Chapter 25

131 7 0
                                    

BIANCA

March 2017

Naalimpungatan ako nang may marinig na nagtatawanan. I slowly opened my eyes, welcomed by darkness. Nilibot ko ang paningin, nagbabasakaling may makita kahit maliit na liwanag lang. Pero wala. Tanging nakakabinging tawanan ang nanuot sa tenga ko, kasabay ng pagpumiglas pero mas lalo lang humigpit ang tali sa akin.

Dumoble ang kaba ko nang unti-unting bumukas ang pinto at agad pumasok ang liwanag na mula sa labas. Nakangising mukha ni Lowell ang nagpatayo ng mga balahibo ko sa katawan.

"Gising na pala ang prinsesa.." asar niya at ngumiti ulit ng nakakaloko.

"Pakawalan mo ako dito hayop ka! Ano ba ang kasalanan ko sa inyo? Ha?" Sigaw ko habang nagpupumiglas. Pero lalo lang akong nasaktan dahil sa higpit ng talo mula sa tiyan, kamay at paa ko.

Mas nilakihan niya ang siwang ng pinto at pinasok ang kalahating katawan. Lumapad lalo ang ngisi niya sa narinig. Tiningnan ko siya ng matalim.

"Sa amin wala, pero kay ma'am Sofia, meron," sagot nito at parang nababaliw na humalakhak.

Hindi na niya ako hinayaan pang sumagot, bagkus ay sinarado na ang pinto at lumikha pa ito ng malakas na kalabog. I almost screamed.

Wala na naman akong makita. Para akong nabulag sa sobrang dilim na bumalot sa loob ng silid. Hindi ko din alam kung paano ako makakatakas gayong natitiyak kong marami sila sa labas.

Parang may dumurog sa puso ko nang maalala ang sinabi ni Lowell sa akin. Si Sofia? Ang isa sa mga kasamahan ko sa trabaho?

Nanuyo ang lalamunan ko. Nagsimula na ring mamuo ang butil ng pawis sa noo at leeg ko, hindi pa rin makapaniwala. Paano nagawa ni Sofia sa akin lahat ng to? Isa siya sa mga taong tinuring kong kapatid.

Ang kapatid ko. Si Jason. Paano na siya ngayon? Nasisiguro kong naghihintay na siya sa akin. Mas dumoble ang bigat na nararamdaman. Si Timothy? Nag-aalala din ba siya sa'kin? Nalaman niya kayang nawawala ako?

Dahil sa samut-saring isipin ay napaluha ako, nawawalan ng pag-asa. Paano na ang mga mahal ko sa buhay? Paano ako makatakas dito?

Mas tinalasan ko ang pandinig. Wala nang mga tawanan, napangiti ako. Kailangan kong mag-isip ng plano.

"May tao ba sa labas? Hoy! Lowell!" Sumigaw ako nang sumigaw. Mas nilakasan ko ito para marindi sila. Hindi naman ako nabigo.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto. Napapikit ako dahil sa liwanag na tumama sa mata ko.

"Bakit ka sumisigaw? Alam mo bang nakakarindi?" Bakas ang galit sa boses ni Lowell.  Agad niya akong nilapitan at sinampal ng malakas. Halos tumapon ang mukha ko sa sahig, namamanhid. Nalasahan ko din ang mala-bakal na likido sa bibig ko, dugo.

Ngunit kailangan kong magkunwari, baka masira ang plano. Kahit naiiyak man ay binalik ko ang tingin sa kaniya.

"Iihi sana ako..kung pwede." Umasta pa akong nahihiya at hindi mapakali.

His forehead creased. Tumaas ang isang sulok ng labi na para bang may iniisip na hindi maganda. Bumalik ang kaba ko.

"Sige, pero sasamahan ka ng isa sa mga tauhan ko."

Tumango ako, at pilit tinatago ang ngiti sa labi. One step closer.

Tulad ng sinabi ni Lowell ay sinamahan nga ako ng isang may katangkarang lalaki, pero hindi naman malaki ang katawan. Narinig ko din sa pag-uusap nila na mamaya pa daw dadating si Sofia dahil may inasikaso pa. Mas umayon ang pagkakataon sa plano ko.

Tinulak niya ako ng malakas sa isang may kaliitang silid. Buong pwersa kong binalanse ang katawan para hindi matumba. Kamay ko lang ang nakagapos, nagpapasalamat dahil hindi na ako mahihirapan.

"Bilisan mo diyan, baka matalo ako sa sugal lagot ka sa'kin." Namumula ang mata nito, amoy alak, paniguradong tinamaan na'to.

Sinarado ko ang pinto at walang sinayang na oras pa. Nilibot ko ang paningin. Tama nga ako, may maliit na bintana dito. Mabilis pero maingat ko itong nilapitan at tinulak ng buong lakas ang takip ng bintana. Nang hindi manlang ito natinag, umapak ako sa kubeta at buong pwersang siniko ang salamin. Napangiti ako. Tagumpay.

"Anong ingay ang narinig ko diyan?"

Napatigil ako nang kalampagin niya ang pinto. Mas binilisan ko pa ang kilos. Walang pag-aalinlangang pinasok ko ang ulo sa bintana. May mga damo sa baba. Kahit may kataasan ay hindi na ako umatras pa. Inuna ko ang kamay at sinunod ang ulo. Wala na akong pakialam kung mabalian ako ng buto.

"Hoy! Tigil!"

Dahil sa gulat, kusang gumalaw ang katawan ko at hinayaang mahulog sa damuhan. Natanaw ko pa ang lalaki na tinutok ang baril sa akin. Kahit masakit ang katawan ay pilit akong bumangon para makalayo. Iilang putok ng baril ang narinig ko.

"Wala ka talagang kwenta! Lagot tayo kay mama Sofia!" Rinig ko pang sigaw ni Lowell.

Ngumisi ako. Ang tatanga niyo kasi. Pinagpatuloy ko ang paglakad takbo. Hindi ko magawang tumakbo ng mabilis dahil mukhang nabalian ata ako ng paa. Medyo matalahib kaya may iilan akong sugat sa pisngi at braso.

Umalingawngaw ang isa pang putok.

Natigilan ako. Tila namanhid ang balikat ko sa hindi malamang dahilan. Dahan-dahan kong tiningnan iyon. Dugo.

Natamaan ako!

Dahil sa takot na baka matamaan ulit ay mas binilisan ko ang pagkilos. Ilang sandali pa ay may natanaw akong sementadong kalsada. Parang guminhawa ang pakiramdam ko sa kabila ng sakit na iniinda sa balikat at paa.

Pero kasabay ng pag-apak ko sa kalsada ay unti-unti namang lumabo ang paningin ko. Kahit gusto ko mang kumilos pa ay tila hindi na sumasang-ayon ang katawan ko. Pagod na ako.

Napasalampak ako sa kalsada, nanghihina. Hawak ko pa rin ang balikat na may tama, sa hindi kalayuan ay may natanaw. Isang ugong ng sasakyan. Napangiti ako. Sa wakas, ligtas na. At dumilim na ang lahat.

-

SHORT UPDATE ONLY

VOTE.COMMENT.SHARE

Babysitting The Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon