Chapter 24

127 5 0
                                    


BIANCA

February 2017

Nang marinig ang malakas na tunog ng cellphone ko, kinapa ko ito at mabilis na pinatay. Gumulong ako sa kama upang maibsan ang hilong nararamdaman ngunit mas lumala lang iyon. Bumangon ako pero bumagsak dahil sa sakit ng ulo ko.

I carefully touched my head, adjusting my blurry vision but closed my eyes again when I failed. Ni hindi ko kayang dumilat. I heave a sigh.

A sound came from my cellphone caught my attention. Pinahinga ko muna ng ilang sandali ang ulo ko bago muling dumilat. And I did.

Kinapa ko ang cellphone sa tabi at tinaas ng bahagya, pantay sa mukha ko at binasa ang isang mensahe. Masama man ang pakiramdam ay agad sumilay ang ngiti sa aking labi.

From: Tim, Mahal<3

Hey love! Good morning. I'm planning to go there and yeah, I'll be there in 5 minutes. Wait for me, may breakfast akong dala. I love you!

Kahit mahirap man ay pinilit kong magtipa ng mensahe para sa kaniya.

To: Tim, Mahal<3

Okay! I'm not feeling well. Be here fast so I could be feel better. I love you too!

Nakangiti kong nilapag ang cellphone sa tabi.
Medyo gumaan ang pakiramdam, ngunit sumasakit pa rin ang ulo.

Dahan-dahan akong bumangon at pumikit agad nang magdilim ang paningin ko. I came home late last night, naulanan pa ako dahil hindi ako nasundo ni Timothy. Dahil sa malayo ang bar sa apartment, ilang sakay pa ang ginawa ko bago makarating.

Binalot ko ng kumot ang katawan, mula paa hanggang ulo. Pumikit ako at hindi na nag-abala pang tumayo dahil tiyak matutumba lang ako kapag sinubukan ko iyon.

Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng katok sa pinto.

"Ate? May bisita ka po." Narinig ko ang boses ni Jason.

"Paakyatin mo siya dito bunso," nanghihina kong sagot, habang nakapikit.

Bumukas ang pinto. Nagmulat ako ng mata at nakita kong dumungaw si Jason sa siwang. Bakas ang pag-alala sa mukha nito nang makita ang kalagayan ko. I smiled to assure him that I'm okay. Parang iiyak itong lumapit sa akin at akmang yayakapin ko ngunit agad kong pinigilan.

"Huwag bunso, baka mahawaan ka! Okay lang si ate hmm? Paakyatin mo na lang dito ang kuya mo Timothy ha?"

Tumango siya at parang wala pang balak umalis. Ngunit nang ngumiti ulit ako ay dahan-dahan itong tumalikod at ilang sandali pa ay maliksing tumakbo palabas ng kwarto.

I heard him called Timothy. Suminghot ako dahil may tumulong sipon sa ilong ko. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng pisngi at paghapdi ng mata na para bang naluluha ako.

After few minutes, I heard several foot steps coming into my room. Inayos ko ang pagkakahiga at mas binalot ang sarili ng kumot. Pumikit ako at nang pagmulat ko ay mukha ni Timothy ang bumungad sa akin.

"What happened? Why you got sick?" He asked, with a concerned look.

"Wala, naulanan lang ako kagabi," I sniffed, "medyo masakit lang ang ulo." I still managed to laugh.

Mahina niyang kinurot ang braso ko. Napadaing naman ako kahit hindi naman masakit.

"Kumain ka na ba? Let's eat," yaya nito at ngumiti.

"Hindi pa atsaka wala akong gana," I answered, trying to be childish infront of him. Jusko! Ganito ba talaga ang epekto ng lagnat sa akin?

He chuckled. Umupo siya sa kama na nasa gilid at hinaplos ang braso ko.

Babysitting The Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon