Chapter 3

1.1K 40 4
                                    

CHAPTER 3.

"PAKYU!"sigaw ko bigla at hinampas ang manibela ko. Nakikita ko ang mga taong nagsisilapit sa kotse ko ngunit hindi ako bumaba. Hindi rin naman nila ako nakikita kaya't wala akong pakialam. "What kind of angel are you? Muntik na akong makasagasa tapos you didn't do anything! Nang-gagago ka ba?" hindi ko na talaga mapigilan ang emosyon ko, nakakainis kasi talaga 'tong Mulawin na 'to. Kahit hindi ko siya nakikita, nag-uumapaw ang galit at inis sa puso ko. "Please," madiing kong giit. "'Wag na 'wag ka nang magpapakita sa akin, I.don't.need.you!" pagkatapos ay pina-andar ko na ang kotse ko, nakita kong nagsialisan ang mga taong lumapit kanina. Tumabi sila para maka-alis ako. Huminto ako do'n sa muntik ko ng masagasaan. Binaba ko ang salamin ng bintana ng kotse ko at hinarap 'yong batang babae.

"Hey kiddo," pagtawag ko sa kanya. Ang dungis niya, sira sira pa ang damit at ang gulo ng buhok. Nakita kong namumula ang kanyang mga mata siguro umiyak dahil sa takot. Nakaramdam tuloy ako ng konsensiya. Mabilis kong kinuha ang wallet ko sa bag ko at naglabas ng isang libo. Inabot ko 'yon sa kanya. "Take this," nakita ko siyang tumango at bahagyang ngumiti ngunit ang ipinagtaka ko hindi niya kinuha ang pera, she just stared at the money.

"Okay lang po Ate,"

"Please take the money," giit ko.

"Hindi na po. Hindi naman po ako nasaktan e, mag-ingat na lang po kayo sa susunod.." nakangiti niyang sambit at tumalikod na.

I can't believe her, mukha naman siyang walang wala pero bakit hindi niya kinukuha ang pera na binibigay ko? Naliliitan ba siya?

"Teka!" sigaw ko at mukhang narinig naman niya kaya't lumingon siya."What's your name?" hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinanong ko ang pangalan niya.

"Nicole," nakangiti niyang giit bago tuluyang naglakad. Napatango ako habang isinasara ang bintana ng kotse ko. Ibinalik ko ang pera sa wallet ko.

"Nicole..." pag-uulit ko habang tumatango. "Noted,"

"WHAT happened to your car?" paakyat na sana ako sa taas nang bigla sumulpot sa harapan ko ang matandang ito. Ngumisi ako sa kanya.

"Nothing," tipid na giit ko at inihakbang ko na ang aking paa sa unang palapag kaso nagsalita siyang muli.

"Nothing?" hindi niya makapaniwalang giit. "Ang laki ng damage sa harap tapos nothing? Ada! How many times do I have to remind you that you should be careful when you're driving,"

Napa-irap ako nang wala sa oras at tinignan siya. I'm not in the mood today pero heto siya salita nang salita, nakasakit sa tainga, e.

"Why bother DAD! Patay na naman si Ada e, so bakit kailangan ko pang mag-ingat? Natatakot ba kayo na wala na kayong magiging Ada kapag namatay ako—" napahinto ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko. Wow. I didn't see that one coming. Hindi ko inaakala na sasampalin niya ako. Sigurop napuno na siya, parang ako puno na rin ako sa kanila.

Iniikot ko ang dila ko loob ng bibig ko at napangisi habang nakatingin sa akin.

"I-Im sorry anak... I didn't mean to—"

"Stop," pagpigil sa sinabi niya. "Why bother to say sorry kung nagawa mo na? Bakit? Maalis ba ng sorry mo, ang sakit dito sa puso ko? Maalis ba ng sorry mo ang katotoohan na ginagamit niyo lang ako? Okay, I know mahirap sa inyo na namatay 'yong totoo niyong anak. At nagpapasalamat naman ako na inampom niyo ako nang iwanan ako ng kung sinoman, but the point here is... bakit hinayaan niyong mabuhay ako sa anino ng totoo niyong anak? Bakit niyo binuhay sa akin ang kautahan ng anak niyo? Ano bang akala niyo sa akin? Robot? Hindi nasasaktan? My God! Tao ako! Tao! Kahit na inampon niyo ako, may sarili akong pagkatao at hindi ibig sabihin na mamanipulahin niyo na ang buhay ko!"

That Winged Immortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon