BIANCA
Buong byahe ay hindi kami nagpansinan ni Timothy at pabor naman sa akin iyon. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin pagkatapos niya akong iligtas, at alam ko rin na hindi niya tatanggapin ang pasasalamat ko. Maarte yon eh.
Dito na ako ngayon sa kwarto. Naglinis muna ako ng katawan pagkatapos ay humilata dahil na rin sa pagod. Maraming nangyari ngayong araw at hindi ko alam kung paano isa-isahin iyon. Muli kong naalala ang tatay ko. He sacrificed his own happiness just to us to be safe.
Ilang sandali pa ay napagpasyahan kong lumabas at tumulong para sa hapunan. Naabutan ko si Manang Luisa na naghihiwa ng mga gulay.
"Ako na po diyan Manang!" masigla kong sambit.
"Ako na iha. Hindi ka ba pagod sa lakad niyo?" sagot niya habang nasa gulay na hinihiwa ang tingin.
Umiling ako kahit hindi naman iyon makikita. "Hindi naman po. Kayang kaya pa!"
"Osiya sige ikaw na dito at magsasaing pa ako. Lapitan mo na lang ako doon kapag tapos ka na diyan."
"Opo!"
Sinimulan ko nang ipagpatuloy ang paghihiwa. Pakbet ata ang lulutuin base na rin sa nakikita kong gulay. Busy ako sa paghihiwa nang may naramdaman akong dumaan sa likod ko. Muntik pa akong mabuwal sa kinatatayuan.
"Dumadaan na nga lang, may bangga pang nalalaman," bulong ko.
"What did you say?"
Napatigil ako sa paghihiwa at hinarap siya. Halata sa mukha nito ang inis. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang hindi kinukuha ang tingin sa mga mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang halos isang talampakan na lang ang layo niya sa akin.
"P-pwede ba! Lumayo ka sa'kin!" natataranta kong sigaw habang pigil ang mga hininga. Nag-iinit na rin ang pisngi ko.
"Why should I?" painosente pa nitong sagot habang nakangisi. Sa bawat buka ng bibig niya ay halos maramdaman ko na ang hininga na dumadampi sa noo ko. He's tall for pete's sake! At sumasakit na ang batok ko sa kakatingala sa kaniya.
Dahil wala naman siyang balak umatras ay ako na lang ang gumawa. Hindi ko na lang pinansin at tinuon na lang ulit ang atensyon sa paghihiwa. Ngunit pati daliri ko ay ayaw makisama dahil sa mga tingin na alam kong nakakaasar. Hindi pa rin siya umaalis sa gilid ko. Dahil sa panic ay aksidente kong nahiwa ang daliri ko. Napapikit ako sa sobrang hapdi dahil pakiramdam ko malalim ang sugat.
I mentally cursed without looking at Timothy. Alam ko namang wala siyang pakialam kung sasabihin ko pa sa kaniya. Mabilis akong pumunta sa lababo at hinugasan ang sugat. Namutla ako dahil sa maraming dugo ang lumalabas at hindi ko alam kung kailan ito titigil. Hindi ko mahagilap si Manang Luisa, sa kaniya sana ako magpapatulong.
"Anong nangyari?" rinig kong tanong ni Timothy pero nilagpasan ko lang siya at tinungo ang kwarto para maghanap ng pwedeng igamot.
Narinig ko ang mabibigat niyang yabag papalayo. Parang may kung anong kirot akong naramdaman, hindi sa sugat ko kundi sa loob ko. Siguro umasa lang ako na kahit papano ay may pakialam siya pero sino ba naman ang niloloko ko? Bastos yon. Walang modo. Walang pakialam sa paligid niya.
Ilang beses na akong nagpalibot-libot dito sa kwarto para maghanap ng gamot pero wala akong makita. Pagod na umupo ako sa kama at tiningnan ang nagdudugo kong daliri. Tama nga ako, malalim ang hiwa. Ang tanga ko kasi.
"Let me see."
"Ay pisting uod!"
Walang imik na lumuhod ito sa paanan ko at maingat na sinuri ang sugat ko. Ngayon ko lang napansin ang dala niyang ilang gamot at pack ng band-aid. Hindi ko naiwasang mapangiti. Mali pala ako. May kaunting kabutihan pa pala siya.
"Aray!" Napakagat ako sa labi nang muli niyang idampi ang bulak na may alcohol sa sugat ko.
"This will be quick. Don't act like a child." malamig pa ring turan niya. Kung hindi galit ay malamig naman ay trato niya sa akin. Bumigat bigla ang loob ko dahil sa naisip. Kailan niya kaya ako kakausapin na kalmado at hindi galit?
I sighed deeply as my own thoughts keeps on flowing negatively through my mind. Sa kakaisip ay hindi ko namalayang tapos na pala. He immediately stoop up and gathered all the things he brought and left without saying anything.
-
SHORT UPDATE ONLY
VOTE.COMMENT.SHARE
BINABASA MO ANG
Babysitting The Spoiled Brat
RandomBianca was caught and almost got imprisoned when she tried to sell illegal drugs. But with the help of a stranger and it turned out that he's a detective, Bianca was given a chance. Ofcourse, everything now has a payment. In exchange of being safe...