TW: PHYSICAL ABUSE⚠️
Third Person's POV
"Abangan daw si Ben sa labas. Tawagin mo sila Jason, dalhan narin kamo 'yung iba nating kasamahan ng baril." Utos ng isang lalaki. Tumango naman ito at sinunod ang utos.
Madami ang kalalakihang naka-bantay sa labas. Mga armadong lalaki. Bawat sulok nito ay may naka-bantay. Sinisuguro talaga nilang walang kahit sino man ang pumasok dito.
"Alam mo, kung ako 'yang si Ben 'di na 'ko uuwi ng Pinas." Sabi ng lalaki at ininom ang alak na nasa bote.
"Pano mo naman nalaman na nakauwi si Ben dito sa Pinas?" Tanong ng lalaki.
"Eh diba sabi ni boss nung nakaraan wala na si Ben dito? Tanga ka pala eh!" Sabi n'ya at uminom uli.
"Tangina mo, lagot ka kay boss pag nakita kang umiinom ng alak. Umagang-umaga." Suway nito at hinagis ang bote.
"Tarantado ka talaga. Tara na nga! Abangan na natin 'yung lalaking 'yun." Sabi n'ya at umalis.
Ben's POV
"Kuya dito nalang. Intayin mo 'yung mga pulis." Sabi ko sa driver at bumaba. Hindi ako nagpa-deretso sa mismong harap ng bahay. Iniisip ko baka may mga tauhan s'ya sa labas na naka-bantay. Mahina ang kalaban.
Humanap ako ng paraan para hindi mapansin. Tama nga ako, madaming nakakalat na mga kalalakihan sa paligid. May mga baril ding hawak. Dinahan-dahan ko ang paglalakad ko. Madali lang 'to, tutal butas-butas naman ang lugar. Madali lang akong makakapasok dito. Naglakad ako at hindi gumagawa ng ingay, nakamasid lang ako sa mga tao sa labas. Kumikirot na ang likod ko pero iindahin ko, para sa kaligtasan ng mahal ko.
Isang hakbang nalang sana tuluyan na 'kong makakapasok sa loob ng may naapakan akong bote. Tangina naman. Malakas ang tunog nito, mukhang bagong tapon pa nga eh kasi may laman pa. Agad akong napatingin sa mga lalaki. Hinahanap nila kung saan nanggaling ang tunog.
"Ano 'yun?" Rinig kong sabi nung iaa habang lumilinga-linga. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.
"Ayun!" Sigaw nung isa. Lintek!
Tumakbo ako nang tumakbo. Napakadami nila. Malaki ang lugar na 'to. For sure naman may matataguan ako dito na hindi nila makikita. Nagpapaputok na nang baril ang iba. Thank god hindi ako natatamaan. Ang bobo naman pala ng mga tauhan ni Calvin. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nakahanap ako ng matataguan.
"Asan na 'yun?"
"Maghiwa-hiwalay tayo! Sa kanan 'yung iba, dito kami! Sabihin n'yo nadin kay boss na nakapasok na si Ben."
"Tanga ka ba?! Edi pinagalitan tayo non!"
"Bilisan n'yo na! Kailangan mauna natin makita si Ben bago pa mahuli ni Boss!"
Rinig ko na umalis na sila. Sumilip ako at nakita kong wala ng mga lalaking natira kung nasan ako. Dahan-dahan akong umalis kung saan ako nagtago. Luminga-linga ako sa paligid. Hinahanap ko kung saan pwede nilang tinago si Vice. Sana naman nandito sa 2nd floor.
Hingal na hingal kong nilibot ang paligid. Pero wala parin akong nakita. Patuloy parin ang paglalakad ko ng may mapansin ako sa dulo. Dahan-dahan akong lumapit dito. Buti nalang walang taong nakabantay. Tuluyan na 'kong lumapit dito. Isang pinto, metal. Mahirap 'to buksan, hindi mo pwedeng hagisan lang 'to ng basta-basta.
Baka nandito si Vice.
Luminga-linga ako sa paligid. Naghahanap ng pwedeng ipangbukas sa pinto. Sana nandito s'ya. May nakita akong kumikinang na bagay. Dinampot ko 'to. Natuwa naman ako. Isang susi. Nakakatawa! Iniwan lang nila dito 'yung susi. Masyado ba silang nagpakampante na mahuhuli kagad nila 'ko? HAHAHAH!!!
YOU ARE READING
Somewhere Only we Know | a viceion story
FanfictionSo why don't we go? Somewhere only we know.