Chapter 18

155 8 1
                                    

BIANCA

    "Ate uuwi na ba tayo?" Ginulo ko ang buhok nito at bahagyang ngumiti sabay tango.

"Oo bunso uuwi na tayo. Dadalhin kita doon sa trabaho na Ate, huwag kang makulit doon okay?" malamyos ang tinig na sabi ko.

Last week, I talked to Mr. Logan about bringing Jason with me. Wala naman kasing pwedeng magbantay sa kaniya kaya buti na lang at pumayag si Mr. Logan na doon na lang muna ito pansamantala.

"Makikita ko ba doon si kuya pare ate?"

"Hindi ka ba niya sinaktan o pinagsabihan ng mga masasamang bagay?" I was worried and overreacted infront of him. Hindi niyo naman ako masisisi kasi masama talaga ang ugali ng lalaking iyon. I even cried one time because of his nonstop false accusations.

"Hindi naman po. Dinalhan niya nga po ako ng chocolate, hindi ko pa nga naubos. Andiyan pa sa cabinet ate oh!" kwento ng kapatid ko at tinuro ang pinaglagayan niya nito.

Nalipat doon ang atensyon ko. May isa kang box ng chocolate doon at iyon ang pinag-awayan namin last time.

I was busy cleaning the garden when suddenly Mr. Logan tapped my shoulder and handed me a box of chocolate. Noong una ay hindi ko natanggap pero sa pagpupumilit ni Mr. Logan ay wala na akong nagawa. But as Mr. Logan left me, Timothy appeared from somewhere and harshly get the box from me.

"This is mine! Kanina ko pa ito hinahanap. Did you stole this inside my room?" bakas ang galit sa mukha nito. Kumalma ako at hindi siya sinagot. I turned my back to him instead and continue what I'm doing.

Pero hindi pa rin ito umalis at marahas na pinaharap ako sa kaniya.

"Don't turned your back when I'm talking, Ms. Leonell. I can make you pay for these more than what you think." Tinuro turo niya pa ako habang ang isang kamay ay hawak ang box na nakataas.

"Binigay sa akin ng Daddy mo yan," I answered, trying to hold my patience.

"Such a thief."

At doon na nawala ang pagtimpi ko. I threw deadly glares at him.

"Huwag na huwag mo akong akusahan ng mga bagay na hindi ko nagawa. Anak ka lang ng boss ko pero wala kang karapatang husgahan ako. Why don't you try to ask your Daddy? Nakadepende ka naman sa kaniya hindi ba?Spoiled Brat."

Agad bumalik ang inis ko dahil sa chocolate na ngayo'y hawak ko na. Narinig ko ang mahihinang palakpak ni Jason na animo'y excited na kainin ulit ang binigay sa kaniya.

Dala ang iilang gamit ni Jason ay bumalik na kami sa bahay ng mga Logan. Bakas sa mukha ng kapatid ko ang saya at tumatalon-talon pa ito na para bang ngayon lang nakalabas sa lungga niya. Hindi ko rin mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siya.

"Behave ka doon okay?" muli kong paalala bago siya hinawakan sa kamay upang pumermi.

"Opo ate!" masiglang sagot niya.

Sakay ang taxi ay nakarating na kami pagkatapos ng ilang minuto sa bahay. Nasa gate pa lang kami pero tanaw ko ang pag-aantay nina Manang Luisa at Manang Joan na kababalik lang galing probinsya.

"Buti naman at nakabalik na kayo. Ang gwapo naman ng batang 'to." tila tuwang tuwa na wika ni Manang Luisa at agad sinalubong ng yakap si Jason.

"Anong pangalan mo iho?" dagdag naman ni Manang Joan.

Bibong sumagot ang kapatid ko pagka-kalas ng yakap sa kaniya ni Manang Luisa.

"Jason po!"

"Osiya hali na kayo sa loob at mananghalian." Yaya ni Manang Luisa at agad naman kaming tumalima.

Habang papasok ay walang humpay sa pagkukwento ang kapatid ko. Panay tawa at iling naman si Manang dahil sa kakulitan ng kapatid ko. Palasalita talaga ito lalo na sa mga bagong kilala. Hindi siya mahiyain tulad ko.

"Bakit ang iingay niyo?" I almost jumped when someone shouted behind me.

"Ay si sir Timothy pala. Naku sorry po, natutuwa lang kami dito sa kapatid ni Bianca." sagot ni Manang Luisa at hinaplos pa ang ulo ni Jason.

"Kuya pare!"

Hindi ko na napigilan ang kapatid ko. Dali-dali siyang tumakbo tungo kay Timothy na ngayo'y malambot na ang ekspresyon sa mukha. Walang hirap na binuhat niya ang kapatid ko.

Bakas sa mga mukha namin ang gulat habang pinagmamasdan namin ang dalawang nagkukulitan. Parang pinagkaitan kami ng boses dahil sa nakikita namin ngayon. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isang Timothy na masungit ay tumatawa na ngayon dahil sa kakulitan ng kapatid ko?

For a moment, I saw him as the Timothy I knew long time ago. Ang Timothy na nakilala at napagpalagayan ko ng loob. Ang Timothy na kahit kailan ay hindi ko inaakalang babalik ngayon.

As seeing them together, somehow made my heart beats fast. Hindi ko alam na habang patagal na tinitingnan sila ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari noon.

-

SHORT UPDATE ONLY

VOTE.COMMENT.SHARE

Babysitting The Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon