EPISODE 06

6.7K 216 15
                                        

"Where have you been ?".

Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses nya sa gitna ng dilim . Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob . Almost ten o' clock na din ng makarating ako sa bahay , pero gising pa din si Geib , ang akala ko tulog na sya .

"Kay Sam ", sabi 'ko sa kanya , ayuko talagang sabihin ang totoo , dahil gusto ko na syang unahan sa pagfile ng annulment at gagamitin kong ebidensya lahat ng pananakit nya .

"Kay Sam ? ", ulit nya sa sinabi 'ko . "Almost three days kang nawala and you didn't attend your class ", tumingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya . Ano 'toh minomonitor nya ako ? Ganoon ba sya ka-uhaw sa annulment at bawat kilos ko binabatayan nya ? ."Bakit gising ka pa ? Wala ka bang balak matulog ? ".

"Hinihintay kita ", natigilan ako sa sinabi nya . Tama ba 'yung narinig 'ko ? Hinihintay nya ako ? Lumang style ."Nag-aalala lang ako kase wala ka pa ".

"Matutulog na 'ko ", paalam 'ko sa kanya bago umakyat sa kuwarto . Napangisi ako sa sinabi nya kanina . Hindi nya ako maloloko sa pa-concern stuff nya .

Kinabukasan ay naligo lang ako at dumeretso sa kusina para magluto ng agahan . Wala naman kaming katulong dahil ayaw ni Geib , dagdag gastos lang daw . Natigilan ako sa paghihiwa ng sibuyas ng magvibrate ang phone 'ko .

An unknown number was flashed on my phone screen . Kinuha 'ko 'yun para tingnan ang message sa akin . Biglang nanlambot ang tuhod 'ko ng mabasa ang message sa akin .

From unknown : 'Did you miss me ? '

Hindi ako nagreply pero nagsend pa sya ng message sa akin .'Can't wait to see you soon ' yun ang nakalagay sa last message nya . Biglang bumigat ang pahinga 'ko at hinaplos ang tiyan ko .

"No , you can't get closer to me ", sabi 'ko sa kawalan habang huminga ng malalim .

"Who ? ", kabado akong napahawak sa dibdib 'ko na animong gumagawa ng illegal na bagay . Tumaas ang kila sa akin ni Geib , dahil hindi ako sumagot sa kanya .

"W-Wala ...Uhmm I made you breakfast ", ngumiti ako sa kanya at ipinakita 'yung adobong niluluto 'ko .

Gulat pa ako ng yakapin nya ako mula sa likuran . Nakapatong ang baba nya sa balikat 'ko habang ang kamay nya ay hinahaplos naman ang tiyan 'ko . Pakiramdam 'ko kahit sa konteng minuto , naging asawa at ama si Geib . Hinalikan nya lang ako sa pisngi bago dumeretso sa ref para kumuha ng tubig .

"You acting so weird ? May problema ba ? ", tanong 'ko sa kanya . Hindi nya ako inaway kagabi kahit alam nya kung sino ang kasama ko . At ngayon ang sweet nya sa akin , nagtataka lang ako .

"Wala ", sabi nya sa akin at ininom ang tubig na hawak nya ."Medyo madami lang akong ginagawa sa offfice this past week ".

Tumingin ako sa kanya iniisip na baka doon nya dinadala lahat ng babae nya . Kumawang ang labi nya ng makita akong nakatingin sa kanya ."Kyrie , wala akong babae . Busy lang kase may kumakalaban sa akin this term , tranferre sya from anothet University ".

"Wala naman akong sinasabi ", sabi 'ko sa kanya .

"Pero ang sama ng tingin mo sa akin ", lumapit sya at hinawakan ang mukha 'ko . Hinalikan nya ako at mas lalong hinila palapit sa kanya . Hindi 'ko. magawang gumalas dahil pakiramdam ko mahal nya ako ."Nagseselos ka ba ?".

"Bakit naman ako magseselos ? ", tanong 'ko sa kanya dahilan para matigilan sya . Bakit ba ang bait nya ngayon sa akin ?

"Dahil mahal mo 'ko at ayaw mong may ibang makakuha sa 'kin ? ", hindi siguradong tanong nya sa akin . Tumaas ang kilay 'ko bago ibinaling ang atensyon sa niluluto .

"Kasal lang tayo sa papel , hindi sa mata ng isa't isa . Kaya walang dapat magselos ", sabi ko sa kanya at binigyan sya ng isang ngiti . Iniiwas nya ang mga mata nya at tumingin sa kung saan .

Escaping The PsychoWhere stories live. Discover now