I already texted Inah, Jelai and Hiraya.
Inexplain ko sa kanya ang plano ko bukas.
Sana maging successful itong plano ko para maging safe na ang mga dalagang kasama ko.Kinaumagahan,tumawag ako ng patago kila Jelai para sabihin ang exact time kung saan magsisimula ang plano ko mamaya.
Pagsapit ng 8 am ng umaga ay dumating na si Inah ,dala ang sleeping pills na pinabili ko.
"Ohh Inah andito ka na pala ,halika umupo ka muna baka napagod ka masama pa naman yun kay baby"sambit ni Simon at tinulungan si Inah na umupo sa tabi ko."Ahm Simon pwede mo ba akong ikuha ng tubig,nauuhaw kasi ako" sambit ni Inah.
"Sige dyan muna kayo,babalik ako kaagad."
Ng maka-alis si Simon ay agad na humarap sakin si Inah at inabot sakin ang isang supot na may laman na sleeping pills.
"Ayan na sa Ospital kopa kinuha yan para siguradong tatalab agad."sambit ni Inah.
"Salamat sa tulong mo." Sambit ko sabay kuha nung maliit na supot at tinago ko ito sa bulsa ko.
"Welcome ginawa ko rin naman yan para sa mga batang kasama mo. Pagod narin akong habulin ng konsensya noh!" Sambit ni Inah.
Magsasalita pa sana ako ng marinig namin si Simon na papalit na.
"Inah ito na yung tubig." Sambit ni Simon.
"Salamat Mahal." Sagot ni Inah.
Tumango lamang si Simon bilang sagot." Ahh nga pala Simon ,gagawa pa pala ako ng juice para satin kasama na yung mga mukhang bouncer mong membro."sambit ko.
"Sige Celine "sambit ni Simon.
Agad ko silang iniwan dalawa, nagmadali akong pumasok ng kusina at nagtimpla ako ng orange juice, after ko itong matimplahan ay patago kung nilagyan ng sleeping pills ang juice. Hinalo ko ito ng maigi para mabilis itong matunaw.
Pagkatapos ko itong gawin ay gumawa ako ng simpleng sandwich. Ng matapos kung magawa ito ay agad kong tinawagan sila Jelai."Jelai naka stand by naba kayo?" Tanong ko.
"Of course kami pa, naka stand by narin sila Hiraya at ang pulisya." Sambit ni Jelai.
"Mabuti naman sige agad kitang i text kapag papasok na kayo." Sambit ko sabay end ng call.
Itinago ko na ang phone at dinala ang tray na may lamang juice at sandwich.
This is it pansit!Agad na akong lumapit kila Simon at nilapag ang tray na dala ko.
"Oh ito na ang mga pagkain natin ,tawagin mo na yung iba Simon."sambit ko."Oh lumapit na kayo dito,kakain na!"
Agad na nagsilapitan ang mga lalake at kumain sabay inom ng juice.Halos maubos na nila yung juice at sandwich.
Palihim akong umalis habang nag-uusap sila ,pinuntahan ko ang mga bata sa kwarto kung saan sila kinukulong nila Simon."Mga bata huwag na kayong magdala ng gamit dito ang mahalaga buo ko kayong i-uuwi." Mahinang sambit ko.
" Opo ate tatahimik po kami." Sambit nung dalaga.
"Maghawak kamay kayo hah,para kung sakaling kailangan nyo tumakbo walang maiiwan." Sambit ko.
Agad na tumango ang mga bata at umupo sa kanilang kama.
Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kanila.
Pagdating ko ay napansin kong papikit pikit na ng mata ang mga tauhan ni Simon.
Habang si Simon ay nakahiga na sa sofa.
Nilapitan ko sila Inah at Simon."Celine ,ibalato muna sakin si Simon,ayoko mawalan ng ama ang anak namin." Naluluhang sambit ni Inah.
"Sige na tutulungan kita ,itayo natin si Simon at idala mo siya sa kotse mo."sambit ko.
"Salamat Celine!"
Pinagtulungan naming itayo si Simon at dalhin siya sa backseat ng kotse.
"Sige na ,umalis na kayo mag iingat kayong dalawa. Lumayo kayo hanggat sa makakaya nyo."sambit ko sabay sara ng pinto.
Agad na pinaandar ni Inah ang kotse paalis sa abandonadong building.
Kumaripas ako ng takbo papunta sa loob.
Nakita kong naka higa na ang iba kaya dumeretsyo ako papunta sa kwarto ng mga bata pero may lalaking nakatayo sa harap ng pinto."Hay*p ka! Pinatulog mo ang mga kasamahan ko!" Sigaw nito sakin.
Nilabas niya ang isang baril, bago pa niya ito maiputok ay agad akong tumakbo papalapit sa kanya at nakipag agawan ako ng baril.
Hindi ko maagaw sa kanya ang baril ,kaya agad ko siyang tinuhuran sa private part niya,kaya namilipit ito sa sakit.
Mabilis kong naagaw ang baril at itinutok ito sa kanya."Move!" Sambit ko.
Umalis ito sa harap ng pinto at tumakbo paalis.
Agad akong pumasok sa kwarto at tinawag ang mga bata."Lumabas na kayo bilis!" Sigaw ko.
Magkahawak kamay silang tumakbo palabas ng kwarto
BINABASA MO ANG
Mission: Protect my twin sister's son
General Fiction" Once you touch my nephew, I'll give you war." - Celine Peaceful life? Yun lang naman ang gusto kong ibigay para sa pamilya ko. Akala ko pa naman maayos na ang lahat,hindi pala. May paparating pa palang delubyo.