Vice's POV
Papunta ako ngayon sa interview with tito boy. Birthday special kasi nito at naimbitahan ako. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ng may biglang kumatok.
"5 minutes nalang po start na Maam Vice." Sabi ng isang staff, ngumiti at tumango naman ako at sinarado na niya ang pinto. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ko ng dressing room at pumunta sa set ng TWBA. Nag-usap muna kami ni tito boy habang inaayusan siya ng team niya at binabasa ang script. Maya-maya pa ay bigla ng nasimula ang taping.
Nag-usap lang kami tungkol sa mga bagay-bagay. About sa buhay namin, kung ano ng nangyayari samin sa araw-araw. Habang nag-uusap kami, biglang napag-usap ang love life ko.
"Diretsahang tanong, Vice. Sino si Calvin Abueva sa buhay mo?" Nakangising tanong niya sakin. Natawa naman ako hindi ko alam ang sasagot ko sakanya. I'm speechless. "Hahaha, i knew it matataong at matatanong 'to sakin." Natatawa kong sagot. "Seriously tito boy, hindi ko po jowa si Calvin Abueva. Calvin is one of my closest friend right now. Mabait na tao si Calvin." Nakangiti kong sabi. "Does he make you happy?" Tanong niya uli. "Calvin makes me happy tito boy. He makes me smile, he makes me laugh. I feel safe tuwing kasama ko siya. Maganda 'yung interaction naming dalawa and ok kami dun. Hindi siya natatakot na may marinig siyang masasakit na salita tuwing magkasama kami. Kasi diba 'yung iba, makita lang na kasama ako ayaw na nila, natatakot sila. Pero siya, iba siya eh, wala siyang takot na harapin 'yung mga tao and proud siya na isa ako sa mga kaibigan niya." Napangiti naman su tito boy sa sagot ko, kahit ako rin naman.
Nagpatuloy ang interview namin sa isa't-isa. Mga alas dose na ng madaling araw natapos ang taping kaya naman super pagod na pagod ang katawan ko. After showtime kasi taping na nb twba kaya wala akong pahinga. Dumeretso ako ng dressing room at nagpalit muna ng damit. Nakauwi na ang mga bakla kaya ako nalang mag-isa sa loob. Paalis na sana 'ko ng biglang tumawag si Calvin, agad ko naman itong sinagot at umupo muli sa upuan.
:U-uy Cal bakit ka napatawag?
C: Hi Vice! Are you free tonight? The palace sana tayo.
:Y-yeah sure! Sige ba, wala rin naman akong gagawin sa bahay.
C: ok, see you there. I'll wait for you. Bye.
: bye see you.Pagkababa ko ng tawag ay lumabas na ko ng building at nag drive papuntang the palace. Ano kayang ganap nito at bigla-bigla nalang nag-aaya? E halos kakabar lang namin nung nakaraang gabi. Nag drive ako papunta the palace, buti nalang hindi traffic kaya mabilis lang ako nakarating. Pagkapasok ko sa bar sobrang daming tao. Tinext ko naman si Calvin kung saan banda siya naka-pwesto dahil 'di ko siya makita. Maya-maya pa may nakita akong kumakaway sa hindi kalayuan, agad kong nilagay ang cellphone ko sa bag at pinuntahan si Calvin sa pwesto niya.
"Uy Calvin!" Bati ko at nakipag beso. Umupo ako sa harap niya at inalok naman niya ko ng inumin. "Kamusta? Ilang araw tayong 'di nag-kita ah! Ikaw ah, nagtatampo 'ko sa'yo. 'Di ako nainvite sa pa-birthday party mo nung nakaraan." Medyo nagpapaawang sabi nito habang naka sibi. Natawa naman kami parehas. "Sira! Pa surprise party lang 'yun. Wala naman akong balak gumimik nung birthday ko." Sagot ko, nakita ko naman siyang tumango at lumagok ng tequila. "Ano nga pala sasabihin mo at bigla-bigla ka nalang nag-aayang mag bar?" Tanong ko sakanya at ininom ang cuervo.
"Eto na nga. Nagkabalikan na kami ng asawa ko! Wooohoohh!!" Masayang sabi nito habang taas taas ang beer nahawak, napatulala naman ako at ngumiti ng mapait. "Uy! Ok ka lang?" Tanong nito sakin habang hawak-hawak ang balikat ko. "O-oo naman noh! Akala k-ko kasi hindi mo na siya babalikan. Kasi sabi mo sakin nung nakaraan 'di mo na siya mahal diba." Sabi ko habang natingin sa mga mata niya. Lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko. "Nagka-usap kami nung nakaraan ng maayos. Inayos namin lahat ng kalmado kami. Nung nakaraan kasi na nag-usap kami sobrang gulo, hindi kami magka-intindihan. Kaya eto, nung nagkaroon kami ng chance para mag-usap kami, inayos na namin lahat. Para samin, para sa mga bata." Kwento niya.
