Chapter 7

26.2K 655 35
                                    

CRUZ'S MANSION, LIVING ROOM

Nakaupo si Dylan sa sofa habang nakapikit. May ngiting naglalaro sa kanyang labi habang inaalala niya ang nangyari kanina sa basement. Idinilat niya ang kanyang mga mata at tinitigan niya ang duguan niyang mga kamay at mas lalong lumapad ang kanyang ngiti. The feeling of blood on his hands excites him.

The scene replayed in his mind and as it goes on, his smile slowly fell. She's not Jane...

Ang mga sigaw ni Hannah...Ang pagmamakaawa niya...It was suppose to bring happiness to him but why is he feeling this way? He keeps seeing Jane...

Then suddenly his smile returned...

"She's not Jane...atleast not yet..."nakangising bulong ni Dylan habang nakatitig siya sa kanyang mga kamay. He snapped out of his thoughts nang may madinig siyang magasalita mula sa kanyang harapan.

"Dylan. What the f*ck? Did you kill a demon or something? Youre covered with demon blood."sabi ng isang lalaki. Ibinaba ni Dylan ang kanyang duguang mga kamay at tinignan ang lalaki.

"Anong ginagawa niyo dito Light?"tanong ni Dylan sa dalawang lalaking nasa harapan niya. Matagal na niyang hindi nakikita ang dalawa. Simula noong nagkasagutan sila ni Hans ay ngayon na lamang niya nakita ang dalawang kaibigan.

"Nasan si Hannah?"tanong naman ni Hans. Naikuyom ni Dylan ang kanyang mga kamay.

"None of your business."Dylan snapped.

"Where is she Dylan?"tiim bagang na tanong ni Hans.

"Stop it. Both of you."sabi ni Light.

"Iyon lang ba ang dahilan kung bakit kayo nandito? Kung yun lang makakaalis na kayo."malamig na sabi ni Dylan. Napabuntong hininga nalang si Light.

"Kailangan nating mag-usap Dylan. Something bad is happening."sabi ni Light.

"Which Im sure youre too busy to notice."singit pa ni Hans.

"Hans!"saway ni Light.

"Students are breaking the rules Dylan~~"sabi ni Light na agad pinutol ni Dylan.

"Then take care of it! Parusahan niyo. I dont f*ckin care. Napakaliit na problema lang niyan~~"sabi ni Dylan na pinutol din ni Hans.

"The whole f*ckin school is in chaos Dylan! Hindi lang simpleng rules ang hindi nasunod. The demons are back Dylan! And they are on a f*ckin killing spree! Pinapatay nila ang kahit na sinong hindi nila kalahi. The same goes with the vampires. They are killing left and right. The f*ckin school is falling apart."tiim bagang na singit ni Hans. Kulay pula na ang mga mata ni Hans samantalang kita naman ang pagkagulo sa mukha ni Dylan.

"How is that possible? Its been 7 years simula noong maisara ang mirror gate. All the demons have been sucked back into Hell's core except me, Light and Damien. Imposible yang sinasabi mo!"sigaw ni Dylan.

"I dont f*ckin know how! But the demons are back Dylan!"sigaw uli ni Hans. Sasagot pa sana si Dylan ng may madinig silang isang pagsabog and they heard a howl. Nagkatinginan ang tatlo at isa lang ang nasa isip nila.

Werewolves

ST. LOISE ACADEMY, SCHOOL'S BORDER

ZACK

Nakatingin si Zack sa butas na pader ng St. Loise Academy. Mabilis lamang niyang napasabog ito gamit ang isang rune na iginuhit niya sa pader.

Kumpara sa mirror gate na kinailangan niyang buksan ay napakadali lamang nito. Kinailangan niyang buksan ang mirror gate upang makawala ang ilang demonyo at mabaling sa iba ang atensyon ng mga itinakda.

He needs to distract the king of vampires para hindi nito mapansin at mapakialaman ang kanyang laro.

Tinitigan niya ang kaguluhan sa loob. Nagkalat ang dugo. Patuloy parin ang gulo sa pagitan ng mga demonyo, bampira at lobo. Naunang namatay ang mga tao dahil naipit sila sa gitna ng gulo.

"Alpha Jace thank you sa tulong mo."nakangising sabi ni Zack sa lalaking katabi niya. Diretso lamang ang tingin ng lalaki at nakatitig ito sa kawalan. Tinitigan ni Zack ang umuusok na simbolo sa braso ng lalaki. Napangiti lalo si Zack dahil siya mismo ang umukit nito sa katawan ng lalaki upang magamit niya ito.

