Chapter 8

123 4 0
                                    

"Alam mo Mr.Jonathan Ferrer-."

"Jon na lang for short"sabat ni Jonathan

"Alam mo Jon nung mga panahon na kamamatay palang ni Ate ,gustong gusto kitang sapakin o di kaya bugbugin kahit naka coma ka. Pero... naisip ko bakit kita sisisihin kung alam naman ni Ate ang kahahantungan niya pero mas pinili niya paring mag stay sayo. Kaya hanggat sa maari hindi kita gustong sisihin at hahanapin ko na lang yung mga puny*tang pumatay kay ate." Sabi ni Celine.

"Nang malaman kong 1 year ng patay si Celes .Gusto kong sumunod sa kanya pero inisip ko paano naman ang anak namin , kailangan rin ako ng anak ko as a father. After kong magpahinga pina investigate ko ang mga nangyari pero ilang taon na ang lumipas wala parin ang sagot." Malungkot na sabi ni Jonathan.

Nagulat si Jonathan ng humarap sa kanya si Celine.
"Magtulungan tayo." Seryoso na sabi ni Celine
Napangiti na lamang si Jonathan .
"Deal" then nag shake hands silang dalawa.

"Wait diba may Girlfriend ka diba and balak mo nang mag propose sa babaeng yun. Jon make sure na tatanggapin ng babaeng iyan ang pamangkin ko. Tsk ang bilis mo namang paltan ang kapatid ko." Kunwaring naiinis na sabi ni Celine.

"Ilang taon rin akong nangulila sa ate mo at ang gf ko ngayon ang tumulong sakin para makapag move on." Paliwanag ni Jonathan.

"Ano kaba Charr lang yun basta tanggap niya si Nathan ,okay ako dun.Tsaka hindi napipigilan ang puso , right?!  Hay naku maka alis na nga." Natatawang sabi ni Celine.

Umalis na si Celine habang si Jonathan ay tulala parin.

Na realize ni Jonathan na magkaibang magkaiba sila physically and mentally ni Celestine.
Dahil si Celestine  ay may pagka mahinhin at matatakutin pero itong kapatid niya ay parang may pagka siga.
"Interesting." Mahinang banggit ni Jonathan habang tinitignan ang dalaga.

Maaga akong nagising para umalis.
Tinawagan ko narin si kuya Cholo na ipadala sa mansyon ng mga Ferrer si chichi ang aking baby.
Balak kong pumunta sa company para i-check.
Ngayon rin magkikilala ang mag-ama.Medyo nakaramdam ako ng kaba ,dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ni baby Nathan.

Nagising narin si baby Nathan kaya agad ko itong niliguan.

"Mamita nasaan po tayo?" Tanong ni baby Nathan habang binibihisan ko ito.

"Nasa bahay tayo ng daddy mo." Seryosong sabi ko.

"Are you kidding me Mamita?" Natatawang tanong niya.

"I'm serious baby Nathan. Ang daddy mo ang sumundo satin kahapon. It's time para magkita kayo. Don't be scared Nathan , he's a good man like you." Paliwanag ko.
Joke lang yung part na good man yung lalaking yun.

"Really? I'm excited to meet my dad!" Nakangiting sagot ni Nathan.
After ko siyang ayusan ay niyaya ko na siya pababa.
Napansin kong kinakabahan ang pamangkin ko at nung hawakan ko ang kamay nito ay malamig.
Bumaba na kami,pagkababa namin sa hagdan ay saktong nakaharap samin si Jonathan.
Nakita ko ang pagkasabik ng mag-ama.

"Baby Nathan meet Jonathan Ferrer your dad." Sabi ko.
Patakbong lumapit si baby Nathan sa tatay niya at mahigpit silang nagyakapan.
Naging emosyonal sila Amanda at ni Mr. At Mrs. Ferrer. Dahil sa nakilala na nila ang apo nito.

Lumapit sakin si Mrs. Milanda Ferrer at Mr. Jaiden Ferrer.
"Maraming salamat sa pag-aalaga sa apo namin."nakangiting sabi ni Mrs.Ferrer.
Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanila.

After ng dramahan nung mag ama ay nagsimula na kaming kumain,yung mag ama ehh magkatabi.
Habang kumakain ako ay biglang nag ring ang phone ko.
Tumatawag si Kuya Cholo.

"Ah excuse po muna, sagutin ko lang itong tawag."sambit ko bago lumayo sa dining area.

"Hello kuya Cholo,napatawag ka?" Tanong ko.

[" Si chichi mo ay naihatid ko na dyan. Babaita magiingat kayo dyan ahh, sya bye na busy ako." ]Sagot ni kuya sabay end ng call.

Nag excuse muna ako sa kanila at nanakbo sa labas.
Nakita ko ang baby Chichi ko! Namiss koto!

Agad akong lumapit sa motor ko at chineck kung okay pa ito.

Third person pov

Sinundan ni Jonathan ang dalaga ..
Nakita niya kung paano magtatatalon ang dalaga ng makita ang motor.
Alam niyang may idadala dito na mahalaga daw sa dalaga.
Nakita niya kung paano magningning ang mata ng dalaga.
Kung iisipin si Celes ay ayaw na ayaw sumakay sa motor pero itong ka-kambal niya ay mukhang mahilig sa motor.

Mission: Protect my twin sister's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon