Prologue

1.4K 20 1
                                    

DISCLAIMER


     This story is a work of fiction. Any         resemblance to actual events ,places,   date, persons, living or dead are purely coincidental.

This story contains grammatical errors, wrong spelling, vulgar words, and typos so please bare with me!

DATE STARTED: March 08, 20222
DATE ENDED: March 18, 2022


**

"What you did is undeniably wrong, Miss. Am I right?"

Nanatili lang akong nakayuko. Hindi alam ang isasagot. Nanginginig ang mga kamay at sinasabayan ito ng kalabog ng aking dibdib. Hindi ko inaasahan na ganito ako kaagang mahuli. Paano na ang kapatid ko? Mamamatay na ba ako?

"You have many options yet you chose the wrong one."

"Mamamatay na ba ako?" tangi ko lang nasambit habang tumutulo ang luha.

I heard him sighed. Itinukod niya ang isang kamay sa lamesa at kita ko sa mukha niya ang galit.

"Listen. You're not going to die. But you'll put in jail."

Medyo nakaramdam ako ng kaluwagan sa paghinga. Pero nanatili pa rin ang kaba ang pag-alala na kung makulong ako, sino ang mag-aalaga sa kapatid ko? Wala. Kasalanan ko din naman kung bakit na ako nasa ganitong sitwasyon ngayon. Sobrang gulo ng isip ko. Nadala ako sa pangungumbinsi ng taong yon. Sobrang sama ng ginawa ko. Nagawa kong magbenta ng droga kapalit ng pera. Pero heto ako ngayon, nahuli.

"You couldn't do anything about the law. Unless, you'll agree with my condition. I can manipulate your case, by the way."

Umupo siya sa harap ko habang nakasiklop ang palad na nakatungtong sa lamesa. Diretso rin ang tingin sa akin.

"Kondisyon? Ano naman po iyon?"

"Lilinisin ko ang pangalan mo..kung papayag kang bantayan ang anak ko."

Namilog ang mata ko sa gulat. Seryoso ba ang detective na ito? Baka nagbibiro lang? Pero sino ba naman ako upang tumanggi sa alok niya? Kung iisipin, napakadali ng pinapagawa niya. Babysitting is my thing. May experience na rin ako sa pagbabantay ng bata dahil sanggol pa lang ang kapatid ko, ako na ang nakatoka para doon.

"Opo! Payag po ako! Maraming salamat Sir."

Tila nag-uumapaw sa saya ang dibdib ko. Hindi ko inaasahan na may mga tao pa palang tulad niya. Muntik ko na siyang mayakap dahil sa sobrang tuwa pero pinigilan ko na lang ang aking sarili.

"Okay. Here's the contract. Read and sign it if you're agree."

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Pinirmahan ko kaagad iyon kahit hindi ko pa nabasa. Siguro dahil sa sobrang saya.

"By the way Sir, ilang taon na po ang babantayan ko? Or months I think? Magaling naman ako pagdating sa mga bata. Saulado ko na po kung bakit sila minsan umiiyak."

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkunot ng noo ng taong kaharap ko. Did I say something wrong? Pero ilang sandali pa ay nakita ko ang maliit na ngiti mula sa kaniya.

"Hindi mo nga binasa ang kontrata."

"Bakit ho?"

"You're babysitting my 21 year old spoiled brat son. Goodluck Miss Leonell."

-

VOTE.COMMENT.SHARE.

Babysitting The Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon