Vice's POV
Mabilis ko lang natahak ang daan, hindi naman ganong ka-traffic. Ginilid ko ang sasakyan at bumaba. Wala s'ya dito. Bigla naman ako nakaramdam ng lungkot.
"Naging takbuhan ko 'to nung mga panahong may problema ako. Tapos nung nagbinata ako, may nakilala din akong ka-edad ko. After school, kapag may problema siya dito ko siya dinadala. Sabay kaming sumisigaw."
Nag-lakad ako papunta sa gilid ng kalsada at inakap ang sarili. Napapikit ako sa hanging dumadapo sa katawan ko at pinipigilan ang luha. Ayokong umiyak. Pakiramdam ko nga wala ng tutulong likido sa mata ko kakaiyak. Nilibot ko muli ang paningin ko. Nalungkot lalo ako nung nakita ko ang puno.
"Matagal ko na 'tong alam. Madalas kami ng kaibigan ko dito dati. Yung punong nakikita mo na 'yan, diyan kami laging tumatambay. Tapos nag-haharutan kami. Nakakamiss nga eh."
Napangiti ako ng bahagya ng maalala ko 'yung sinabi n'ya sakin. Hindi ko aakalain na s'ya pala ang kalaro ko noon. Matagal-tagal nadin kasi noong huli kami nag-kita. Kaya nagulat ako nung malaman kong ako pala 'yung tinutukoy n'ya sa storyang kwinento n'ya.
Hindi ko na nakayanan, tumulo nalang ng kusa ang luha ko tuwing inaalala ang masasaya araw namin ni Ben. Pano kung 'di ako umamin? Pano kung sinunod ko nalang ang gusto n'yang tanggihan 'yung tanong? Siguro ok pa kami hanggang ngayon. Edi sama hindi magulo ang lahat.
"AHHHHHH!!!" Sigaw konsa hangin habang patuloy parin ang pag-bagsak ng ulan.
"Tanginang buhay 'to! Kelan ba 'to magiging perpekto!" Gusto kong ilabas lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko. Wala na 'kong pake kung umuwi ako na walang boses.
Napa-upo nalang ako at napatakip sa mukha. Nanghihina na ang katawan ko sa sobrang pagod.
"Gusto ko lang naman maging malaya." Bulong ko habang patuloy parin sa pag-iyak. Sobrang sakit. Ramdam na ramdam ko 'yung sakit. Napa-hawak nalang ako sa dibdib ko.
Bigla naman akong nakarinig ng malakas na kulog. Napahawak ako sa tenga at napapikit. Mukhang dinadamayan ako ng panahon ha. Pero ok lang, mag-sstay ako dito. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikita si Ben o nakakausap. Napa-upo nalang ako habang sinasabayan ng luha ko ang pagbagsak ng ulan.
Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko, feel ko mahihimatay ako sa sobrang lamig at hindi pag-hinga ng maayos. Napapapikit na ang mata ko sa sobrang panghihina pero nilalabanan ko parin 'to.
Mapapagod pero hindi susuko.
Hindi na talaga kaya ng katawan ko, bigla nalang akong bumagsak sa sahig. Bago pa 'ko tuluyang makatulog, nakaramdam ako na parang may bumuhat sakin. Dinilat ko ang mata ko at nakita ko s'ya.
"Ben.." nanghihina kong sabi. Napangiti naman ako.
"Buti dumating ka. Iniintay kita." Nakangiti kong saad. Hindi parin s'ya umalis sa pwesto at nanatiling nakatingin sa mata ko.
"Anong ginagawa mo dito? Umuulan bakit hindi ka pa umuwi?" Tanong n'ya.
"Iniintay kita. Gusto kitang makita, mayakap. Gusto kong humingi ng sorry sa'yo kasi binibigyan kita ng rason para sukuan mo 'ko." Sagot ko habang umiiyak.
"Hindi kita susukuan. Napagod lang ako." Saad n'ya. Bumaba ako sa pagkakabuhat n'ya sakin at tinignan uli s'ya.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito." Tanong ko.
"Pinuntahan kita sa bahay mo, wala ka. Buti nalang pumasok sa isip ko 'tong lugar na 'to kaya pumunta kagad ako. Naabutan kitang muntik ng mahimatay. Bakit ka ba nag-papaaulan?" Tanong n'ya pabalik.
YOU ARE READING
Somewhere Only we Know | a viceion story
FanfictionSo why don't we go? Somewhere only we know.