Naglakad si Zack papasok ng eskwelahan at agad niyang nakita ang tatlong may-ari ng eskwelahan na nakikipaglaban. Hindi niya pinansin ang mga ito at sa halip ay pumasok pa siya lalo sa gubat. Sa hindi kalayuan ay nakikita na niya ang mansyon na kanyang hinahanap. Napangiti siya at nagpatuloy sa paglalakad. Nang malapit na siya sa may tarangkahan ng mansyon ay yumanig ang sahig at pinalibutan siya ng ilang flesh eaters at hellhounds. Tumawa si Zack.

"Walang kwenta ang bantay ng Incubus"sabi ni Zack habang tumatawa sabay talon paatras. Sa kinatatayuan niya kanina ay mayroong lumabas na malaking uod. Ngumisi si Zack.

"Wala talagang kwenta.."bulong ni Zack habang magiliw na nakatingin sa higanteng uod.

HANNAH

Pain.

Walang ibang maramdaman si Hannah bukod sa sakit. Her body is already healing but its still painful. Ilang buto sa katawan niya ay nabali dahil sa ginawa ni Dylan.

The house is quiet but the floor is vibrating. Nadinig niya kanina ang isang pagsabog pero hindi na niya ito gaano napagtuonan ng pansin.

Nakita niya ang pagbukas ng pinto at may nakita siyang pumasok dito.

"Hello"masiglang sabi ng pumasok. Sinubukan niyang aninagin kung sino ito at nakita niya ang isang batang lalaki.

"S-Sino ka..?"nanghihinang tanong ni Hannah sa bata.

"Ako si Zack."nakangiting sagot ng bata.

"U-Umalis ka na d-dito Zack. Baka makita k-ka ni Dylan.."nanghihinang sabi pa niya. Imbes na sundin siya nito ay lumapit ito sa pinto ng kanyang kulungan. Nakita niyang gumuhit ito ng kung ano sa pinto at maya maya pa ay nadinig niya ang pagbukas ng pinto.

Nakangisi si Zack ng lapitan siya nito. Hinawakan siya ni Zack at nagliwanag ang isang simbolo sa dala nitong sketchbook.

"Ngayon magiging patas na ang laro..."sabi ni Zack bago sila naglaho.

Nang dumilat si Hannah ay wala na sila ni Zack sa kanyang kulungan. Nakahandusay siya sa isang bakuran at wala na rin si Zack.

"Z-Zack..?"mahinang tawag niya sa bata ngunit walang sumagot sa kanya. Nanghihina na siya at nag-uumpisa na siyang mahilo. Unti unti na siyang nawawalan ng malay pero pinilit niyang mantiling gising.

"Zack.."mahina pa niyang tawag pero wala na talaga ang bata. Hindi na niya maigalaw ang kanyang katawan at napakarami naring dugo ang nawala sa kanya. Nilingon niya ang bahay~~mali. Nilingon niya ang mansyon sa kanyang harapan. Napatingin siya sa may bintana sa itaas at nagtama ang mata nila ng isang babae. Nanlaki ang mata ng babae ng makita siya nito. Nakita pa niyang nahulog nito ang hawak nitong libro.

"Tulong..."mahinang usal ni Hannah. Unti unti nang nagdilim ang kanyang paningin. Ang huli niyang nadinig bago siya mawalan ng malay ay boses ng isang babae na sumisigaw sa pangalan ng isang lalaki.

"Damien!"sigaw ng babae. Nakita niya ang dalawang pares ng paa na tumatakbo papunta sa kanya bago siya nawalan ng malay.

ST. JUDE'S HOSPITAL, ROOM 402

Beep Beep Beep

Nakatingin si Zack sa walang malay na katawan ni Hazel. Walang ibang madidinig sa kwarto bukod sa tunog ng heart monitor ni Hazel.

Beep Beep Beep

Hanggang ngayon ay wala paring malay si Hazel.

"Hazel...Gumising ka na..May bago na tayong kalaro.."sabi ni Zack kay Hazel habang may naglalarong mga ngiti sa kayang labi.

----------------------------------------

Update update uli habang may pera pangload xD sorry for the typos sa cp lng nag-update. Comment what you think ;)

VOTE|COMMENT|FOLLOW

Taming the IncubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon