KINABUKASAN,maraming bisita ang nagdatingan sa burol ni Ate.
Ngayon din darating sila kuya ,mama ,papa at lola.Masakit man sakin ang lahat ng nangyaring ito , kailangan ko paring maging alerto sa lahat ng oras.
Pupunta na sana ako sa labas ng makita ko ang pamilya ko na nakatayo sa may pinto.
Galit na galit na nakatingin sakin si Mama.
As expected sisihin niya ako.Mabilis na lumapit sakin si mama at Sinampal ako
Pakk!
"BAKIT?! Bakit hindi mo nagawang protektahan ang ate mo! Bakit wala ka man lang ginawa! Namatay ang ate mo dahil sa kapabayaan mo!"
Galit na sabi ni mama."Lucia! Hindi kasalanan ni Celine ang pagkamatay ni Celes!"sigaw ni Lola.
"Siya parin ang may kasalanan! Nasaan lahat ng natutunan niya sa p*tang*nang martial arts niya! Hindi man lang niya nagamit yun! Maruno rin siya gumamit ng baril ,hindi nya rin nagamit yun! Nakaka dismaya ka Celine!" -Mama
"Lucia wag kang mag iskandalo sa burol ng anak natin."sabat ni Papa.
Nilagpasan lang ako nila mama at lumapit sa kabaong ni Ate.
"Celi okay ka lang ba?"tanong ni kuya Cholo, Cholo Hermosa ang buong pangalan niya ,meron narin siyang asawa sa state.
"O-okay lang ako."sagot ko.
Lalabas na sana ako ng room na iyun ng pigilan ako ni Kuya.
"Hindi ka man lang ba sasabay samin?"tanong ni Kuya.
"Hindi na ,alam ko namang ayaw akong makasabay ni Mama."*sabay pilit na ngiti.*
Agad akong umalis sa room na iyun at sumakay kay Chichi .
Kailangan ko munang magpahangin.
Celine pov:
Nandito ako ngayon sa isang park kung saan madalas kaming tumambay ni Ate.
Atlis dito tahimik ,makakapag isip ako ng mabuti.Uupo na sana ako sa bench ng tawagin ako ni Amanda .
"Celine!"
"Bakit nandito ka?" Tanong ko
"Gusto kitang makausap,alam ko naman na dito ka pupunta dahil nabanggit sakin ni Celes ang lugar na ito."
"Anong kailangan nating pag usapan?"
"Alam kong alam mo na ang dahilan ni Celes kaya ka nya pinauwi dito."
"Alam morin pala Amanda! Bakit! Bakit hindi nyo man lang sinabi sakin! Edi sana, SANA BUHAY PA SYA NGAYON!" Sigaw ko.
Unti unting ang luha ko dahil hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko." Celine ,nangako ako kay Celes na hindi ko sasabihin sayo ang katotohanan,sorry!"
"Kapatid mo ang boyfriend ni ate,tama ba?!"tanong ko.
Tanging tango lang ang sagot ni Amanda.
"Alam mo ba Amanda. Gusto kong sisihin ang kuya mo! Pero hindi ko magawa dahil una pa lang ginusto na ni ate na makasama sya kahit delikado! Gusto kong magwala pero wala akong magawa! Alam mo bang ako ang sinisisi nila Mama! Dahil hindi ko man lang naprotektahan si Ate! Amanda tao lang naman ako diba!? Nagkakamali rin ako! Nagkamali ako na hindi ko inalam! Pero bakit ganon ako parin lagi ang mali! "Umiiyak na sabi ko.
"Celine wala kang kasalanan. Nung una sinabi ko kay Celes na delikado na mag stay sya kay kuya pero wala ehh mas sinunod niya ang puso niya. Celine ikaw lang ang taong makakatulong sa kanya at sa anak niya./* Niyakap niya ako*
Celine tulungan mo ang ate mo."Humagulgol na lamang ako ng iyak.
Ilang minuto kaming nasa ganong kalagayan."Tara na bumalik na tayo sa inyo.Balita ko 3 days lang daw ang burol ng ate mo."
"3 days?"tanong ko.
"Oo daw for protection daw sabi ni dad."sagot ni Amanda.
BINABASA MO ANG
Mission: Protect my twin sister's son
Ficção Geral" Once you touch my nephew, I'll give you war." - Celine Peaceful life? Yun lang naman ang gusto kong ibigay para sa pamilya ko. Akala ko pa naman maayos na ang lahat,hindi pala. May paparating pa palang delubyo.