Chapter 17

122 3 0
                                    

Cont~

Ng matapos ang news break ay bigla na lamang kaming nakarinig ng nabasag na plato.
Ng lingunin ko ito ay si Jonathan lang pala.
Para itong nakakita ng multo dahil nanlalaki ang mata nito ,nabitawan pa yung plato,sayang tuloy yung bananaque na dala niya.

"Ikaw yung ate na sinasabi nila ,right?" Tanong nito.

Nagkibit balikat na lamang ako at tumayo para pumunta sa kusina baka kasi mqy natira pang bananaque ,hihingi sana ako.

Kumuha ako ng tatlong bananaque at nilagay ito sa plato.
Kumuha rin ako ng juice sa ref kaso ng isasara ko sana ito ay biglang may humila sakin na-corner ako sa may ref.

"Ikaw yun diba?" Seryosong tanong ni Jonathan.

"Maybe."sagot ko.

"I'm serious Sweetie."

"Seryoso rin ako Jonathan,maybe sagot ko."

"Napaka pangit mo kausap Sweetie."

"Same to you." Sagot ko.

Padabog na lumabas si Jonathan sa kusina ,kaya nakahinga ako ng maluwag .Nanghina ako sa ginawa ng lalaking iyun.
Maylahi atang kabute yun eh.
Nevermind,may mas kailangan akong isipin ngayon.
Yun ay sino ang may balak na pumatay sa pamangkin ko.
Anong motibo ng t*rantadong yun.

Unknown pov:

"Mga lampa! Bakit hindi nyo napatay ang bata! Mga b*bo sayang ang pera ko sa inyo!

Nasa kwarto si Celine dahil sa nagtutupi siya ng mga damit ni baby Nathan ng pumasok si Jonathan.

"Celine,pwedeng pumasok?" Tanong nito.

"Sige."sambit nito.

"Ahh Celine darating nga pala yung tito ko. Baka pwedeng ayusan mo si baby Nathan ,asap." Sambit nito.

"Yeah sure,tapusin ko lang ito. Anong oras ba siya darating?"

"Mga 4pm."

"Okay."

Agad ring lumabas si Jonathan.
Ng matapos mag ayos ng damit si Celine ay bumaba siya para magtimpla ng kape niya,ng marinig niya ang bulungan ng mga kasambahay.

"Naku darating na naman yung tito ni Sir. Diba yun yung may ayaw kay ma'am Celestine.Naalala ko pa nga eh galit na galit yun nung dito tumira si Ma'am Celes." Sambit ni Alina,kasambahay dito.

"Oo nga ,tsaka ang sungit nun ng uncle niya .Akala mo siya ang may ari ng bahay na ito kung maka utos."sambit ni Jily, kasambahay rin.

Agad akong lumapit sa kanila.

"Ayaw ng uncle ni Jonathan sa ate ko?" Tanong ko sa kanila.
Bakas ang pagkagulat nila ng makita nila ako sa likod nila.

"Ahh o-opo ma'am."sambit ni Alina.

"Bakit galit siya kay Ate?"

"Hindi po namin alam ma'am ,basta ang alam lang namin kapag bumibisita ang uncle ni sir ay ayaw niyang makita ang ate nyo."sambit ni Jily.

"Anong name ng uncle ni Jonathan?"

"Renaldo Ferrer po." Sagot ni Alina.

"Sige salamat sa sagot, atsaka nga pala si Baby Nathan paki paliguan muna."sambit ko bago umalis.

Nakaramdam ako ng kaba ng marinig ko ang pinag uusapan nila about kay ate at sa uncle ni Jonathan.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong tinawagan si Jelai.

[" Oh Celine napatawag ka?"]

"Pwede mo bang alamin ang lahat ng tungkol kay Renaldo Ferrer?"

["Kay Renaldo Ferrer? Naku may mission ako ngayon.Tawagan mo na lang si Angela yung classmate natin nung highschool. Yung lagi nating sinasabay tuwing lunch at recess. Isend ko sayo ang number niya . Don't worry ka close ko yun!"]

"Sige i-text mo sakin ang number niya asap."

["Okay ,i end ko na itong tawag."]
Sabay end ng call.

Ilang Segundo lang ay nai-text na sakin ni Jelai ang cp number ni Angela.

Agad ko itong denial.

["Oh Hello kung scammer ka man ay wala akong pera!"] Sigaw ni Angela sakin.

"Angela si Celine ito, friend ni Jelai, kaklase mo ako nung highschool." Sambit ko.

[" OMG, CELINE! Hala akala ko scammer na naman eh. Kumusta ,bakit napatawag ka?"]tanong nito

"Sinabi sakin ni Jelai na magaling ka raw mangalap ng information. May ipapagawa ako sayo, don't worry babayaran agad kita."

[" Asus basta kayo nila Jelai may discount, at magaling talaga ako kumuha ng impormasyon kahit underground pa HAHAHAHA! So sinong ipapa imbestiga mo?"]

"Renaldo Ferrer ang name niya ,uncle ni Jonathan Ferrer."

["Okay noted, wait ka lang ng dalawang araw agad kong ibibigay sayo ang impormasyon na makakalap ko."]

"Sige salamat."

["You're welcome ,sige bye na!"]
End of call.

Renaldo Ferrer sino ka nga ba?
Anong meron sayo at nakaramdam ako ng kaba?

Mission: Protect my twin sister's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon