(See multimedia for vice's outfit, just imagine her hair is curly and long and her make-up is glowy :>)
Vice's POV
It's already 6:45 ng matapos akong mag-ayos. I texted Ben that i'm already done. I gave him my address kasi sabi niya siya na daw ang susundo sakin. Before i left my room, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. It's beautiful. Ang ganda ng quality ng damit. The slit is kinda not obvious dahil natatakpan ito ng tela pero kapag maglalakad ka, kitang-kita ito. Inayos ko ang buhok ko at lumabas na ng kwarto. Bumaba ako at naabutan ko naman ang mga bakla na nakatambay sa sala.
"Wow meme saan ang lakad mo?!" Tanong ni Orli. Nginitian ko naman sila ng malandi at nag pose pa.
"I have a date." Sagot ko at lumapit sakanila.
"Ang ganda ng damit, bagay na bagay sa'yo meme!" Sabi naman ni Naty. Nag-wink naman ako.
"Of course! Dapat maganda ako noh, ang gwapo ng ka-date ko bakla!" Tili ko, napahiyaw naman sila.
"Omg teh pupunta ba siya dito?" Tanong uli ni Naty. Nakangiti naman akong tumango. Napahiyaw na naman sila. Ang ingay ng mga bakla.
"I can't wait to see him!" Singit naman ni Kitty. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Napatawa naman sila.
"Akin na 'yun Kitty! Ang landi mo!" Sabi ko at sinabunutan siya. Natawa nalang kami.
"Sayong sayo na me!" Sabi niya ng bitawan ko ang buhok niya. Maya-maya pa, pumasok si Mang Jun sa loob ng bahay habang nag-uusap kami ng mga bakla.
"Maam may bisita ho kayo nasa labas na. Pinapasok ko na po, close daw kayo eh." Sabi ni Mang Jun. Napangiti naman ako at tumayo.
"Mauna na 'ko, nandyan na 'yung date ko." Malandi kong sabi at naglakad. Narinig ko naman silang nagtawanan. Pinagbuksan ako ni Mang Jun ng pinto at tsaka dumiretso sa tambayan nila ng mga bodyguards ko.
Saktong paglabas ko at nakita ko nadin si Ben na lumabas ng kotse at tinanggal ang shades. Oh my god, he's so hot. He's wearing black pants, his black polo is kinda open sa first hanggang third button, and a black suit. Ngumiti ako sakanya, ganon din siya at lumapit sakin.
Ben's POV
Pagbaba ko ng kotse, nakita ko siyang nakatayo at inaantay ako. Gosh i miss her. She's sexy. Kitang-kita ko ang kurba ng katawan niya. Her dark red lips and simple but glowy look, she's beautiful. Lumapit ako sakanya at lumapit sakanya. Bumeso ako, hinawakan naman niya ang braso ko.
"You look good." Nakangiti kong sabi, napangiti din siya.
"You too, so handsome." Kagat labi niyang sabi at napayuko. Oh god. Pinagbuksan ko siya ng pinto at inalalayan siyang pumasok. Inayos ko ang suot ko at pumasok sa loob ng kotse. Nakita ko naman na may lalaking nagbukas ng gate ng magsimula akong mag drive.
Sinulyapan ko siya at nakita kong inaayos niya ang sarili niya.
"Uncomfortable ba 'yung damit?" Tanong ko habang iniikot ang manubela. Napatingin naman siya sakin.
"No! Ahm baka kasi ang panget na ng itsura ko. Nakakahiya naman ngayon lang uli tayo nagkita." Nahihiya niyang sagot. Napachuckle naman ako. Saglit kong hininto ang kotse ng makalabas na kami ng gate.
"You look good ok? Such a beautiful lady." Sabi ko habang naktitig sa mukha niya. I can see na namula ang face niya kaya napangisi ako at nagdrive uli.
"Bolero." Rinig kong sabi niya, napangiti naman ako.
Habang nasa biyahe, tahimik lang siya. Actually kaming dalawa. Walang kumikibo samin. Anu bayan hindi naman ganito ineexpect ko. Akala ko magiging maingay ako kasi namiss ko siyang makita, tapos hindi pala hays. Panakanaka akong tumitingin sakanya, nahuhuli kong ganon din siya. Ang akward. Pero dahil makapal mukha ko, kinausap ko siya.
YOU ARE READING
Somewhere Only we Know | a viceion story
Hayran KurguSo why don't we go? Somewhere only we know.