EPILOGUE

851 52 37
                                    

EPILOGUE

"B-BAKIT hindi pa rin siya nagigising? Ilang buwan na siyang gan'yan! Ilang buwan na siyang tulog. Doc, kailan ba talaga magigising ang anak ko? Pakiusap! Hindi ko kakayanin kung.. kung mawala si Febb sa amin!"

Nakarinig ako ng ingay. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Bakit ganito? Pakiramdam ko ang labo ng pandinig ko. Pinilit kong imulat ang mga mata ko kahit na as in ang bigat ng mga talukap ng mga mata ko. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko dahil pakiramdam ko nabulag ako sa unang pagbukas ng mga ito. Malabo pa ang nakikita ko hanggang sa unti-unting lumilinaw.

"Oh, God! Febb!" naramdaman ko naman ang paghawak sa kamay ko kaya't napatingin ako kung sino. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya ngunit 'di rin nakatakas sa akin ang walang humpay na pagragasa ng luha sa kanyang mata.

"M-Mommy... D-daddy" mahina kong pagtawag sa kanilang dalawa na siyang nagpahagulgol kay nanay ko. Mabilis nila akong binigyan ng yakap kaya't 'di ko na maiwasan ang pagkawala ng mga luha sa mga mata ko.

"W-we love you anak. Patawarin mo na kami ng daddy mo. Pinatanggal na naman ang Ada sa pangalan mo, basta 'wag na 'wag ka lang mawala sa amin. H-hindi ko kakayanin." Iyak lang nang iyak si Mommy habang nakayap sa akin, maging si Daddy 'di na nalabanan ang matinding emosyon.

"M-momy.... D-dad, I-Im sorry. I'm s-sorry po. S-sorry po sa lahat—" Pinatigil ni Daddy ang sinasabi ko at mabilis akong binigyan ng halik sa noo.

"Febb..." Mas lalo akong naiyak sa pangalan na itinawag niya sa akin. "Kami dapat ang huminga ng tawad sa iyo. Alam namin na nasaktan ka dahil sa nagawa namin—"

"D-Dad... As in to the highest degree, tama na ang drama natin. Ang corny na, e." Natawa sila sa sinabi ko kahit na may mga luha pa ring tumutulo sa mga mata natin. "Basta, okay na tayo ah? I love you both!"

"OH MY! Nakakasakit naman ang ulo 'tong mga 'to! Ang dami-dami? Pinapatay ba nila ako? Alam kong matalino ako pero nakakatamad!" bulaslas ko habang nakasimagot na nakatingin s amga libro, notes at kung anu-ano pang nasa harapan ko. Ilang buwan akong coma kaya kailangan kong maghabol lalo na't graduating na ako next year! Dinrop ko pa 'yong ilang subjects ko dati at hindi ko alam kung bakit ako gano'n katanga? Kaya ito, pinapatay ko ang sarili ko sa summer class na 'to.

"Girl, ikaw kasi ang tanga mo. Pasagasa ba naman daw? Gosh, 'yan tuloy nganga ka." Mas lalo akong napasimangot sa sinabi ni Jera sa akin kaya't hinampas ko siya ng ruler.

"Ewan ko sa iyo bakla! Gosh, ang arte mo. Bakit 'di mo kaya ako tulungan, ano?!" naiinis kong giit sabay kuha ko ng milk tea at uminom. Nandito kami ngayon sa may mini garden at ilang linggo na akong nagsusunog ng kilay para mabuo ko ang mga units na naiwan ko.

"Sa akin ka pa talaga nanghingi ng tulong, ano? Girl, allergic ako sa numbers pero kung usapang Fafa 'yan. Aba, gora tayo!" may pagkabungisngis niyang giit kaya inirapan ko na lang siya.

"Nakakainis kasi si Jona! Inuna pa ang bakasyon kesa sa akin? Like duh, kaibigan niya kaya ako!" pagmamaktol ko. Paano kasi nanghingi ako ng tulong sa kanya pero ang bruhang 'yon, mas pinili ang Palawan at Bora kesa sa akin kaya na-stuck ako dito kay Jerry na allergic sa mga numbers.

Nagulat naman ako nang tumili si Jerry kaya't nahampas ko siya. "Problema mo?"

"Girl, why don't we call Geo? 'Di ba close naman kayo at isa pa classmates kayo, oh!" aniya kaya't napasimagot ako.

"Ayoko nga. Alam mo namang patay na patay 'yon sa akin baka 'di na ako lubayan kasi ang lakas ng charisma ko," sagot ko sa kanya at kinuha ang isang libro. Ang totoo niyan, nahihiya kasi ako kay Geo. Hindi ko alam bakit pero kasi parang... parang nakakaguilty na hindi ko alam.

That Winged Immortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon