Chapter 15

120 2 0
                                    

Magkahawak kamay silang tumakbo palabas ng kwarto.

Agad kong  tinawagan sila Jelai.

" Move now!" Sambit ko sabay patay ng tawag.

Ng palabas kami ng mga bata nakarinig na kami ng tunog ng sasakyan ng mga pulis.
Mabilis na naglabasan ang mga pulis kasama si Hiraya.

"Celine si Jelai nasa kotse na kasunod namin sumakay kana dun!"sambit ni Hiraya.

Tumango na lamang ako.
Tinignan ko ang mga batang kasama ko.
Lahat sila ay umiiyak, umiiyak dahil alam nilang safe na sila.

"Paano ba yan mga bata kailangan ko ng umalis ,mag iingat kayo!" Sambit ko.
Isa isa ko silang niyakap.
Agad akong tumalikod sa kanila at tumakbo papunta sa kotse na sinasabi ni Hiraya.

"Naks buhay kapa!" Sambit ni Jelai.

"Malamang buhay pako,nakakausap mo pa nga ako!" Sambit ko! Sige na mag drive kana,umalis na tayo!" Sambit ko.

"Yes Madam!"

Habang nasa byahe kami ay biglang umilaw ang relo ko.
Isa lang naman ang rason kapag nagilaw ang relo ko.
May masamang mangyayari sa pamangkin ko.
"Jelai ang phone akin na bilis!" Sambit ko.

"Oh ito na!" Sambit nito sabay abot ng phone niya.

Agad ko itkng kinuha at denial ang phone number ni Jonathan.

"Asan ang pamangkin ko!" Halos pasigaw na sambit ko.

"Teka Celine ikaw ba yan?" Tanong nito.

"P*tang*na ako tohh ,asan ang pamangkin ko?!" Inis na sambit ko.

" Nasa ****mall kasama ni Butler Cerdo." Sagot nito.

"Bakit mo pinalabas yung bata?! Pumunta ka sa mall ngayon na! Susunod ako!' sabay end ko ng call.

"Teka ano bang nangyayari Celine?" Tanong ni Jelai.

"Umilaw itong relo ko it means may kalabang nakapaligid. Isa sa mga tinuro ko kay baby Nathan sa oras na may mapansin siyang kakaiba sa paligid niya pindutin niya lang yung relong bigay ko sa kanya dahil automatic na magiilaw itong sakin. Sa **** mall tayo ngayon andun sila dali!" Sambit ko.

"Sige sige ito nga!" Natatarantang ini- u turn ni Jelai ang kotse para sa ibang street kami mapadaan.

Ilang minuto lang ay agad kaming nakarating sa mall.
Agad akong nagsuot ng face mask at dali daling lumabas ng kotse.
Napansin kong maraming nakapaligid na men in black it means nakarating na si Jonathan dito.
Nanakbo kaming pumasok ng mall ni Jelai at hinanap si baby Nathan hanggang sa may makita akong lalaki na may hawak na bata.
May hawak itong kutsilyo na nakatutok sa leeg ng bata.
Agad kong namukhaan ang bata ,ang pamangkin ko ang hawak ng lalaking yun!

Ng makalapit ako ay nakita ko rin si Jonathan na pilit kinakausap ang lalaking may hawak sa pamangkin ko.

Bakas sa mukha ng pamangkin ko na natatatakot ito,palinga linga si babay Nathan hanggang sa makita niya ako. Sinenyasan ko siyang kumalma lamang dahil ako ang bahala.
Agad akong naghanap ng bote na pwede kong gamitin para mabitawan niya so baby Nathan.

Ng makakuha ako ay patakbo akong lumapit sa likod ng lalaki at walang pasabi kong pinukpok ang bote sa ulo ng lalaki kaya nabitawan niya si baby Nathan.
Nanakbo papalapit si baby Nathan kay Jonathan habang ako ay sinasakal ang hayop na lalaking toh.

"Sino ba kayo hah? Anong kailangan nyo sa batang iyun!?" Inis na tanong ko sa lalaki.

" Ang kailangan namin ay yang mismong bata! " Sagot nito.

"Pwes sabihin mo sa hampas lupa mong amo ,hinding hindi ko siya hahayaang makuha ang batang yan kahit ikamatay kopa!" Sambit ko.

Dumating na ang mga pulis ,agad nilang kinuha ang lalaki na sinasakal ko.

I guess ito na ang simula ng kinatatakutan ko.

Mission: Protect my twin sister's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon