BIANCAFew days had passed. Luckily, hindi ko na nakasalamuha pa si Sir Kai after our first met and I'm thankful for that. Tumulong lang ako sa gawaing bahay dahil sayang naman ang pinapasweldo nila sa akin kung tutunganga lang ako maghapon. Hindi ko nga alam kung bakit wala dito ang binabantayan ko pero sabi ni Manang Luisa--isa pang kasambahay, palagi daw siyang wala kaya nasanay na daw sila lalo na si Sir Logan.
Past 10 in the morning na kaya tinungo ko na ang kusina upang magluto. I insisted to do the cooking every lunch dahil wala naman akong magawa. Akala ko nga, magiging matrabaho ang gagawin ko dito which is I was wrong. Hindi ko naman inakala na isang damulag pala ang babantayan ko.
Naputol ang paghihiwa ko ng mga rekados nang may bumangga sa balikat ko. Muntik ko nang mahiwa ang daliri ko, buti at naiwas ko iyon.
"Clean my room," said by the cold voice behind my ears. Nanindig naman ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa pagtama ng hininga niya sa balat ko.
Tumango na lang ako at hindi na nag-atubiling humarap pa sa kaniya. Dumiretso ako kay Manang Joan para pakiusapan na siya na muna ang magluluto. May epal kasi. I mentally cursed and rolled my eyes.
"Sige iha, sundin mo na lang si Sir Kai at baka magalit na naman. Maiksi pa naman ang pasensya no'n."
"Okay po Manang!"
Kinuha ko muna ang mga gamit na panglinis at hinakot papuntang 2nd floor. May push cart naman pero nahihirapan ako sa hagdan kaya inisa-isa ko na lang.
Habang naglilinis ako ng cabinet ay may pumukaw ng atensyon ko. A small picture frame. May larawan ng dalawang batang lalaki at mukhang si Sir Kai ang isa dahil na rin sa maliit na nunal sa gilid ng mata. Pero sino kaya ang isang 'to? Is he has a younger brother?
Hindi ko na napigilan ang kamay ko na damputin ito at haplusin. As if I'm being hypnotized by the picture. Eh hindi ko nga sila masyadong kilala.
"Who told you to touch my things without my permission?" Isang nakakabinging sigaw ang nagpagulat sa akin dahilan upang mabitawan ko ang picture frame. Diretso ang bagsak nito sa sementadong sahig at nabasag.
Dali-dali kong pinulot at dahil na rin sa kaba at panginginig ng kamay ay natusok ako ng piraso ng salamin.
"Aray! Sorry po Sir..sorry po talaga hindi na mauulit.." paulit-ulit na sabi ko habang patuloy pa rin na dinadampot ang mga piraso kahit ilang beses n akong natusok. Dumudugo na rin ang halos lahat ng daliri ko pero hindi ko iyon pinansin. Kasalanan ko naman eh.
"Get out! Now! I don't want to see your fxcking face anymore!"
Nagsimulang lumabo ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa mga mata ko. Yakap-yakap ang basag na picture frame ay pinuntahan ko si Manang Luisa upang humingi ng tulong.
Gulat niya akong niyakap pagkatapos niyang marinig ang kwento ko. I know it's my fault. Pero ang sakit niya magsalita.
"Tanan na Bianc, balang araw masasanay ka rin sa ugali ng batang iyon. Tahan na. Shhh" pagpapatahan sa akin ni Manang habang nakayakap pa rin.
"Alam ko naman po na importante ang nabasag ko kaya po ako humingi ng pasensya. Hindi ko naman po sinasadya."
"Now you're playing victim here."
Agad akong napabitaw mula sa yakap nang marinig ko muli ang malamig na tinig nito. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at doon ko nakita ang mata niyang galit. He's clenching his jaw while breathing heavily.
"Bakit ka pa nandito? I already told you. You're a messed. You're useless. Wala kang kwenta. Umalis ka na dito. I'm not giving any shit to a girl like you," dagdag niya pa at agad umalis.
Binalik ko ang tingin kay Manang Luisa at makikita ko ang awa sa mga mata niya. Niyakap ko ulit siya ng mahigpit bago tinungo ang kwarto ko. Tama siya. Wala akong kwenta. Wala akong silbi sa bahay na'to. Babantayan ko na lang ang kapatid ko hanggang sa gumaling siya. Babayaran ko na lang si Mr. Logan kapag nakahanap na ulit ko ng trabaho.
Aalis na lang ako.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Spoiled Brat
RandomBianca was caught and almost got imprisoned when she tried to sell illegal drugs. But with the help of a stranger and it turned out that he's a detective, Bianca was given a chance. Ofcourse, everything now has a payment. In exchange of being safe...