Chapter 19

123 4 0
                                    

Tinitigan ako nitong maigi hanggang sa ngumisi na lamang ito.
"Napaka-ganda rin pala ng kakambal ni Celes.Sobrang ganda."sambit nito.

"Tito stop staring at her."

"Chill my nephew wala akong balak HAHAHA!"

"Celine sa taas ka muna,now." Seryosong sambit ni Jonathan.

"Sige, aalis muna ako magpapalit lang ako, excuse."sambit ko.

"Balik ka hah ganda." Ngising sambit ni Renaldo.

Siniringan ko na lamang ang Renaldo na yun.

Agad akong umakyat at dumeretso ng kwarto.
Nagpalit ako ng malaking black t-shirt at jersey short.
Well ito naman ang soot ko kapag nasa bahay ehh, inipitan ko narin ang buhok ko at lumabas na ng kwarto.
Nakakabanas talaga itong Jonathan na yun,palpak tuloy.
Pero atlis nakita ko ang ugali ng Renaldo na yun,what a jerk.

Pagbaba ko ay napansin kong parang may pinagtatalunan ang magtito sa harap ni baby Nathan.

"Baby Nathan come here." Tawag ko kay baby Nathan.
Agad na lumapit sakin si baby Nathan,habang ang dalawa ay napatigil sa pagbabangayan at tumingin samin.

"Sa susunod wag kayong mag-aaway sa harap ng bata."sambit ko.

"Sorry sweetie."sambit ni Jonathan.
Napataas na naman ang kaliwa kong kilay aba ano na namang sweetie yan?!

"Sorry ganda ,pasensya na."sambit ni Renaldo.

"Sige na kumain muna kayo ng meryenda." Sambit ko.

"Hindi wag na may kailangan pa kasi akong puntahan."sambit ni Renaldo.

"Yah may kailangan ka pang gawin,wag ka naring bumalik dito." Cold na sabi ni Jonathan sa tito niya.

"Naku ang corny mo naman mag joke HAHAHA"

"I'm not joking ,tito."

"Oh sige alis na ako ah." Sambit nito sakin at nagulat na lamang ako ng bigla itong lumapit at bumeso sakin.
Nanayo ang balahibo ko ng pasimple niya hawakan ang bewang ko.

"Bye,Celine."sambit nito bago tumalikod.

Ng maka-alis ito ay tila napatulala na lang ako.

"Nathan kumain ka muna ng meryenda."sambit ni Jonathan kay baby Nathan.

"Okay po dad."sambit ni baby Nathan at nanakbong pumunta sa dining area.

Lumapit sakin si Jonathan,kinuha niya ang kanyang panyo sa bulsa ng pants niya at walang pag iingat na pinunasan ang pisngi ko.

"What the f*ck Jonathan masakit!" Inis na sambit ko.

"Tsk,shut up! Buburahin ko lang sa pisnge mo yung bakas ng pisnge ni tito."

" Tarant*do kaba?! Hindi na mabubura yun!" Inis na sambit ko.

Tinigilan naman niya ang pagpupunas ng pisnge ko.

"Don't let him do that again." Seryosong sambit nito.

"Ang alin?"

"Ang palapitin siya sayo at makipag beso."

"At bakit naman bawal?"

"Cause you're mine, sweetie."

" Nakasinghot kaba ng katol? Baliw kana Jonathan."
Sambit ko at tinalikuran siya.

Baka hindi niya naa-lala meron siyang jowa,tapos makasabi siya na pagmamay-ari niya ako,ni si Simon nga eh hindi ako maangkin siya pa kaya na isang red flag.

________

Kinabukasan ay agad kong inihatid ng school si baby Nathan.
Well pinapa-pasok na siya ng tatay niya eh.
May mga kasqmang bodyguard rin ang butler ni baby Nathan ,for safety narin.

Pagkatapos nun ay sumakay na ako sa motor ko pero nakaramdam ako ng kakaiba sa gilid ng motor ko.
Agad akong bumaba sa motor ko at tinignan ang gilid.
May tracking device na naka-kabit.
Agad ko itong tinanggal at inapakan hanggang sa madurog.
P*tang*na sinong may gawa nun?
Agad na akong sumakay ng motor ko at dumeretso sa pagkikitaan namin ni Angel.
Nakakuha na raw siya ng info about kay Renaldo.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa isang restaurant.
Napansin ko na nakaupo siya sa pinakadulo kaya agad na akong pumasok.

"Angel."

"Oh Celine halika upo ka. Longtime no see!" Masayang sambit ni Angel.

"Kamusta na Angel."

"Ito nasa masamang gawain parin HAHAHA,charizz. Btw ito na yung pinapagawa mo."sabay abot sakin ng isang Brown envelope.

Agad ko itong binuksan at nagimbal na lamang ako sa mga nakita kong impormasyon.

"Si Renaldo Ferrer eh ,may illegal rin na business. Katuwang niya ang anak niyang si Simon sa pagpapalawak ng business nila. More on human trafficking ang ginagawa nila at illegal drugs rin. Actually dalawa ang anak ni Sir Renaldo, ang isa ay babae si Savannah Ferrer anak ni sir Renaldo sa unang asawa at si Simon Ferrer anak niya sa katulong nila dati.
Si mr. Renaldo rin ay dating manliligaw ng ate mo base sa tsismis. Renaldo Ferrer is a dangerous person,mag iingat ka. Marami na siyang nagawang illegal. Sa pagkakaalam ko ay dati yang dinemanda dahil sa pangre-rape sa isang highschool student pero bigla nalang umatras yung bata sa pagsampa nung kaso."paliwanag ni Angel.

"M-may picture kaba nung mga anak ni Renaldo."medyo utal na sambit ko.
May kutob kasi ako na anak ni Sir Renaldo si Simon ang ex ko.

"Ito oh.," Sambit nito sabay pakita sakin ng isang family picture.

Halos manghina ako sa nakita ko. Tama nga ang kutob ko ama ni Simon si sir Renaldo.
Nakaramdam ako ng galit at pagkalito.
Bakit feeling ko magkaka-connect lahat.

Mission: Protect my twin sister's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon