BIANCAAfter akong i-release ni Mr. Aldama, dumiretso agad ako sa hospital to visit my Jason. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kalamnan ko sa sobrang kaba at takot na baka mabulok ako sa bilangguan. At kapag mangyayari iyon, hindi ko na alam pa kung paano na ang kapatid ko. Thanks to Mr. Aldama, he saved me from living behind the bars.
Dumaan lang ako saglit sa kwarto ng kapatid ko. He's still sleeping peacefully. I can clearly hear his heartbeat through the monitor beside him. Mabagal ito. Hindi normal. He really needs to have a operation as soon as possible.
After I checked Jason's situation, tinungo ko kaagad ang opisina ng doctor. Kumatok muna ako ng ilang beses bago iyon buksan. Made of thick glass ang pinto kaya kita ko mula sa labas ang tao sa loob.
"Good morning, Ms. Leonell. Have a seat," he said and point the chair infront of his table. Agad maman akong umupo at hinawakan ng mahigpit ang isang white long envelope na kanina pa nakatago sa maliit kong shoulder bag.
Dahan-dahan kong pinatong iyon sa harap ni Doctor Chavez.
"I want you to save my brother's life, Doc. Please do everything. Gawin niyo po ang lahat para makapiling ko muli ang kapatid ko. Siya na lang ang natirang pamilya ko. Hindi pa ako handang iwan niya ako, Doc," I said between my sobs.
"We'll do our best, Ms. Leonell. Pray and ask for guidance to Him. I hope your brother can make it until the end."
Tumango na lamang ako dahil hindi ko na kaya pang magsalita. Punong-puno na ng luha ng mukha ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng panghihina dulot ng mga nangyayari nitong nakaraang araw.
"Here's the payment po. Kayo na po ang bahala sa kapatid ko and if ever na magising na siya, sana naman, tawagan niyo po ako. I have a lot things to do po sa trabaho. Maraming salamat Doc."
Pagkatapos niyon ay umalis na ako at bumalik sa maliit naming apartment. Kailangan ko nang mag-impake dahil bukas na magsisimula ang trabaho ko. Kahit mabigat man sa loob na iwan ang kapatid ko ay wala akong magagawa.
Mr. Aldama told me earlier to just wait infront of our apartment. May susundo daw sa akin na kotse at exactly 3pm kaya 2:30 pa lang ay dito na ako sa labas para maghintay. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa sinabi niya kanina. Hindi ata kami nagkaintindihan sa part na kung sino ang babantayan ko. Maybe I just heard it wrong kaya iba ang tumatak sa isip ko.
Ilang sandali ng paghihintay ay dumating na din sa wakas ang isang itim na Van. Tumango at ngumiti ako kay Kuyang Driver na agad niya namang sinuklian ng tango. Binuksan ko ang ikalawang car door at dali-daling pinasok ang mga gamit ko. Umupo ako sa tabi ng pinto habang ang bagahe ko ay nasa likod ng inuupuan ko.
"Tawagin mo na lang akong kuya Raiven iha," pagpupukaw ng atensyon na saad ni kuyang driver. Tumango ako.
"Bianca po!" masigla kong sagot at itinuon na ang atensyon sa labas. Unti-unting nawala sa paningin ko ang apartment namin. Sumiklab ulit sa puso ko ang lungkot dahil ilang taon rin akong kumayod para lang hindi kami mapaalis doon. Marami kaming memories nila nanay at Jason doon kaya mahirap umalis, ang bigat sa loob.
Nanatiling nasa labas ang atensyon ko. Hindi pamilyar ang bawat bahay na dinadaanan, mga malalaking building at iilang mini park. Hindi rin masyadong marami ang tao dahil siguro working hours pa at masakit pa ang tama ng araw sa balat.
"Iha ikaw ba ay sigurado na makakaya mong magtrabaho doon?" Bakas sa mukha ni kuya Raiven ang alala habang nakatingin sa front view mirror ng sasakyan.
"Opo! Kailangan din kasing kumayod para sa kapatid ko. Ooperahan po siya sa puso kaya ito lang po ang may malaking offer na trabaho na pwede sa akin."
"Ilang kasambay na kasi ang umalis sa hindi malamang dahilan iha. Pero ayon sa mga narinig ko eh salbahi daw ang babantayan mo."
"Naku po! Gano'n talaga ang mga bata kuya kailangan mong pahabain ang pasensya mo para makatagal ka." sagot ko sabay tawa ng mahina.
Nakita ko pa ang pag-alinlangan ni Kuya sa pagsalita ngunit hindi niya rin itinuloy ang sasabihin. Nagkibitbalikat na lamang ako.
-
SHORT UPDATE ONLY.
VOTE.COMMENT.SHARE.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Spoiled Brat
De TodoBianca was caught and almost got imprisoned when she tried to sell illegal drugs. But with the help of a stranger and it turned out that he's a detective, Bianca was given a chance. Ofcourse, everything now has a payment. In exchange of being safe...