Warning: R-18
"Ang tagal niyo naman".
Dinig 'kong reklamo sa amin ni Max ng makarating kami sa puwesto nila. Naupo ako sa tabi ni Venus habang si Geib naman ay naupo sa tabi 'ko at isiniksik ang sarili sa akin. Pakiramdam 'ko ay meroong ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong sistema 'ko ng ilagay niya ang isang kamay sa binti at pisilin iyon. Tatanggalin 'ko pa sana iyon ng mas lalong humigpit ang kapit niya sa binti 'ko.
"Cap. G, anong instagram account mo ? ", dinig 'kong sa kanya ni Dylan, isa sa mga crew. " Follow kita, para naman mutuals na tayo".
"Lowkey lang 'yan sa IG ", dinig 'kong sabi ni Max habang kumakain ng barbecue at itinuro pa si Geib gamit 'yung stick na hawak niya. "Wala naman na siyang post doon after mamatay nung wife niya".
Hindi ko alam na nagpopost pala siya sa IG ? Ano namang pinopost niya doon at bakit wala na siyang ni-isang post doon ?Denelete niya na ba?
"May wife ka Cap ?", gulat
na tanong sa kanya ni Venus dahilan para gumalaw ang panga ni Max."Hindi niyo alam ?", kinakabahang tanong sa amin ni Max, bago tumingin sa kung saan para iwasan ang death glare ni Geib. "Sorry, akala ko alam nila, di mo naman ako in-inform ".
"Chismoso ka kase ", inis na sabi sa kanya ni Geib dahilan para mapanguso naman ang kaibigan niya.
"So, totoo nga ? May wife ka dati Cap ?",q pagchichika pa sa kanya ni Fiona. "Omy ghad, akala 'ko ex-girlfriends lang ang meron ka. Hindi ko alam na may ex-wife ka na pala".
"Siguro ang sweet mo maging asawa, Cap ? ", kinikilig na sabi sa kanya ni Venus. "Naiinggit na ako sa kanya, kuwento ka naman Cap ".
Hindi 'ko alam pero bigla bumalatay sa mukha ni Geib ang lungkot at sakit ng pilitin siya ni Venus na magkuwento tungkol sa buhay asawa niya dahilan para hindi niya agad magawang makapagsalita. Agad 'ko itinuon sa kanya ang atensyon 'ko at hinihintay na magkuwento siya sa amin. Buntong hininga siyang tumingin sa amin bago pilit na ngumiti.
"We both so inlove with eachother", palihim 'kong iniwas ang tingin 'ko sa kanya ng magsimula na siyang magkuwento. "But unfortunately, she died".
Lie. I knew he would lie .
Were not inlove. Our relationship is just a one sided. Our marriage is a worst. You never love me Geib, kahit minsan hindi ko naramdaman na minahal mo ako. Pakiramdam 'ko sa buong relasyon natin ako lang 'yung nagpapakahirap na i-save at ayusin ang marriage natin. Ako lang 'yung nagmahal, ako lang 'yung nasaktan ng todo at ako lang 'yung taong kahit anong gawing pagpapansin sayo, paulit-ulit mo akong binabalewala.
You never ever treat me right Geib, para sabihin mo na pareho nating minahal ang isa't isa. Kase kahit minsan hindi ko 'yun naramdaman.
Pagmamahal ba ang tawag mo sa paulit ulit mong pananakit sa akin ? Bakit hindi mo magawang sabihin sa kanila kung paano mo trinato ang wife mo ? At bakit parang pakiramdam ko, nagsisi ka sa lahat ng ginawa mo ? At kung bakit parang nagiging marupok na naman ulit ako sayo ?
"Nagkasakit ba siya Cap or naaksidente ?", dinig 'kong inosenteng tanong ni Dylan kay Geib.
"No, actually its a long story ", sabi niya bago pilit na ngumiti at bumuntong hininga. "And ayuko ng ikuwento pa 'kung anuman 'yung nangyari sa amin. I still can't accept the fact that lost her ".
"Biggest downfall mo siguro 'yung mga time na 'yun Cap 'noh ? Imagine you lost someone that you love the most in just a snap. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, siguro nabaliw na ako ", dinig 'kong komento pa ni Dylan bago kinain iyong barbecue na hawak niya.