PIERRE'S RESIDENCE, TORTURE CHAMBER
HANNAH
Drip Drip Drip
Nadidinig niya ang pagtulo ng kanyang dugo sa puting sahig. Hindi niya alam kung ilang oras na ang lumipas. The room has no windows so she cant tell the time. Hindi niya alam kung oras pa lang o araw na ang lumipas dahil lagi siyang nawawalan ng malay.
Hanggang ngayon ay nakatarak parin sa kanyang lalamunan ang punyal at patuloy parin ito sa pagdurugo. Ang binti naman niya ay laking gulat niya ng muling tumubo at unti unti nang naghihilom. Ang kabila nmn niyang binti ay mayroon paring nakabaong dalawang patalim at katulad ng kanyang lalamunan ay patuloy sa pagdurugo.
Wala siyang ibang maramdaman kundi sakit. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang umiyak ngunit wala siyang lakas upang gawin ang kahit alin dito. Sa katunayan nga ay gusto na niyang mamatay. Gusto na niyang matapos ang kanyang paghihirap ngayon mismo. Maski ang simpleng paghinga niya ay masakit. Gusto na niyang mamatay...
Pero alam niyang malayo pa ang kanyang kamatayan. Dalawa lamang ang paraan para mamatay ang isang incubus ayon kay Dylan. Ang una ay kung puputulin mo ang ulo nito at ang pangalawa nmn ay kung hindi ito makikipagtalik sa loob ng isang buwan. Alam niyang matagal tagal pa ang katapusan ng buwan na ito at dahil wala namang pumupunta sa kinalalagyan niya ay malabong mayroong pumutol ng kanyang ulo upang tapusin ang kanyang paghihirap.
Naagaw ang kanyang atensyon ng madinig niya ang pagbukas ng pinto. Nadinig niya ang pagsinghap ng babae ng makita siya nito.
Napuno si Hannah ng pag-asa nang makita niya ang babae kasama ang lalaking nagpahirap sa kanya nitong mga nakaraang araw. Baka nandito ang mga ito upang tapusin na ang kanyang paghihirap.
JANE
Simula ng malaman niya na pinatay ni Damien yung babae ay hindi na siya mapakali. Humingi ng tulong sa kanya ang babae ngunit hindi niya ito natulungan. Hindi niya ito nailigtas sa kamay mismo ng kanyang asawa.
"Stop it Jane."sabi ni Damien pagkatapos nitong bumuntong hininga. Matagal tagal narin siyang sinusuyo ng lalaki ngunit kahit anong gawin niya ay hindi mawala sa isip niya ang mukha ng duguang babae. Tinitigan niya ang nag-aalalang mukha ni Damien bago niya ito tinalikuran. Naglakad siya tungo sa torture chamber. Alam niyang nakatitig sa kanya si Damien habang sinusundan siya nito.
"Jane please. Talk to me."dinig niyang sabi ni Damien. Napapikit siya sa sinabi ni Damien. He sounds so broken and torn. Hindi niya nilingon ang lalaki dahil alam niyang bibigay siya kapag nakita niya ang mga mata nito. Sa halip ay binuksan na lamang niya ang pinto ng chamber bago siya pumasok.
Isang hindi inaasahang tagpo ang nakita niya sa kwarto na naging sanhi upang siya ay mapasinghap.
"H-How..?"hindi makapaniwalang sabi ni Damien sa likod niya.
Nang makabawi siya sa gulat ay agad niyang nilapitan ang babae at tinanggal ang pagkakakadena nito. Mabilis na bumagsak ang babae sa sahig. Nakita niyang nagmulat ng mata ang babae at tinitigan siya nito. The girl's eyes are full of pain and it looks like she already lost her will to live.
"P-Please...k-kill me..."bulong ng babae sa kanya. Nakita niya ang pagtulo ng ilang patak ng luha mula sa mga mata nito. She was so shocked from what the girl said but she wont let her die on her. Hinawakan niya ang babae upang pagalingin ang mga sugat nito ngunit hindi sinasadyang nasilip niya ang nakaraan nito.
Tumulo ang luha niya habang pinapanood niya ang naging buhay ng babae. Naramdaman niyang hinawakan siya ni Damien at naramdaman niya ang gulat nito ng makita nito ang nakikita niya.
She continued crying habang pinapanood nila ni Damien ang naging buhay ng babae. Ang buhay nito noong tao pa ito..kung paano ito naging demonyo...kung paano ito pinahirapan hanggang sa itakas ito ng isang bata at makarating ito sa kanilang tahanan.
BINABASA MO ANG
Taming the Incubus
VampireOne night. One mistake. One mistake that changed their lives forever. Dylan Cruz is a demon. Literally. He is a half-breed. Half human, half demon. But after his past love, his human side vanished. He became cold, heartless and brutal. He f*cks then...