Chapter 4

30.9K 782 60
                                    

CRUZ'S MANSION, NORTHEAST BORDER

Nakahiga si Hannah sa kanyang kwarto. Nakatitig sa kisame habang malalim ang iniisip. Mag-isa lamang siya ngayon sa mansyon. Wala si Dylan dahil pumasok ito sa eskwelahan.

Naalala niya ang itsura ni Dylan kahapon. Purong itim na mga mata at itim na pakpak. Alam niyang dapat siyang matakot. Heck! Iyon ang magiging reaksyon ng lahat ng taong nasa katinuan. Pero siguro nga ay wala na siya sa katinuan. Pakiramdam niya ay nababaliw na siya dahil imbes na matakot sa itsura ni Dylan ay namangha siya dito.

Isa itong demonyo. Isang Incubus. Anong ibig sabihin nito? Ano ang incubus? Hindi niya alam. Wala siyang naintindihan sa sinabi ni Dylan kahapon bukod sa isa itong demonyo.

Naisip niya na baka nagkakamali ito dahil walang demonyo ang ganon kaganda ang anyo. Pero tuwing naaalala niya ang mga ginawa nito, hindi niya mapigilan ang kilabutan. Tatlong babae na ang pinaslang nito at isa dito ay kakilala pa niya.

Ang pagpatay nito ay ang nag-iisang sumisira sa pantasya niya. Naalala niya kung paano pinatay ni Dylan si Monica. Naalala niya ang mga ngiti sa labi ni Dylan sa bawat hampas ng bakal. Naalala niya ang mukha nitong tila nasisiyahan sa pagpapahirap sa babae hanggang sa malagutan ito ng hininga. Naalala niya ang brutal na pagpatay nito.

Ipinikit ni Hannah ang kanyang mga mata upang pigilan ang kanyang isip. Isa iyon sa mga tagpong gusto na niyang kalimutan. Lagi siyang binabangungot tungkol dito. Ang pagpatay ni Dylan kay Monica...

Idinilat niya lamang ang kanyang mga mata ng may madinig siyang mga boses. Sumilip siya sa kanyang bintana at nakita niya si Dylan kasama ang dalawa nitong kaibigan. Mayamaya ay nadinig ni Hannah ang pagbukas ng kandado ng kanyang pinto.

"Pagsilbihan mo kami."malamig na sabi ni Dylan bago ito umalis muli. Agad na tumayo si Hannah at napangiwi siya ng makita nanaman niya ang napakaikling suot niya.

"Hannah!"dinig niyang sigaw ni Dylan sa ibaba. Napabuntong hininga nalang si Hannah bago siya bumaba. Naabutan niya sina Dylan, Hans at Light sa may sala. Sa gitna ng sala ay may tila isang hiwa ng liwanag na mukhang portal at mula doon ay may lumalabas na mga babae. Kulay pula ang mga mata ng mga babae at halos wala nang mga saplot ang mga ito.

"What did I tell you? Vampire Kingdom are full of chikas."dinig ni Hannah na sabi ni Hans. May tatlong babaeng nagsasayaw sa harap ng mga magkakaibigan habang ang iba nmn ay kaakbay ng mga ito. Lumingon sa kanya si Dylan ng mapansin siya nito.

"Hannah. Kunin mo yung cooler. Bring us some beers"utos ni Dylan habang nakaakbay sa dalawa nitong babae. Nadinig pa ni Hannah na pumito si Hans. Dumiretso si Hannah sa kusina at kinuha ang cooler. Pinuno niya ito ng yelo at ng beer. Pagkatapos ay dinala niya ito sa may sala.

Pilit niyang hinahatak ang mabigat na cooler papunta kanila Dylan ng makita niyang iwan ni Hans ang mga babaeng kasama nito at nilapitan siya nito.

"Hey baby need help?"bulong ni Hans sa tenga ni Hannah kaya halos mapatalon siya sa gulat.

"H-Hans"nauutal na sabi ni Hannah.

"Master. Master Hans. You'll call us master"nadinig niyang sabi ni Dylan. Napatingin si Hannah kay Dylan nang madinig niya ito. Matalim ang mga tingin nito kaya napaiwas agad siya ng tingin.

"I dont mind.."bulong pa ni Hans sa kanya habang inaangat nito ang kanyang mukha upang tumingin siya dito. Nakita niyang kulay pula ang mga mata ni Hans.

"Are you afraid of me baby..?"bulong pa ni Hans habang nakatitig sa mga mata niya.

"N-No..."nauutal na sagot ni Hannah na naging dahilan upang ngumiti si Hans. Nilapit ni Hans ang bibig niya sa tenga ni Hannah at bumulong.

Taming the IncubusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon