Chapter 4

1.2K 30 7
                                    

CHAPTER 4.

"MULAWIN! MULAWIN! Nararamdaman kita, so please magpakita ka na," kanina pa ako salita nang salita mag-isa rito sa kwarto ko ngunit hindi naman siya sumasagot. Hindi rin siya nagpapakita simula no'ng nakaalis ako do'n sa magical place kung saan niya man ko dinala. Ang galing as in, kasi no'ng inisip ko lang na gusto ko ng umuwi napansin ko na lang na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. "Hey, c'mon and make me see you," hindi pa rin siya nagpapakita. Ano'ng problema niya?

Umupo ako sa paanan ng kama at ngumuso. Inilibot ko ang paningin ko sa apat na sulok ng kwarto ko. Ipinag-ekis ko ang dalawang kamay ko sa tapat nang dibdib ko.

"Okay..." bulong ko. "Magpakita kana.... Marty,"

At ayon nga bigla nalang siyang na-appear sa may mini sofa ko sa kwarto. "Naman to the highest degree!" sabay kamot ko ng ulo ko. "Pangalan mo lang pala katapat mo, huh?"

Narinig ko siyang napabuntong hininga at tumayo mula sa pagkaka-upo. Hindi na siya masyadong nagliliwanag pero may light pa ring nakapalibot sa buong katawan niya. Parang siyang glow in the dark na tao. Ay teka, hindi naman pala siya tao. My gosh.

"Anong kailangan mo Febb?" tanong niya sa akin habang nakatayo sa harapan ko. Nakatingala tuloy ako, nakikita ko 'yong mukha niyang super duper kinis. Ang gwapo talaga ng nilalang na 'to.

"I'm sorry..." nakangiting kong sambit. Aryt, hindi ko alam kung bakit bigla nalang 'yon lumabas sa bibig ko. Hindi naman talaga 'yon ang dapat kong sabihin e. Pero... pakiramdam ko kailangan kong sabihin 'yon. Siguro, nakokonsensya na ako sa mga pagmumura ko sa kanya kahapon tapos kahit na pinagsabihan ko siya nang masasama, niligtas niya pa rin ako sa may hagdan at dinala niya ako sa isang lugar kung saan mawawala lahat ng inisip kong problema. Aish. Pero hindi, hindi dapat ako magsorry. Ayoko nang bumalik sa dating ako... "I mean, no. Hindi ako nagsosorry pero salamat," pagbawi ko. "Gusto ko lang itanong—"

"Tungkol kay Geo?" napakunot ang noo ko. Ibig sabihin, totoo talaga 'yong sinabi ni Geo kanina? Oh my gosh. Bigla akong napatayo at nilapitan siya. Ipinatong ko 'yong siko ko sa balikat niya ang kaso... tumagos? Nahulog lang 'yong kamay ko. "Espirito ka lang? Hindi kita p'wedeng mahawakan?" ekstraheradang tanong ko habang namimilog pa ang mga mata ko.

Narinig ko ang pagtawa niya. Shet, ang ganda sa pandinig! "I am not human Ada," sagot niya kaya't napanguso ko pero kaagad ding napalitan ng isang ngisi.

"Cool!" sambit ko at umupo do'n sa mini sofa sa harapan namin. Dinekwatro ko pa ang mga paa ko bago muling nagsalita. "Ano pa bang kayang mong gawin?" nakakacurious kasi e. 'Di ko siya mahawakan, tapos bigla bigla na lang siyang susulpot at mag-didissapear. 'Di ba? Tapos kumikining pa siya. I mean, may glow talaga 'yong balat niya e. Hindi talaga siya ordinaryo. Nakakaloka ito!

"Marami, mga bagay na hindi niyo kayang gawin, mga bagay na hindi ordinaryo, mga bagay na kaming mga immortal lang ang nakakagawa," sagot niya at umupo do'n sa paanan ng kama ko. Magkaharap tuloy kami.

Napataas ako ng kilay sa sinabi niya.

"Ang yabang mo ah!" sigaw ko sabay bato sa kanya ng unan kaso tumagos lang sa kanya. Hindi nga siya napakurap e. Astig!

Nakita ko siyang napangisi. "Matulog kana. Gabi na," paalala niya kaya't napatingin ako sa digital clock ko sa may gilid ng kama ko.

Kumunot ang noo ko. "Aga pa, e! Kj nito,"

"Maaga? Maaga pa pala sa iyo ang alas onse ng gabi Febb?" nakataas kilay niyang tanong. Shet na malagkit naman. Nakaka-insecure siya! Ang gandang nilalang. Hays.

"Oo! Coz I'm a rebel!" I'm so proud sa sagot ko kasi nakataas pa ang noo ko. Akala niya ah. May matching ngisi pa 'yan.

"You are not a rebel Febb, you just got hurt..." natahimik ako sa sinabi niya. Natulala ako nang ilang segundo habang nakatingin sa kanya.

That Winged Immortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon