Habang nag swimming ang mag ama ay nakarinig sila ng tili mula sa loob ng bahay kaya dali daling binuhat ni Jonathan ang anak niya at pumasok sa loob ng bahay.
Nakita niya ang kanyang ina at ang mga kasambahay na nakatingin sa t.v na may takot sa kanilang mga mata."Flash news nahuli sa cctv ang mga hindi kilalang lalaki na sapilitang nangidnap ng mga kadalagahan sa isang park. Hindi pa matukoy ang mga pagkakakilanlan ng mga nasabing tao. Nagbabalita Issa Umapaw." Ipinakita rin ang cctv footage at doon napansin ni Jonathan si Celine na bumaba ng motor nito at isa rin sa mga nadukot. Labis na nakaramdam ng kaba si Jonathan ,natatakot siyang may mangyari kay Celine.
Hindi namalayan nila Jonathan na nakapasok na ng mansyon sila Jelai at Hiraya para bisitahin si baby Nathan.
"Tita!" Sigaw ni baby Nathan at dali daling bumaba sa tatay niya ,at nanakbong yumakap kay Jelai at Hiraya.
"Sino kayo?" Agad na tanong ni Jonathan.
"Best friend kami ni Celine. Andito kami para sabihing umalis si Tita Celine mo baby Nathan. Uuwi din daw siya agad." Naka ngiting sabi ni Jelai.
"Huh? Hindi ba nak-" hindi na natapos ni Jonathan ang sasabihin niya ng senyasan siya ni Hiraya na manahimik.
"Baby Nathan akayat ka muna sa taas at magbihis kana okay?" Jelai.
"Okay po tita!" Sambit ng bata at nanakbong pumunta sa kwarto.
"Ikaw si Mr. Jonathan, right?" Agad na tanong ni Hiraya.
"Ako nga."
"Alam na naman ang nangyari kay Celine ,kinuha na nga namin yung motor niya ,naka park na sa labas. Huwag mo munang sabihin kay baby Nathan ang nangyari sa Mamita niya, sigurado akong hindi nyo mapapatahan ang batang iyan kapag umiyak. Si Hiraya na ang bahala pulis naman itong bff namin* sabay turo kay Hiraya*." Jelai
"Okay lang ba siya?" Tanong ni Jonathan
"Oo naman okay lang yung taong yun! Manhid na yun" sambit ni Jelai.
"Sa ngayon Mr. Jonathan ,mas maiging bantayan mo muna ang anak mo. Don't worry hindi t@nga ang babaeng yun." Sambit ni Hiraya.
"Sige na aalis na kami ,binisita lang namin si baby Nathan at hinatid namin iyung motor. Paki bigay ito kay baby Nathan ,regalo namin." Hiraya.
Ng maibigay nila ang regalo ay agad ng lumabas ang dalawa at sumakay sa kotse.
"Alam mo bes may kakaiba dun sa Jonathan, kung makapag alala parang jowa niya eh!" Sambit ni Jelaine
"Mukhang may pagtingin ang gague HAHAHA!" Natatawang sambit ni Hiraya.
"Hay naku Haba ng hair nag rejoice kaba ghurl HAHAHAHA!" natatawang sambit ni jelai.
Maagang bumangon si Celine para i-check ang mga kasama niyang dalaga. Napansin niyang may isang dalaga na umiiyak habang kinakalmot ang hita nito, kaya agad niya itong nilapitan.
" Miss tama na yan nasasaktan mo ang sarili mo ,ano bang nangyari!?" Agad na sambit ni Celine habang pilit na pinipigilan ang dalaga.
"A-ate m-muntik na po niya akong galawin! Ate ayoko napo dito! Ate huhuhu!" Sambit ng bata.
Labis na nakaramdam ng galit si Celine.
"Sinong gumawa sayo niyan?" Cold nasabi ni Celine."Yung naka blue po na polo,a-ate!" Umiiyak na sambit ng dalaga.
Pumasok ng kwarto si Celine at kinuha ang nakatagong baril ni Simon at agad itong kinasa.
Nagmadali itong lumabas at agad na tinutukan ng baril ang naka blue na t-shirt. Halos mataranta ang mga mukhang bouncer dahil sa ginawa ni Celine. Alam nilang hindi nila pwedeng labanan ang dalaga dahil sila ang malalagot kay Simon."Anong usapan natin kagabi? Diba sabi ko sa inyo wag na wag nyong hahawakan ang mga kasama ko? PERO ANONG GINAWA MONG H@YOP KA! GUSTO MO NA BANG MAWALAN NG KALIGAYAHAN HAH?!* Sambit ni Celine at itinutok ang baril sa bandang may zipper ng pants
"H-hindi ko sinasadyan madam!" Utal na sambit nung naka blue na polo.
Akmang babarilin na ni Celine ang kaligayahan nung guy ng may umagaw ng baril na ito, si Simon ang umagaw ng baril at itinapon ito. Agad niyang kinabig payakap ang dalaga upang mapigilan niya itong magwala.
" Celine, ako ng bahala sa kanya. Mag relax ka muna!" Sambit ni Simon.
"Bitawan moko! Papatayin ko yang kasamahan mo! Mga hindi marunong tumupad ng usapan! Alis sabi ehhh!" Galit na sambit ni Celine.
"Ako ng bahala sa kanila Celine okay! Mag relax ka muna!" Sambit ulit ni Simon.
"Hulihin nyo iyang lalaking iyan! Parusahan nyo!" Sambit ni Simon.
Agad na hinila nila ang lalaki at ipinasok sa isang kwarto.
Habang naka yakap si Simon sa kanya ay napansin ni Celine na may papasok na babae. Hanggang sa makita na niya ang mukha nito. Siya yung girl na kahalikan ni Simon noon.
Gulat na nakatingin sa kanya ang babae, na ikinangisi ni Celine. Kumalas ng yakap si Celine at deretsyong lumapit dun sa babae."It's nice to meet you again Innah." Nakangiting sambit ni Celine.
Tanging tango lang ang sagot ni Innah sa kanya."I need your help, again." Bulong ni Celine at ngiti sa kanya
BINABASA MO ANG
Mission: Protect my twin sister's son
General Fiction" Once you touch my nephew, I'll give you war." - Celine Peaceful life? Yun lang naman ang gusto kong ibigay para sa pamilya ko. Akala ko pa naman maayos na ang lahat,hindi pala. May paparating pa palang delubyo.