"Kailan flight mo ?".
Dinig 'kong tanong sa akin ni Via ng makapasok ako sa loob ng coffee shop nya para bumili ng kape . Iniangat 'ko ang tingin 'ko sa kaibigan 'ko ng ilapag nya ang baso ng Latté sa harapan 'ko .
"Tomorrow , night ", simpleng sagot 'ko sa kanya bago bumuntong hininga , iniisip pa 'din ang sinabi sa akin ni Geib kanina .
Wala naman akong maalala na nakita kami last night ? I didn't even see his face after our flight the other day . Ni anino nga nya ay hindi 'ko nakitang nakasunod sa akin. Ang weird lang dahil 'yung sinabi nya sa akin kanina , alam 'ko na nangyari 'yun sa akin 'nung isang gabi kahit na pakiramdam ko ay wala akong kontrol sa sarili . Imposible naman na sya ang lalaking basta ko na lang hinigit kagabi ? Shit ! No way , I have one night stand with him and that's kind of wild. Pero hindi pa naman ako sigurado 'kung sya nga iyon o pinapanood nya lang ako sa malayo. Hindi ko maintindihan ang gulo ng isipan 'ko ngayon.
There's a thought in me na nagsasabi na sya 'yun pero wala naman akong ebidensya para idiin at kumbinsihin ang sarili 'ko na sya nga iyon. And if ever na sya nga 'yun , I regret being drunk while intimately dancing and smiling infront of him . I regret being wild that night . Dapat hindi na ako uminom ng gabing 'yun at nanatili na lang ako sa loob ng unit 'ko . I hope he's not the guy I was with last night. But what if he is ? Sinusundan nya ba ako ng hindi 'ko alam ?
"Anong nangyari sayo ? Bakit tulala ka dyan ?", dinig 'kong tanong sa akin ni Via dahilan para mabalik ako sa wisyo. Hindi 'ko namalayan na kanina pa pala ako tulala at kanina nya pa pilit na inaagaw ang atensyon 'ko. "Is there something bothering you ? Sino ? ".
"What do you mean 'Sino' ?", kunot noong tanong 'ko sa kanya , bago ininom ang kape sa harapan ko at isinandal ang likod 'ko sa couch .
"It's him right ?", tanong nya sa akin dahilan para muli 'kong inumin ang kape 'ko , pilit na iniiwasan na sagutin ang tanong nya.
"I don't know who is your talking about ", tanggi 'ko pa sa kanya , pilit na hindi pinapahalata na tama ang hinila nya.
"You still thingking of him don't you ? ", tanong nya dahilan para seryoso 'ko syang lingunin at titigin . "Kahit nasa Paris ka , iniisip mo pa din . You still wondering what his life during the time you left him , whether he's happy or miserable ? Tama ako hindi ba ? ".
Aaminin 'ko , tama sya . I can't stop thingking about him while suffering from my trauma . Hindi 'ko pa din maiiwasan na isipin 'kung ayos lang ba sya at 'kung ano ang mga bagay na ginagawa nya pagkatapos 'kong mawala . If he regret hurting me, if he feel so sorry for hurting and wasting me or if he feel devastated or miserable after my death .
Aaminin 'ko din na gusto 'ko pa din syang makita ng mga panahon na pilit 'kong nilalabanan lahat ng trauma na binigay nya sa akin . Hanggang sa araw na ipinanganak 'ko si Keib , hinahanap 'ko sya hindi 'ko alam 'kung bakit. I know at aware ako na galit ako sa kanya , pero sa oras na sumagi sya sa isipan 'ko ng may ngiti sa mga labi nya , bigla na lang naglalaho lahat ng galit na nararamdaman ko sa kanya. At umaasa ako na balewala na sa akin 'kung magkita man kami o hindi pero iba ang naramdaman ko sa oras na kaharap ko na sya . I feel madness , pain and regret . Kinamuhian ko sya sa oras na humarap sya sa akin magtama ang mga mata namin.
The feelings was complicated.
"Hindi sya ang iniisip 'ko at bakit 'ko naman sya iisipin ? ", tanong 'ko sya kanya habang nakataas ang isang kilay 'ko .
"Do you still have feelings for him ? ", halata sa mukha nya ang pagkalito sa sarili nyang tanong dahilan para maiangat ko ng bahagya ang likod ko sa sandalan ng couch .
"Via , wala na akong nararamdaman sa kanya ", sabi 'ko sa kanya bago muling sinandal ang likod 'ko sa couch. "Klaro 'yun at hindi malabo , simula ng umalis ako ng Pilipinas , ibinaon ko na lahat sa limot ".
