"Parcel delivery for Ms. Kyrie Choi".Dinig 'kong sabi sa akin ng delivery rider ng buksan 'ko ang pinto ng unit 'ko, ini-abot niya sa akin ang isang box bago ako pina-pirma sa hawak niyang checklist. Hindi na ako nagtanong pa at agad na sinara ang pinto. Inalog 'ko pa 'yun bago buksan, nang wala akong marinig ang marahan 'ko iyong binuksan habang naglalakad ako pabalik sa sala.
"Ah, shit", impit akong napasigaw ng biglang meroong humiwa sa daliri 'ko dahilan para mahulog ang box na hawak 'ko sa sahig. Hindi ko na napigilan ang sarili 'ko na sumigaw ng makita 'ko kung ano ang laman noon, isang patay na daga na meroong picture ko at ni Geib na punit punit na at puno na ng dugo ang laman ng box. Halos hindi ko maigalaw ang kamay 'ko sa sobrang sakit."Ah!".
Marahan akong naglakad papunta sa sink para hugasan ang kamay 'ko. Nanginginig pa 'yun dahil sa sobrang hapdi. Napangiwi ako ng makita na 'kung gaano kalaki ang sugat 'ko. Pero binalewala 'ko lang 'yun at agad na kinuha ang phone 'ko para picturan at i-report ang parcel na natanggap 'ko.
Nilinisan ko lang saglit ang sugat 'ko bago in-inspection ang laman noon. Hiniwalay ko muna saglit 'yung patay na daga bago ko ikinalat ang iba pang laman ng box. Natigilan ako ng makita ang isang maliit na papel doon. Agad 'ko iyong binuksan at binasa 'kung anuman ang nakasulat doon.
'You can't lie to me - anonymous'
Agad kumunot ang noo 'ko ng mag-sink in sa akin ang nakasulat sa papel. Nang dumating ang mga pulis, agad nila akong tinanong at pina-review ang cctv malapit sa pinto ng unit 'ko. Nagbigay din ako ng statement 'ko ng tanggapin 'ko iyon hanggang sa buksan 'ko. Tinanong din nila ako 'kung sino ang puwedeng magsend sa akin ng parcel, pero dahil hindi ako sigurado, sinabi ko na lang na hindi ko alam. Ilang minuto pa ang tinagal nila sa unit ko bago sila lumabas. Huminga ako ng malalim bago itinapon sa trash bin sa labas ng unit 'ko ang box.
"What? Are you serious, ni-report mo na ba?", dinig 'kong nag-aalalang tanong sa akin ni Samantha ng tawagan ko sila ni Via sa video call.
Sinabi ko kase sa kanila na meroong nagpadala sa akin ng mysterious parcel kanina, at na-aksidente ang kamay 'ko. Nag-send 'din ako ng pictures as an evidence.
"Who will send it to you?", curious na tanong sa akin ni Via, halata sa mukha niya na natatakot siya dahil sa sitwasyon ko ngayon."Is there's someone mad at you?".
"I don't know, maybe", sabi ko sa kanila dahil hindi naman ako sigurado kung sino talaga ang nagpadala ng parcel sa akin kanina."Siguro gusto lang akong takutin or bigyan ng warning".
"Warning? Is not a warning Kyrie, it's a death threat hindi pa ba obvious 'yun?", sabi sa akin ni Sam. "They are trying to scare you, who knows baka later on saktan ka niya or worse patayin ka niya".
"We didn't know 'kung ano ang tumatakbo sa isip niya right now", sabi sa akin ni Via."Maybe that someone is a psycho, he even use a dead rat to scare you. Do you need someone beside you right now?".
"Ayos lang ako, ang iniisip ko lang si Keib.His too young para maranasan lahat ng 'toh", huminga ako ng malalim bago tiningnan ang dismayado nilang mukha."I'm sacred na baka ma-trauma siya".
"Hindi naman sa jina-judge 'ko si Geib, hindi kaya siya 'yung nag-send 'nung parcel ", dinig 'kong sabi sa akin ni Samantha."Is he know ? ".
Natigilan pa ako saglit bago tumango sa kanila.
"He know, last night nagkaroon kami ng encounter, sinubukan 'kong ilayo sa kanya si Keib, but he insist", sabi ko sa kanila."He ask my son about his father. I swear, sinubukan 'ko na pigilan si Keib na magbigay ng info tungkol sa father niya, pero makulit si Geib. He ask my son the same question multiple times, then he have it. Hindi naman siguro siya tanga para hindi mabuo sa isipan niya na anak niya si Keib".
