Kararating lang ng mga pulis sa lugar, may mga sundalo din silang kasama. Madami-dami sila, mukhang kakayanin namang patumbahin ang mga tauhan ni Calvin. Bumaba silang lahat sa kotse at nagsimula ng magpaputok. Ganon din ang ginawa ng mga tauhan ni Calvin. Nagkalat ang mga sundalo sa lugar. Ang iba ay pumasok na sa loob.
"Libutin n'yo ang buong lugar! Make sure to find Vice and Ben, ok?!" Sigaw ng isang sundalo. Tumango naman ang mga ito at tumakbo.
Lumabas sila, Kim, Vhong, Teddy, Jugs, Ogie, Buern at Nati sa loob ng kotse. Agad naman silang binawal ng mga pulis.
"Maam sir kung hanggat maari sa loob muna tayo. Delakado sa labas baka matamaan pa ho kayo ng bala." Sabi ng pulis habang pinoprotektahan ang mga ito.
"Nasa loob 'yung kaibigan namin! Kailangan namin silang iligtas!" Sigaw ni Vhong.
"Kami na ho bahala sakanila. Ilalabas namin sila ng ligtas!" Sigaw ng pulis.
"Kaya namin silang labanan, hello nag baril barilan kaya kami nung bata! Hanggang nagyon comatose parin 'yung nabaril ko!" Sigaw ni Nati.
"Sige na kuya, kaya nga kami nandito para tulungan kayong iligtas sila." Sabi ni Kim. Umiling naman ang pulis.
"Walang mangyayari kung wala kaming gagawin! Tara na hanapin na natin sila!" Sigaw ni Teddy at sabay-sabay silang umalis. Wala ng nagawa ang mga pulis kungdi ang hayaan sila at protektahan para makapasok.
Buti nilang at walang tauhan ni Calvin ang nakakita sakanila. Dahil halos naman lahat dito ay may tama na. Nang mapansin nilang wala ng gaanong pumutok, agad silang tumakbo kasama ang mga pulis.
"Maghiwa-hiwalay tayo. Magsama na kayo ng pulis para ligtas. Malaki ang lugar na 'to, hindi natin alam kung nasaan sila. Kim, Teddy, Ogie Buern dito kayo sa kanan. Nati, Jugs sama kayo sakin dito tayo sa kaliwa." Sabi ni Vhong. Tumango ito at nagsimula nang libutin ang lugar kasama ang mga pulis.
May dala din silang mga armas, baril, pepper spray, bat, blades, knuckle strikers, at flashlight na may kuryente. Nilibot nila Vhong ang paligid. Nagmamasid sila sa lugar kasama ang mga pulis. Nakahanda ang mga hawak nilang weapons para kung sakali mang may sumulpot na kalaban at handa sila.
Umakyat sila Kim sa 2nd floor. Prinotektahan sila ni Ogie at Teddy. Ganun din ang ginawa nila, nakaready ang mga hawak nila. May biglang humawak sa likod ni Kim. Agad itong napalingon, nahalata naman ito ng kasama n'ya. Ini-sprayan n'ya ito ng pepper spray sa mata habang si Buern naman ay hinampas sa tiyan ng ilang beses ang lalaki.
"Tara na!" Sigaw ni Teddy. Tumakbo sila at iniwan ang lalaki na nakahiga.
"Sir andyan na ho 'yung mga pulis, ang dami nila! Nauubos na ho tayo!" Sigaw ng tauhan ni Calvin. Napatayo naman ito.
"Bantayan n'yo si Vice sa taas. Abangan n'yo 'yung mga taong pwedeng makaakyat at makapasok don." Utos n'ya. Tumango naman ang lalaki at umalis. Binasag ni Calvin ang baso n'ya at galit na pumamewang.
"Lintek ka talaga Ben! ARGHH!!!" Sigaw ni Calvin. Kinuha n'ya ang telepono n'ya at tinawagan si Ces.
"Magdala ka pa ng mga tauhan dito, damihan mo! Lintek may mga pulis na pinatawag si Ben!" Binaba n'ya kagad ang tawag at galit na ibinaba ang telepono sa lamesa.
Vice's POV
Nakatali ako ngayon sa poste habang naka-upo. Kahit ang mga bibig ko ay naka takip. Kitang-kita ko sa Ben na nasa harapan ko pero malayo. Ganon din ang ginawa sakanya. Duguan ito, lalo na ang bibig n'ya. Wala s'yang malay. Hindi ako makasigaw dahil sa sakit na nararamdama ko at ng katawan ko. Sinusubukan kong kumawala sa pagkakatali kanina pa pero ayaw matanggal ng pagkakagapos ko dito. Iyak lang ako ng iyak.
YOU ARE READING
Somewhere Only we Know | a viceion story
Fiksi PenggemarSo why don't we go? Somewhere only we know.