AUTHOR'S NOTE : Please be aware that there are some grammatical errors , and I'll edit the whole story kapag natapos na po lahat , thank you : )
•••••••••"Let me remind you , ikakasal na 'yun ".
Dinig 'kong sermon sa akin ni Max habang hawak niya ang baso ng alak sa kanang kamay at nakasandal ang dalawang siko niya sa bakal dito sa may balcony ng kubotel niya. Huminga ako mg malalim bago isinandal ang dalawang siko 'ko sa railings at ininom ang baso ng alak na hawak 'ko.
"Wala akong nakikitang engagement ring na suot niya , probably she's lying ", sabi 'ko sa kanya dahilan para umiling sya sa akin.
"Ano 'yan nagdududa ka na naman , katulad ng sinabi mo sa akin ?", tanong niya sa akin. "Bakit hindi mo pa kase tanungin si Zach , he's been so close sa mga old friends ng wife mo before , malay mo meroong alam si Zach ".
"He won't tell me ", buntong hiningang sabi 'ko sa kanya bago nilaro ang baso ng alak sa kamay 'ko. " Simula noong mawala si Kyrie , alam ko kaibigan ko pa din siya pero malayo na siya sa dating siya , hinding hindi niya sasabihin sa akin kung anuman ang nalalaman niya. Even though he stay with me , acting like nothing change between us , alam 'kong disappointed siya sa akin ".
"Who will not be disappointed ? ", sabi niya sa akin dahilan para tingnan 'ko siya. "Kahit ako , I will do the same kung nakasama mo ako noong mga oras na 'yun. Pero diba naghired ka na ng Private Investigator mo , wala pa bang resulta ".
"Wala pa , last report niya sa akin. Wala naman siyang napansing puwedeng pagdudahan sa kanya ", sabi 'ko bago muling uminom ng alak.
"Geib , hindi naman sa kinokontra kita ", sabi niya bagong bumuntong hininga ." Pero , paano 'kung hindi talaga siya 'yun . I mean , almost five years na din , baka naman kase ikaw lang ang hindi magawang tanggapin ang nangyari sa wife mo kaya nagkakaganyan ka. Paano 'kung mali ang hinala mo ? ".
"Paano 'kung tama ", seryosong sabi 'ko sa kanya. " I won't give up hangga't hindi ko napapatunayan na siya ang asawa 'ko ".
"Geib , may fiancé na siya ", paalala niya pa sa akin. "She has a relationship with someone else na puwede mong masira dahil lang diyan sa duda mo. Tapos sa huli , hindi naman pala siya ang wife ".
"There's only one way to find out ", seryosong sabi 'ko bago nilagok ang alak na hawak 'ko at tumingin sa dagat. "Balik na ako sa room 'ko ".
"Geib , wag ka naman sanang magmukhang desperado , please ", he remind me. Tumango lang ako sa kanya bago lumabas ng kuwarto niya.
Dumeretso ako sa kubotel room namin dahil medyo nakakapagod din ang biyahe at inaantok na ako. Natigilan ako sa pagpasok ng makitang nakasuot lang siya ng bathrobe na mukhang medyo maluwag pa sa kanya dahil nakikita na ang isang balikat niya habang nakamessey bun naman ang buhok niya. Hindi ko alam pero pakiramdam 'ko ay hindi ko magawang makahinga habang nilalaro nita ang baso ng wine sa kamay niya at pinapanood ang mga alon sa dagat. Nakagat ko ang ibabang labi 'ko ng lagukin niya ng deretso ang wine at aksidenteng naituon sa akin ang mga mata niya.
Hindi 'ko tuloy alam kung saan ako titingin. At kung papasok pa ba ako o dito na lang ako sa labas matutulog. Nang pumasok ako sa loob ay agad niyang inayos ang bathrobe niya na kapantay na ng dibdib niya.
"Sa sahig na lang ako matutulog ", sabi 'ko sa kanya at hindi naman siya nagreact , para bang wala siyang pakialam kung anong gusto 'kong gawin. "Hindi ka ba magpapalit ?", tanong ko sa kanya dahil naka-bathrobe lang siya.
"I'm wearing my bikini , sabi nila maliligo daw kami ", sabi niya sa akin dahilan para kagatin ko ang ibabang labi ko. Naka-bikini siya ? ."I'll go ".
Biglang nanlamig ang buong sistema 'ko ng bigla niyang hubarin ang bathrobe na suot niya at bumungad sa akin ang perpektong hugis ng katawan niya. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang katawan ko at may kung anong bumara sa lalamunan 'ko. Dahilan para iiwas 'ko ang tingin 'ko sa katawan niya. Nang tingnan 'ko ulit siya ay nakataas na ang isang kilay niya sa akin . Kinuha niya ang manipis na puting long sleeves sa taas ng side table bago iyon sinuot.