'Di ko alam ang magiging reakyon ko. Gusto ko siyang sigawan, gusto ko siyang sampalin pero ang kapal naman ng mukha ko. Pakiramdam ko nagamit na naman ako. Sa ilang buwan naming nag-kausap at nag-kasama, kaibigan lang ba talaga ang naging turing niya sakin? Isa lang ba 'ko sa naging takbuhan niya nung mga panahong nasasaktan siya? Saming dalawa, ako lang ba nag-mahal?
"C-congrats! Masaya 'ko para sa'yo. 'Yun naman talaga gusto mo nung una palang eh, 'yung mag-kaayos kayo." Sabi ko sakanya, nakita ko naman siyang napangiti, niyakap niya 'ko, yumakap naman ako pabalik at ngumiti. Kumalas ako sa yakap dahil baka may makakita pa samin, maissue pa kami. "Ah una na 'ko Vice, baka hinahanap narin ako ng Misis ko. 'Yun lang naman gusto kong sabihin kasi isa ka sa mga naging crying shoulder ko nung mga panahong down na down ako. Salamat ah." Ouch crying shoulder lang pala. Sakit mo. "Ano kaba! Wala 'yun noh. Basta pag kailangan mo 'ko nandito lang ako." Nakangiti kong sabi. Tumayo siya at nagpaalam na aalis na.
@vicegandako;
I'm not a back up plan, and definitely not a second choice.Pagka-alis niya bumili ako ng madaming alak. Gusto kong magpaka lasing. Masyado akong nasaktan sa nga nalaman ko. Hindi niya 'ko gusto, hindi niya rin mahal. Pero bakit nagpapakita siya ng motibo na gusto niya rin ako? 'Yung mga hawak, yakap, haplos ano 'yun wala lang 'yun sakanya? 'Yung mga titig niya sakin, hawak sa mukha at pag-dala ng mga pagkain, pakitang tao lang ba 'yun? Isa ba 'yung gawain ng kaibigan?
@vicegandako;
Masyado ba 'kong nagpa-uto?Nilasing ko ang sarili ko, bahala na kung anong oras ako maka-uwi ko kung makaka-uwi pa ba 'ko. Rinig ko ang mga ring at notifications sa cellphone ko pero 'di ko 'to pinansin. Gusto kong malunod sa alak, gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pumunta ako sa lugar na madaming tao at naki-party. May isang grupo ng lalaki ang humila sa braso ko at dinala 'ko sa pwesto nila. 'Di ko 'to pinansin at nakipag-inuman sakanila. Maya-maya pa pakiramdam ko matutumba 'ko sa kinakatayuan ko. Ganon naba kalakas tama ng alak sakin eh nakaka dalawang bote palang ako. Bigla nalang akong nahimatay at buti nalang may nakasapo sakin, hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan na 'ko nawalan ng malay.
-----
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko, agad akong tumingin sa orasan at nakita kong ala una na ng umaga. Napahawak ako sa sentido ko at nilibot ang paningin sa kwarto. Shit hindi ko 'to kwarto. Agad akong napatingin sa damit ko, hindi 'toh ang suot ko kagabi. Agad akong tumayos at lumabas ng kwarto, pagkabukas ko ng pinto ay agad kong nakita ang pigura ng isang lalaking papunta sa kwarto, napatulala naman ako. Gwapo siya, slight. Ngumit ito at lumapit sakin.
"Goodmorning kahit afternoon na. Kamusta pakiramdam mo? Masakit parin ba ulo mo? Eto nag-dala 'ko ng soup saka pagkain mo. Baka gutom kana eh." Sabi nito at ngumiti. Pucha beh ang hot niya!! "A-ah ok lang naman, medyo nahihilo lang. Teka nga matanong lang, sino ka? Saka asan ako?" Tanong ko dito, ngumiti lang siya sakin at pumasok sa kwarto. Nilapag niya ang pagkain sa gilid ng kama at umupo. Tumingin siya sakin at ngumiti uli. Ano ba yan! Makalaglag panty ngiti mo kuyah ah!
----
Itutuloy..
HI! Hope u guys like it! Bigay nyo na mga toughts nyo abt this para mabasa ko, lovelots!😄🤍
YOU ARE READING
Somewhere Only we Know | a viceion story
FanfictionSo why don't we go? Somewhere only we know.