Chapter 27

178 5 0
                                    

Celestine's Pov:

Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari.
Kailangan ko ng ayusin ang lahat.
Tama na ang 5 years na paghihirap ni Celine.

Agad akong lumabas ng kwarto.
Nakatulog narin naman ang anak ko na si Archie.

Kinuha ko ang susi ng kotse ng papasok na ako sa kotse ay tinawag ako ng asawa ko.
Yes kasal na kami, ng malaman ni Alfonso na buntis ako ay agad ako nitong pinakasalan.

"Saan ka pupunta Wife?"tanong nito.

" Kay Jonathan."sambit ko.

"No ,baka mapahamak ka."sambit nito at nilapitan ako.

"Alfonso ,pagod na akong magtago at iasa ang lahat kay Celine. Ako ang panganay dapat ako ang pumo-protekta sa kanya. Pero ano itong ginagawa ko ,nagtatago ako sa anino niya! Aayusin kuna ang lahat!"umiiyak na sambit ko.

"Okay papayagan na kita ,pupunta tayo dun. Ako magda-drive. Tahan na."sambit nito habang pinupunasan ang luha ko gamit ang palad niya.

Agad na kaming sumakay sa kotse at pinaharurut ito.
Ng makarating kami ay agad kaming pinapasok ng guard dahil sa nagpakita si Alfonso.

Bakas sa kanila ang gulat ng makita nila ako.
Lumapit ako sa kanila.

" CELES YOU'RE ALIVE!"sigaw ni Matilda.

"Yes, i know na nalilito kayo at nagagalit. Please let me explain. Pakinggan nyo ako."sambit ko sabay upo sa couch.
Nakita kong umakyat si Samantha kasama ang anak ni Celine.

"Buhay ka pala." Seryosong sambit ni Jonathan.

"Alam kong nagagalit ka sakin ngayon, pakiusap makinig ka muna sakin."

"Teka bakit kayo magkasama ni tito Alfonso?"tanong ni Matilda.

"She's my wife ,natural lang na sasamahan ko siya."sambit ni Alfonso.

"Wife!"halos pasigaw na sambit ni Matilda.

"Alam kong puno ng questions ang utak nyo dahil sa biglang pagsulpot ko. Si Celine ang nag request sakin na gawin ito,para malinawan ang lahat.
4 years ago nagkakilala kami ni Alfonso, sinabi niya lahat sakin ang tungkol sa masamang balak ni Renaldo. Ginawa ni Alfonso yun dahil sa nalaman niyang si Renaldo ang may pakana kung bakit na-aksidente si Jonathan. Wala akong maisip na paraan para  makulong si Renaldo,ang tanging choice ko lang nun ay magpanggap na patay.
Nagpanggap ako na patay, uminom ako ng isang gamot na magpapahinto sa tibok ng puso natin ng isang linggo. Delikado iyun pero ginawa kona para mas lalo kung mabantayan si Nathan.
Pero mas lalo akong nahirapan, ang hirap makuhaan ng ebidensya si Renaldo dahil magaling itong maglinis ng kalat niya. Nalaman ko rin na hindi ako ang pakay niya, ang tunay na pakay niya ay si Celine ,Nathan ang kompanya namin at ang kompanya mo Jonathan.
Gusto niyang mapasakanya si Celine.
At kaya niya lang ako nilalapitan ay inakala niyang ako si Celine. Gusto naman niyang patayin si baby Nathan dahil anak siya ni Celine."sambit ko.

"T-teka anong ibig mong sabihin ,hindi mo anak si Nathan? At ina niya si Celine? Pinagloloko mo ba ako!"galit na sambit ni Jonathan.

"Wait makinig ka muna please. Naalala mo ba yung bar na pinuntahan natin? Hindi ako ang nakasama mo sa kwartong iyun. Si Celine ang nakasama mo. Nabuntis si Celine, kaya ng malaman yun ni Renaldo ay halos sagasaan na niya si Celine sa sobrang galit. Na-aksidente si Celine at na coma ng 6 months. 8 months ang bata ng i- cesarean si Celine. Alam kong sa oras na lumabas ang bata ay pag-iinitan ito ni Renaldo, kaya itinago ko ito at pinaniwala kayo na si Baby Nathan ay anak ko."

"Sinasabi ko lahat ng ito ,ay para malinawan kayo. Sa apat na taon na yun ay naging duwag ako,alam ko yun.Natatakot lang akong harapin ang realidad lalo na't minahal ko ang kakambal ni Renaldo na si Alfonso. Humihingi ako ng tulong sa inyo. Balak pakasalan ni Renaldo si Celine kapalit nun ay hindi niya gagalawin si baby Nathan at ang kompanya ng pamilya namin. Ayoko ng magsakripisyo si Celine para sa kaligayahan ko."umiiyak na sambit ko.

"Anong ibig mong sabihin na kasal? Hindi yun papayagan ni Celine!" Git na sambit ni Jonathan.

"Mali ka ,para sa anak nya gagawin niya lahat."sambit ko sabay pakita ng picture na sinend sakin ni Celine.

"Kaya please tulungan nyo ako."sambit ko.

"Wow nakakagimbal na pangyayari ah." Kumento ni Savannah.

"Tutulungan ka namin Celes, alam mo namang napalapit na sakin ang babaeng iyun kahit .ay pagka-amazona!"sambit ni Matilda.

"Salamat" sagot ko.

"Teka tatawagan ko lang yung mga friends ni Celine na pumunta dito para mapag-planuhan na natin."sambit ni Matilda bago umalis.

Umakyat naman si mr at mrs. Ferrer para magpalit ng damit.

Habang kaharap ko ngayon si Jonathan.

"Paanong si Celine ang kasama ko nung gabing iyun?" Tanong niya.

" Kasama ko si Celine that time, sa sobrang kalasingan mo siguro ay inakala mong ako ang nakita mo. Lasing din si Celine that time. After may nangyari sa inyo,inamin niya sakin iyun at humingi ng tawad. Wala pang isang aeaw ay nagbook na ito ng flight pauwi ng America."

"Alam niya ba lahat ng ito?"tanong niya.

"Inamin ko sa kanya nung nasa resort pa kayo,nagkita kami."sambit ko.

"May gusto pa akong aminin sayo."sambit ko.

"Ano yun?"

"Naalala mo ba yung first date natin?"

"Yeah."

"Hindi ako ang kasama mo nun, Si Celine ang ka-date mo that time. Humingi ako ng favor kay Celine nun. In short siya talaga ang una mong nakilala.  Diba nga lalo mo akong nagustuhan nung mag date tayo kasi ganong klase ng babae ang type mo."

Napahilamos na lamang sa mukha si Jonathan.

"Siya ang tunay mong minahal ,hindi ako."sambit ko.

"Naging selfish ako that time dahil nahulog ang loob ko sayo." Dagdag kopa.

Dumating na si Matilda at tumabi kay Jonathan.

"Parating na sila Jelai. We'll wait for them."sambit ni Matilda.

"Magkakaibigan parin pala sila."sambit ko.

"Close na close nga silang tatlo eh."pagsang-ayon ni Matilda.

Ilang minuto lang ay may pumasok na ng mansyon ng lingunin ko ito ay sila Hiraya at Jelai pala.

"So guys nalaman nyo na ba yung about sa marriage thingy?"tanong agad ni Jelai.

"Yeah ,tinext niya sakin."sambit ko.

"So ano na gawa na tayong plano!"sambit ni Hiraya.

"Well base sa nakikita namin sa cctv. Malayang nakakalakad lakad si Celine sa mansyon ni Renaldo ,sabay pa nga silang nag-almusal. Sigurado akong naghahanap siya ng maaring ebidensya kay Renaldo."paliwanag ni Jelai.

"Na locate na namin ang lugar niya, info na lang na galing sa kanya ang kailangan. Ginagawan narin ng pulisya ang paraan para mahuli ang lalaking iyun."sambit ni Hiraya.

"Ang base nakalap kong chismis ,dati pa lang manliligaw ng nanay nyo si Renaldo."sambit nito sakin.

"What!"halos pasigaw na sambit ko.

"Oo nga yun yung nalaman ko ,and isipin nyo ah si mommy mo at si Celine eh magkamukha. Eh baka dahil sa magkamukha si Celine at ang nanay mo kaya ayun napagdiskitahan ang kapatid mo."sambit ni Jelai.

"Bakit makakatulong ba iyang chismis mo?" Kumento ni Hiraya.

Napakamot na lamang si Jelai sa batok
"Hindi eh."sagot ni Jelai.

"Wala pala eh, manahimik ka na nga lang!"inis na sambit ni Hiraya.

"Ay teka may text sakin si Celine!"

Mission: Protect my twin sister's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon