CRUZ'S MANSION, NORTHEAST BORDER
Pilit na nagpupumiglas sa hawak ni Dylan si Hannah pero kahit anong gawin niya ay hindi niya magawa. Halos sumubsob na nga ito sa lupa sa paghatak ni Dylan dito. Hindi alam ni Hannah kung saan siya nito dadalhin hanggang sa mayroon siyang nakitang mansion sa d kalayuan.
"Bitiwan mo ko!"sigaw niya na hindi manlang binigyan ng pansin ni Dylan. Kinaladkad siya nito hanggang sa loob ng mansyon at pagkasaradong pagkasarado nito ng pinto ay bigla itong sumigaw.
"Monica!"sigaw ng lalaki. Mabilis namang may lumapit kay Dylan na isang babae. Maganda ito. Maliit at mayroong mahabng buhok.
"M-Master D-Dylan."nauutal na sabi nito sabay yuko. Hindi ito pinansin ni Dylan sa halip ay pabagsak niyang pinaupo si Hannah sa isang sofa.
"Stay there sweetheart. You dont want me angry."bulong ni Dylan kay Hannah bago ito umalis. Nang ito ay bumalik may dala itong dos por dos na bakal. Hindi nito pinansin ang nanlalaking mga mata ni Hannah at nilapitan nito si Monica.
"Kneel"sabi ni Dylan sa nanginginig sa takot na si Monica.
"S-Sorry M-Master Dylan...H-Hindi na po ito m-mauulit..."umiiyak na paghingi ng tawad ni Monica. Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Dylan.
"Kneel"ulit nito. Dahan dahan namang lumuhod si Monica sa harap ni Dylan. Naguguluhan si Hannah kung bakit ganun na lang ang takot ng babaeng ito kay Dylan. Naguguluhan siya kung bakit master ang tawag nito dito na tila isa lamang itong alipin.
Naputol ang pag-iisip niya ng biglang hampasin ni Dylan si Monica ng bakal. Sa sobrang gulat at takot niya ay nabato siya sa kanyang kinauupuan habang nakatitig kay Monica na nakadapa na sa sahig. Sinipa ito ni Dylan.
"Kneel"sabi ni Dylan. Hirap na hirap man ay lumuhod parin ito. Sa ikalawang pagkakataon ay inihampas uli ni Dylan ang bakal. Napasigaw na si Hannah sa kanyang nakita. Napaubo ng dugo si Monica at napangiti ng bahagya si Dylan.
Nakita ni Hannah kung paano hinampas ni Dylan si Monica ng paulit ulit habang may ngiti sa labi. Si Hannah naman ay walang ibang magawa kundi sumigaw.
"Stop it! Dylan tama na!"sigaw ni Hannah ng hampasin muli ni Dylan si Monica ng bakal. Duguan na ang bakal at ganun din si Monica na nakahandusay sa sahig. Tumingin sa kanya si Dylan.
"When she's gone, you can take her room and you can take her place sweetheart"sabi ni Dylan sa kanya habang nakangiti bago ibinaling muli nito ang tingin kay Monica. Nakita ni Hannah na inamba ni Dylan ang tubo sa ulo ni Monica. Bago pa man siya makapag-isip ay pinigilan niya ang kamay ni Dylan bago pa nito mapatay si Monica.
"Dylan! Wag! Wag mo siyang patayin Dylan. Please..."nagmamakaawang pakiusap ni Hannah kay Dylan. Tinignan ni Dylan ang mga kamay ni Hannah na pumipigil sa kanya at hindi sinasadyang may pumasok na memorya sa kanyang isipan.
----------------------------------------------------
Dylan! Wag!"sigaw ni Jane. Tumingin lang si Dylan sa kanya with that disapproving look.
"Dont interfere Jane."utos nya kay Jane. Hinamon siya noon ng isang kapwa demonyo sa isang laban. The deal was if he wins pwede niyang patayin ang alipin ng demonyo at kapag ito naman ang nanalo ay papatayin nito si Jane. It was a simple deal for a demon pero ayaw ni Jane na patayin niya ang alipin.
"Wag mo syang patayin Dylan. Please."sabi ni Jane sa kanya noon. Tinitigan niya lamang si Jane ng malamig.
"A deal was made. Dont interfere."sabi ni Dylan bago niya pinatay ang babaeng alipin.
----------------------------------------------------
Nagbalik siya sa realidad ng marinig niya ang iyak ni Hannah. His face contorted to pure anger. Matagal na niyang kinalimutan si Jane pero ito at naalala nanaman niya ang pinagsamahan nila noon.
BINABASA MO ANG
Taming the Incubus
VampireOne night. One mistake. One mistake that changed their lives forever. Dylan Cruz is a demon. Literally. He is a half-breed. Half human, half demon. But after his past love, his human side vanished. He became cold, heartless and brutal. He f*cks then...