"Daddy asan na yung damit ni Nathalia at Nathalie?"tanong ko kay Jonathan.
2 taon na kaming kasal ni Jonathan.
Naging maayos naman ang lahat."Teka ito oh."sambit ni Jonathan sabay bigay sakin ng damit ng kambal.
Nag-kaanak ako ng kambal na babae , 2 years old na ang mga ito.
Ang pangalan nila ay Nathalia Johanah ang panganay sa kambal at si Nathalie Joharrah ang bunso ko."Wait hon ako ng bahala sa kanila. Baka mamaya eh kung ano pang mangyari sayo."sambit ni Jonathan.
Actually buntis ako ngayon, gusto ata ng basketball team ng asawa ko.
Lalaki ang pinagbubuntis ko."Mommy ito na yung gatas ng kambal."sambit ni Nathan.
7 years old na ang anak ko."Sige tara aalis na tayo,
Binuhat niya ang kambal habang inaalalayan naman ako ni Nathan.
"Mom bakit may water and blood na lumabas sayo,look!"sambit ni Nathan.
"Teka manganganak na ata ako."sambit ko.
"WHAT! WAIT TATAWAG AKO NG PULIS ,I HINDI AMBULANCE PALA! SH*T ANO BA ITO!"natatarantang sambit ni Jonathan.
"Are you okay mommy?" Kalmadong tanong ni Nathan.
"Hindi masyado anak,nanakit na yung tyan ko."sambit ko.
"Wait lang po tayo ng ambulance mom. Dad wag ka ngang mataranta dyan!" Sambit ni Nathan.
"Gosh hindi mo ba nakikita anak manganganak na ang mama mo!"
"Ay ewan ko sayo Daddy."sambit ng anak ko.
Ilang minuto lang ay dumating na ang ambulance kaya agad akong naisakay.
Ipinasok na ako sa delivery room dahil lalabas na ang bata.
Ang kasama ko ngayon ay ang panganay ko imbis na asawa ko.
Mas kalmado kasi itong anak ko,mana sakin.
"Sige pa mom push pa."sambit ng anak ko.
Ilang beses akong umiri ng makarinig ako ng iyak ng bata.
"Mrs healthy baby boy po ang napanganak nyo."sambit ng doctor.
"Yes may kalaro na ako."masayang sambit ng anak ko.
"Sige pahinga muna si mommy ah."sambit ko and everything went black.
Paggising ko ay naririnig kong umiiyak si Jonathan habang tumatawa naman sila Jelai.
"Ano ba yan kalalaki mong tao Jonathan!"pang-aasar ni Jelai.
"Shut up! Palibhasa hindi ikaw yung nabigyan ng anak!"sambit ni Jonathan.
"Hala ka napatol sa babae !"pang-aasar rin ni Hiraya.
"Aba manahimik na nga kayo nagpapahinga ang kapatid ko!"sambit naman ni Ate Celes.
"Yesh you two shup up!" Sambit ng anak ni ate na si Archie.
"Anong shup up ,shut up kasi itong bulol na'to!"pang aasar ni kuya Cholo kay Archie.
"Hayss ang ingay."sambit ko.
Agad na lumapit sakin si Jonathan at itinabi sakin ang bata.
"Anong ipapangalan natin sa kanya Mommy?"tanong ni Jonathan.
"Nicholas, Nicholas Jon Ferrer."sambit ko.
"Nicho anak."pagtawag ni Jonathan sa baby.
"So ano dadagdag ka pa ba?"tanong ko kay Jonathan.
"Oo naman hehe."tinignan ko ito ng masama.
"Pero pahinga ka muna ng 1 year hehe."sambit ni Jonathan at hinalikan ako sa noo.
"Ano uuwi na ba tayo?"tanong ni Jonathan.
"Oo uuwi na tayo sa bahay natin."sambit ko.
_____________
- Thank you sa mga nagbasa!
BINABASA MO ANG
Mission: Protect my twin sister's son
Ficción General" Once you touch my nephew, I'll give you war." - Celine Peaceful life? Yun lang naman ang gusto kong ibigay para sa pamilya ko. Akala ko pa naman maayos na ang lahat,hindi pala. May paparating pa palang delubyo.