Chapter 6

28.2K 643 39
                                    

CRUZ'S MANSION, UNDERGROUND SECRET PASSAGE

Madilim at tahimik sa kinalalagyan ni Hannah. Wala kang ibang madidinig bukod sa kanyang paghinga at ang kaluskos sa kanyang paggalaw.

Nagbukas ang pinto at agad niyang isiniksik ang kanyang katawan sa sulok ng kanyang selda. Pilit siyang nagtatago sa dilim na tila maililigtas siya nito kay Dylan. Pumasok si Dylan sa kwarto at binuksan nito ang nag-iisang bumbilya sa silid. Mas lalong sumiksik si Hannah sa sulok ng selda.

Mas nakita niya ng malinaw ang lalaki ng lumapit ito. Nakauniporme pa ito ng eskwelahan at katulad ng mga nakaraang linggo ay wala paring emosyon ang mukha nito. Matatalim ang mga tingin nito na nakapukol sa kanya. Nilapitan siya nito at hinablot sa braso. Hindi siya nanlaban. Sa halip ay nagkunwari siyang nasaktan sa ginawa ng lalaki. Unti unti nang naghihilom ang kanyang mga sugat at nanunumbalik ang kanyang lakas. Kaunting panahon na lamang at pakiramdam niya ay kakayanin na niyang tumakas sa kanyang kulungan.

Tatlong linggo na ang lumipas. At sa tatlong lingong iyon ay lagi siyang pinupuntahan ni Dylan tuwing uuwi ito galing eskwela. Sa bawat pagbisita nito ay wala itong ibang dala kundi sakit. Noong una ay sinubukan pa niyang manlaban ngunit mas lalo lamang naging agresibo ang lalaki. Hindi ito tumigil sa pananakit sa kanya hanggang sa tuluyan ng mawalan ng lakas si Hannah. Simula noong gawin siya nitong isang incubus ay naging mas mabilis ang paghilom ng kanyang mga sugat. Ngunit sa bawat sugat na maghihilom ay panibago nanamang sugat ang idadagdag ni Dylan.

Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Tinignan nito ang mga sugat niyang naghilom na.

"Ilabas mo ang mga pakpak mo."utos ni Dylan sa kanya. Lumakas ang tibok ng puso ni Hannah. Noong isang araw habang wala si Dylan ay nakita ni Hannah na nanumbalik na ang mga pakpak na pinutol ni Dylan. Hindi man ito kasing lakas ng dati, naroon parin ito.

Hindi man niya gusto ang pagiging incubus pero alam niyang makatutulong ang lakas ng pagiging demonyo niya kung gusto niyang tumakas.

"H-Hindi ko kaya..."bulong ni Hannah.

"Pilitin mong ilabas ang mga pakpak mo kung hindi ay wala kang makakain ngayong araw na ito."Dylan snapped. Napapikit si Hannah. Sa isang linggo ay dalawang beses lamang siyang hinahayaang kumain ni Dylan. Sapat lamang para mabuhay siya. With all the beatings ang starvation she gets from Dylan, it looks like Dylan made it his mission to keep her in the brink of death. Dylan give her enough to keep her alive but not enough to give her strenght.

"H-Hindi ko magawa..."sabi ni Hannah habang nagpapanggap na nanghihina. Just a little bit more time at babalik na ang lakas niya at kakayanin na niyang takasan si Dylan.

Nakita niyang ngumisi si Dylan habang nakatingin ang mga malalamig nitong mata sa kanya. Marahas na hinawakan ni Dylan ang kanyang panga.

"Do you think Im stupid?"sabi ni Dylan at naramdaman niya ang pagbaon ng isang patalim sa kanyang dibdib. Naramdaman niya ang pagkabaon nito sa kanyang baga. Binunot ni Dylan ang patalim at pakiramdam niya ay nalulunod siya sa kanyang sariling dugo. Naubo siya at lumabas ang dugo mula sa kanyang bibig. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Dylan. Binitawan siya ni Dylan at agad niyang hinawakan ang kanyang sugat sa dibdib. Patuloy ang pag-agos ng itim na dugo mula dito. Tumayo si Dylan at tinitigan siya nito.

"Do you really think Im that stupid? Sa tingin mo ba hindi ko alam na iniipon mo ang lakas mo para tumakas? Well guess what. That stab is a fatal blow. Kung isa kang tao ay sigurado na ang kamatayan mo pero dahil isa ka nang demonyo, your body will use every bit of energy you have to keep you alive. Maghihilom ang sugat mo but you'll be left weaker than a human."sabi ni Dylan. Patuloy lang ang pagubo ni Hannah ng dugo. Ramdam niya ang pag-itim ng kanyang mga mata at ang paglabas ng kanyang mga bagong mga pakpak sa paggamit ng katawan niya ng enerhiya upang paghilumin ang kanyang mga sugat.

Taming the IncubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon