CHAPTER 13
PARA akong nasisiraan ng ulo sa mga sinabi niya. Hindi ma-absorb ng utak ko lahat. Parang panaginip lang lahat. It was too much for me to handle. Paano nangyari 'yon? Paanong si Geo? Bakit gano'n? Kahit na ipinaliwag niya sa akin 'di ko pa rin maintindihan. Magulo pa rin para sa akin. Parang sobra naman. Ang dami ko pa ring tanong.
"Ada," nabigla ako nang hawakan ako bigla sa balikat ni Mommy. Nandito ako ngayon sa may garden sa may likod ng bahay namin, sa tabi ng pool. Gusto kong mag-isip, gusto kong ipasok lahat ng usapan namin sa utak ko pero bakit gano'n? Parang ang hirap tanggapin.
Tatlong araw na ang nakakaraan simula no'ng nag-usap kami pero pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari.
"Ada, may problema ka ba anak?" napatingin akong muli kay Mommy nang magsalita siya. Wala akong masabi, 'di ko maibuka ang bibig ko. Ganito ba talaga kahirapan na kausapin siya tulad ng dati? 'Yong dating Ada... Marami pa akong iniisip at isa pa 'to sa mga problema ko.
Sinubukan kong magsalita, sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero walang lumalabas sa bibig ko. Pakiramdam ko tinakasan na ako ng kaluluwa ko matapos kong marinig ang katotoohan mula kay Marty.
Sinubukan ko muling ibuka ang bibig ko ngunit tila naputol ang dila ko dahil hindi ko magawang magsalita. Tatlong araw na akong walang kibo, tatlong araw na akong nag-iisip, tatlong araw na akong palaging tulala. Matapos ang usapin naming 'yon pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko kay Geo kahit 'di ko naman inuutos sa kanya na gawin ang isang bagay. Isang desisiyon na marahil ngayo'y pinagsisisihan niya ng lubos.
Nagbalik sa akin ang mga alaala. It all made sense to me now. Kaya pala, ang dami kong napagtanto pero 'di ibig sabihin no'n wala ng katanungan na gumugulo sa akin.
Naalala ko na naman ang usapan naman ni Marty nang araw na 'yon. Ang araw na ipinagtapat niya sa akin ang lahat. 'Di 'yon mawala-wala sa aking isipin, kahit anong pilit ko 'di matanggal tanggal. Napayakap ako sa aking sariling mga braso nang maramdaman ko na nagtataasan ang mga balahibo ko habang naglalaro sa aking isipan ang aming naging pag-uusap.
"Are you kidding me?!" tanong ko sa kanya habang 'di pa rin makapaniwala. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya ng mga oras na 'yon. "Marty! 'Di ito magandang biro! Itigil mo na as in! Nagmumukha kang desperado kung ipupush mo pa sa akin si Geo. Hindi ako naniniwala—"
"It's the reality Febb, wala akong magagawa sa bagay na 'yon," umiling-iling ako habang hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko. Halo-halong emosyon ang nagtatalo sa dibdib ko. As in, maniniwala ba ako sa kanya?
"Hindi nga totoo, e!" bulyaw ko sa kanya at wala na akong pakialam sa mga taong napapatingin sa gawi ko. Sumisigaw ako ng mag-isa, right! 'Di pa ako baliw pero pakiramdam ko nababaliw ako dahil sa mga sinasabi niya sa akin.
"Geo... kaibigan ko siya," narinig kong mahina niyang sabi. "Kaya nakilala kita, anghel mo siya kaya alam ko na palagi ka niyang binabantayan dahil 'yon ang trabaho niya. Sa tuwing magkikita kami sa itaas, lagi ka niyang bukambibig sa akin. Si Ada, ang bait niya. Si Ada, ang talino niya. Si Ada, palangiti. Si Ada, ang ganda niya. Si Ada... si Ada.. si Ada... si Ada... walang katapusang Ada—"
"S-stop," pagpigil ko sa kanya ngunit 'di niya ako pinansin. Nanginginig na rin ang boses ko ngunit parang wala lang sa kanya, itinutuloy niya pa rin ang sinasabi niya.
"Nang minsan isinama niya ako sa pagbabantay sa iyo dahil tapos na ako sa pag-iinsayo, do'n kita unang nakita na kasama ko si Geo. Labing limang taon ka pa lamang no'n, kasama mo ang mga magulang mo. Masaya kayong kumakain ng hapagkainan habang nagkukwento ka ng nangyari sa araw mo sa eskwela, mahal mo ang mga magulang mo no'n Febb."
BINABASA MO ANG
That Winged Immortal (Completed)
FantasyThere's a girl named Ada Febb Abraham. Rebel-type and uh.... she has a GUARDIAN ANGEL!