilat ko nakita ko ng may bulaklak sa harapan ko.  Napatanga ako. Araw araw na lang ba niya akong bibigyan ng bulaklak? Seriously, what's wrong with this guy?

Simula no'ng gabing niyakap niya ako do'n sa may parking area ng Fag. Walang araw na hindi na ako binigyan ng bulaklak ng lalaking 'to.  Dalawang linggo na nga ata ang nakakaraan no'n o higit pa.

"Geo, leave me alone!" diretsahang kong giit kaso hinampas ako ni Jera kaya't sinamaan ko siya nang tingin.

"Ang yummy niyan ginaganyan mo," aniya.

Inirapan ko nalang siya. "Ada can we talk?" pakiusap sa akin ni Geo. Ngumisi ako sa kanya at tinignan siya.

"Kapag kinausap ba kita titigilan mo na ang pagbibigay ng mga bulaklak na 'yan? 'Di naman ako garden para pagtaniman mo ng bulaklak araw araw at mas lalong hindi ako santo para alayan ng mga 'to," sabay turo ko sa bulaklak na nakalagay sa mesa gamit ang hawak kong lapis.

Ngumiti siya. "Okay."

"SO WHAT NOW?" tanong ko sa kanya habang nasa mini garden pa rin kami. Iniwan na kami ni Jerry kasi magkaklase na raw siya.

"Sorry," panimula niya. "Siguro nabibilisan ka pero hindi ko maipaliwanag e," sabay kunot niya ng noo. "No'ng unang kinausap mo ako tinanong mo kung anong kulay ng mata ko 'di ba? Tapos, parang... parang bigla na lang may nabuhay? 'Di ko maipaliwang talaga pero... my heart beats so fast and loud bacause of you, 'yong nararamdaman ko sa iyo parang... parang matagal na dito," sabay turo niya sa may puso niya.

That Winged Immortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon