Chapter 18

18K 470 45
                                    

HANNAH

Entry 17

Apat na buwan na ang lumipas mula ng umalis si Princess para sa school. Dito na ako sa condo unit ko nakatira.

Bawat araw ay mas lumalala ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Nagising ako kanina at kulay itim na ang mga mata ko. Kakaiba ang aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay napakalakas ko at naghahanap ako ng dugo. I tried. I swear I tried. Sinubukan kong labanan pero nawalan na ako ng malay.

Paggising ko ay nababalot ako ng dugo. Diyos ko patawarin niyo po ako sa nagawa ko. Wala akong maalala sa mga ginawa ko. Ang natatandaan ko na lang ay nagising ako sa gitna ng isang kindergarten. Nakita ko ang katawan ng mga bata sa paligid. Lahat sila patay na. Tinignan ko ang sarili ko at nakita kong nababalot ako sa dugo ng mga bata. Nakamaskara ako at may hawak na isang patalim. Diyos ko nakapaslang ako ng mga inosente! Pinaslang ko silang lahat!

May nakita akong isang batang may buhay pa. Hindi ko siya kilala pero mukhang kilala niya ako. May hawak siyang patalim habang nakatitig sakin.

"Pinatay mo sila! Sinaktan mo sila! Sasaktan mo rin ako!"

Ito ang mga katagang patuloy niyang isinisigaw sakin habang umiiyak. Natakot ako. Ayaw kong makulong. Tumakbo ako palayo. Iniwan ko yung bata. Nakita ko ang pagdating ng mga pulis. Kinuha nila yung bata. Alam kong ang bata ang masisisi sa krimeng ginawa ko. Alam kong iisipin ng mga pulis na ang bata ang pumaslang sa mga kamag-aral niya. Alam ko ang lahat ng ito pero tumakbo parin ako. Kaduwagan alam ko.

Mapatawad sana ako ng Diyos. Mapatawad sana ako ng mga pinaslang ko. Mapatawad sana ako ng batang iniwan ko upang sumalo ng mga kasalanan ko.

Napasinghap si Hannah. Nakapatay ang kuya niya?

Entry 18

Tinulungan ko ang mga pulis na makahanap ng ebidensya laban sa bata sa kindergarten. Pinadala ang batang iniwan ko sa isang mental institution sa pag-aakala nilang may sakit ito sa pag-iisip kaya nito pinaslang ang mga kaklase nito. Alam kong mali pero hindi titigil ang mga pulis hanggat walang nakukulong.

Entry 19

Nanaginip nanaman ako kagabi. Yung bata nanaman. Sinusubukan niyang kontrolin ako. Hindi ako papayag. Pilit niya akong ginagawang isang nilalang na magiging sunod sunuran niya. Lalaban ako. Hindi ko ibibigay sa kanya ang katawan ko.

Entry 20

5 months mula ng umalis si Princess. Marami akong nadiskubre sa bagong ako. Mas malakas na ako ngayon. Hindi ako namamatay sa mga ordinaryong sugat. Kulay itim narin ang isa kong mata. Bawat araw ay mas lalong humihirap lumaban. Napapagod na ako. Gusto ko nang sumuko pero hindi ko magawa tuwing iniisip ko ang magiging reaksyon ni Princess. Masyadong malakas ang bata. Masyadong madilim ang larong gusto niya... Pero lalaban ako.

Entry 21

6 months have passed. Tumawag sakin ang eskwelahan ni Princess. Nawawala daw ang kapatid ko. Nasan siya? Walang nakakaalam.

Nanaginip ako kanina. Napanaginipan ko si Princess. Kakaiba ang mukha niya. Kulay itim ang mata niya at may pakpak siyang itim rin. Sa kanan niya ay may isang lalaking hindi ko kilala. Kulay itim din ang mata ng lalaki at may itim ring pakpak. Sa kaliwa naman ni Princess ay isang bata. Namukhaan ko ang batang katabi ni Princess. Ito ang batang iniwan ko sa kindergarten! May hawak itong panulat at isang sketch pad.

Isang lalaking itim ang mata at may pakpak... Isang tao lang ang nasa isip ni Hannah. Pero posible kaya?

Entry 22

Taming the IncubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon