Chapter 14

171 8 0
                                    


BIANCA

      Napagpasyahan naming sa malapit na coffee shop na lang kami mag-uusap ni Mr. Buenafe. Mabuti na lang at pumayag siya na lalakarin na lang namin dahil medyo hindi ako komportableng sumabay sa kaniya dala ang sasakyan.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang shop . Nag order kami at walang imikang hinintay ang inumin. Pagkalapag palang ng waiter ng kape sa mesa ay agad tumikhim si Mr. Buenafe at sumipsip muna bago sinimulang magsalita.

"Siguro ay nagtataka ka kung bakit kita gustong kausapin ngayon. Actually, I think about it for the nth time and decided to talk with you already."

Ako naman ay hindi naiwasang sumipsip din sa sariling kape dahil sa kaba. Hindi ko din alam kung bakit pero parang malaki ang impact sa akin kapag nakinig ako sa kaniya. Hindi alintana ang init ay uminom ulit ako ng kaunti.

"Jasmin Leonell, she's your mother right?"

Napatuwid ako ng upo at nagpantig ang tenga ko dahil sa sinambit niya. Ngayon ko lang ulit narinig ang pangalang iyan. Simula nang namatay si nanay ay hindi ko na ito masyadong iniisip para maiwasan ang sakit na nararamdaman.

"Mr. Logan told you?" I asked with a lower voice.

Umiling siya na ikinanuot ng noo ko.

"Kilala ko na siya noon pa." maikli nitong sagot at tumingala na para bang may inaalala.

"Paano niyo po siya nakilala?"

"I'm your father's best buddy, Bianca. Siguro galit ka sa tatay mo pero hindi niya gustong iwan kayo." Tila bakas sa boses niya ang panghihinayang habang nagkukwento.

"Iniwan niya ang nanay ko kaya kami naghirap. May tatay bang kayang iwan ang sariling pamilya? Ha?" Hindi ko na napogilan pang ilabas ang matagal ko nang kinikimkim.

Unti-unti na ring namuo ang luha sa mga mata ko.

"He never felt happy again when he left your home. Araw-araw ay umiiyak siya dahil sa sakit na nararamdaman."

"Pero bakit siya umalis? Bakit?" paos kong tanong habang nangingilid ang mga luha.

"Dahil iyon ang kailangan, Bianca. Hindi niya kayang ilagay ang mga buhay niyo sa panganib dahil sa kaniya. He's been chased  for a long time. Dahil sa trabaho niya ay nalagay sa panganib ang buhay niya."

Akala ko..akala ko iniwan niya kami para takasan ang responsibilidad. Ngunit bakit hindi iyon sinabi sa akin ni nanay? Bakit niya tinago sa akin at hayaan akong magalit sa tatay namin?

-
SHORT UPDATE ONLY

VOTE.COMMENT.SHARE.

Babysitting The Spoiled BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon