Anong plano mo? Kidnapin ko naba?" Ngising tanong ni Jelai.
Tinaasan ko ito ng kilay.
" I will never do that Jelai , remember dati akong sundalo tsk." Sabi ko sabay siring sa kanya.Natawa ito sa sinabi ko.
" HAHAHA! Biruin mo dating sundalo at isang magnanakaw na kagaya ko mag kaibigan HAHAHA! " Natatawang sabi ni Jelai.
" Tsk, fyi since high school magkaibigan na tayo ,baliw." Sambit ko.
" Tawagin mo na lang yung secretary ko, dito natin siya kausapin sa office ko." Utos ko sa kanya.
Agad na lumabas si Jelai at ilang minuto lang ay dumating na sya kasama ang secretary ko.
"P-pinatawag nyo raw ako Ma'am." Utal na sabi ni Sec Amelia.
"Yeah ,take your seat sec. Amelia." Sagot ko.
Si Jelai naman ay umupo sa may tabi ni Amelia."Dederetsyohin na kita, bakit mo ninakaw ang pera ng company?" Seryosong tanong ko sa kanya.
Namumutla at tila hindi mapakali ang kanyang secretary nya.
" W-wala po akong alam d-dyan Ma'am." Utal na sambit nito."Really? Jelai paki bigay nga niyang document sa kanya." Seryosong sabi ko.
Tamad na kinuha ni Jelai ang isang envelope at hinagis sa mukha ng secretary.
Nanginginig na binuksan ni Amelia ang envelope at nakita niya ang mga pictures at papeles na nagsasabing illegal niyang kinuha ang mga pera.
Nanginginig na lumuhod si Amelia sa harap ni Celine.
" P-patawarin nyo po ako! Napag-utusan lang ako!.
Papatayin niya ang pamilya ko kapag hindi ako sumunod ,patawad po!" Umiiyak na sabi ni Amelia."Sinong nag utos sayo?" Tanong ni Jelai.
"Hindi ko po sya kilala dahil kapag nakikipag kita ako ay iba ang pumupunta , pero Alias po ang tawag nila sa taong yun. Nasa kanya po ang lahat ng pera Ma'am. Patawad po!" Paliwanag ni Amelia.
Napabuntong hininga na lamang si Celine. Hindi niya alam kung ano ang balak ng Alias na iyun sa kanila pero ito lang ang masasabi niya Delikado ang taong iyun.
" Kunin mo ito. * Sabay abot ng pera kay Amelia* 100 thousand yan. Magpaka layo layo kayo. And you're fired." Sambit ni Celine.
Nanlaki ang mga mata ni Amelia at agad na kinuha ang pera ang paulit ulit na nag bow kay Celine.
"Maraming salamat po!" Paulit ulit na banggit ni Amelia.
"Ohh sya lumayas kana ,ang ingay mo!" Inis na sabi ni Jelai.
Nanakbo palabas ng office si Amelia ,siguro ay mag aayos na yun ng gamit niya.
" Alam mo Celine punyawa ka! Aba binigyan mo pa ng pera yung tao ehh ninakawan ka na nga! Kung ganon naman pala ehh nanakawan na lang din kita!" Natatawang sambit ni Jelai.
"Kung tutuusin Jelai mas mayaman ka pa nga sakin! Ehh kahit ibang bansa walang lusot sayo pag trip mong nakawan sila! Atsaka yang si Amelia kailangan nila maka alis sa madaling panahon. Ayoko ng may napapahamak na iba." Sambit ni Celine.
" Sabagay may point ka. Hayy naku umay ka bess maka alis na nga. Mangungutang pa ako sa bangko ehh!" Sambit ni Jelai.
Tinaasan ni Celine ng kilay si Jelai.
" Mangungutang o nanakawan?" Sarcasm na tanong ni Celine.Kunwari ay nag iisip si Jelai ng sagot.
"Ahm...... Both pala bess. Sige babush!"Sabi ni Jelai at umalis na sa office.Tsk! Walang pinagbago ang babaeng iyun!
Chineck ko ang oras ,well hapon na kaya kailangan ko narin umuwi.
Agad kong inayos ang gamit ko at umalis na.
Ng makarating ako sa parking lot ay napansin ko si Mr. Jonathan Ferrer,na nakasandal sa kotse.Ng makita ako ni Mr. Jonathan Este Jon ay agad itong lumapit sakin.
" Bakit nandito ka?" Agad na tanong ko.
"Sinusundo ka?!" Sambit ni Jon.
"Hindi ka naman engot noh? Diba you already have a fiance? Hindi mo ba alam na baka mag ka issue kayong dalawa,dahil lang sa pasimpleng sundo mo sakin?" Inis na banggit ni Celine.
Pinaka ayaw ni Celine ang mga Cheaters,kaya ganoon na lamang ang reaksyon niya."Hindi naman siya pala gawa ng issue. Susunduin lang kita dahil sa request ni Baby Nathan." Seryosong banggit ni Jon.
"I don't care, and i have my own motor naman. Kung tutuusin mas mabilis pa si chichi kaysa sa kotse mo. And Mr.Jonathan Ferrer ,if ayaw mong magkaroon ng issue,you better stay away from me." Inis na sabi ni Celine .
Tinalikuran nito si Jon at sumakay kay chichi ay favorite niyang motor, at walang atubiling umalis.Kahit pa sabihin niyang request lang yun ni baby Nathan ,hindi parin maganda yun.
Babae rin siya at alam niya ang pakiramdam kapag nakita mo yung mahal mo na may kasamang iba.
Ayaw ni Celine na makasakit ng kapwa babaeNg makauwi si Celine ay agad siyang pumunta sa kwarto ng pamangkin niya. Pagpasok niya ay nakita niyang mahimbing na natutulog ang bata kaya tahimik na nagbihis na lang ito ng pambahay at lumabas para pumunta sa kusina.
Gusto niya kasi magkape at tumambay sa pool area.Habang nagtitimpla siya ay may tumawag ng pangalan niya.
"Celine."
Nilingon niya ang taong yun,si Jonathan lang pala.
Lumapit si Jonathan sa kanya."I'm sorry kung na interpret mo yun. Gusto ko lang na maging mabait sayo dahil ikaw na ang nagpalaki sa anak ko." Seryosong sabi ni Jonathan.
"Hindi yun tamang rason para ,basta bastahin mo na lang na sunduin ang ibang babae,tsk! Anong sasabihin ng fiance mo,mang aagaw ako ganon?!" Inis na sabi ni Celine.
"Wait, did someone cheated on you?" Tanong ni Jonathan.
Siniringan na lang ito ni Celine ,nilampasan niya ang lalaki at dumeretsyo sa may pool area. Sumunod din sa kanya si Jonathan dahil sa curious nito.
Umupo sila pareho sa tabi ng pool.
"If you're asking me if someone cheated on me ,my answer is yes. Nagkaroon ako ng boyfriend ,mahal na mahal ko siya, nung una okay naman kami pero ng madalas na akong umaalis dahil nga sundalo ako. Nagsimula siyang magbago,palagi niyang sinasabi sakin na ayaw niya sa trabaho ko dahil pinaglalayo kami. And then one time umuwi ako para sana mag celebrate kami ng 4th anniversary namin,pero iba ang nadatnan ko sa apartment niya.
May kayakap siyang babae sa sofa at alam mo napaka intimate nila. Napansin niya na ngalang na nasa apartment niya ako ng malaglag ko yung bag ko. Sinubukan niya saking makipag ayos pero ,ayoko na. Nakita ko lahat at may mga pinadadala sakin nun na pic niya with a girl pero dahil shunga ako hindi ako naniwala ,pero ng makita ko ang scene na yun. Umayaw nako." Malungkot na sabi ni Celine."So kaya ka nagkaganon ,kanina." Sagot ni Jonathan
"Yeah, naramdaman ko na yung sakit na niloloko ka na pala. Kaya kita binungangaan kanina. Ayokong may ibang babae na masaktan pa."
"Hindi ko naman gagawin yang nasa isip mo! *Sabay piltik sa noo ni Celine*" natatawang sabi ni Jonathan
"Ouch! Masakit yun ahh!" Naka simangot na sabi ni Celine.
"Hindi ko magagawa na mag cheat kay Feliza ,siya ang karamay ko noon at mahal ko siya." Sabi ni Jonathan.
"Psh ,hindi daw palibhasa mukhang playboy." Mahinang sambit ni Celine.
"Huh? Anong sinasabi mo?" Tanong ni Jonathan.
"Wala! Sabi ko chupi,masyado kang chismosa! Alis!" Kunwaring inis na sambit ni Celine.
"Fine ,ito na nga ehh aalis na." Sabi ni Jonathan at tumayo na.
Umalis na ito at pumasok sa bahay.Hindi maipaliwanag ni Jonathan ang nararamdaman niya. Hindi sa kanya pamilyar ang pakiramdam na iyun.
Para bang sa tuwing naamoy niya ang pabango ni Celine ay napapakalma siya at sa tuwing nakikita niya itong ngumingiti o di kaya nagmamaldita, tila natutuliro siya.
BINABASA MO ANG
Mission: Protect my twin sister's son
General Fiction" Once you touch my nephew, I'll give you war." - Celine Peaceful life? Yun lang naman ang gusto kong ibigay para sa pamilya ko. Akala ko pa naman maayos na ang lahat,hindi pala. May paparating pa palang delubyo.