Vice's POV
Pagkatapos niyang magkwento ay saktong pagtapos rin ng pagkain ko. Grabe pala 'yung nangyari kagabi. Ganun na ba ako ka-lasenggera at 'di ko na alam ang ginagawa ko? Pero kinilig ako sa part na pinag-tanggol niya 'ko 'dun sa lalaking may balak sakin, 'di ko aakalain na may lalaki palang gagawa sakin nun. Na kaya akong ipagtanggol. Nanlambot tuloy 'yung puso ko. Napayuko naman ako at nahihiyang titigan siya, nakita kong yumuko din siya at tinignan ako.
"Bakit? Anong problema? May masakit ba sa'yo? Hindi ba masarap 'yung luto ko?" Tuloy tuloy na tanong niya, natawa naman ako. Tinitigan ko naman siya at nagtama ang aming mga mata. "W-wala nahihiya lang ako sa'yo. Pakiramdam ko naging abala ako sa'yo. Naputol 'yung kasiyahan mo." Nahihiya kong sabi, napangisi naman siya. Hot niya mamah, makalaglag panty talaga. "Ano kaba! Hindi noh, atsaka gusto lang talaga kitang protektahan. Big artist ka, mahirap na magka-issue sa panahon ngayon noh. Baka kung ano-ano pa sabihin ng mga tao sa'yo." Sambit niya, shet mga besh protective si kuya moh! Babaeng babae tuloy pakiramdam ko ngayon. Ngumiti naman ako sakanya at hinawakan ang kamay niya, tinitigan naman niya ito. "S-salamat ah. 'Di mo naman kailangang gawin 'yun noh. Napa-away ka tuloy ng dahil sakin. Ayan oh, may sugat ka pa. Asan ba 'yung medkit mo? Ako na gagamot bilang sukli sa ginawa mo kagabi." Sabi ko, tatayo na sana 'ko ng bigla niyang hinawakan pabalik ang mga kamay ko. Nakaramdam naman ako ng kuryente at kilig. "Ok lang, mawawala din 'yan." Nakangiti niyang sabi. Pala-ngiti si kuya, dami sigurong nagkaka-gusto sakanya.
"Masaya akong makakatulong, tsaka gagamutin lang naman natin 'yan oh. Baka maimpeksyon pa." Sabi ko at binawi ang mga kamay ko sakanya, wala na siyang nagawa at tinignan lang ako. May cabinet akong nakita sa gilid ng bintana at ng buksan ko ito ay nakita ko ang maliit na medkit. Nakangiti akong tumitig sakanya at umupo uli sa gilid. Binuksan ko ang kit at kinuha ang mga bagay na kailangan. Pagtapos ay tumingin ako muli sakanya at nakita ko namang nakatitig din siya sakin. Dahan-dahan kong dinampi ang isa kong kamay sa mukha niya at sinimulang gamutin. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto, tanging tunog lamang ng aircon ang naririnig. Sa 'di sinasadyang pangyayari, medyo nadiinan ko ang isang parte ng mukha niya. "Ouch" sabi niya at hinawakan ang sugat sa mukha, napapikit naman siya. "S-sorry." Medyo nahihiya kong sabi.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos din ang paggagamot ko sa mukha niya. "Tapos na." Sabi ko at iniligpit ang gamit na nakakalat sa kama. Tinignan ko ito at ngumiti ng tipid. Napansin ko naman na kanina pa siya nakatitig sakin at walang kibo. "Kung ice cream lang ako baka kanina pa ko lusaw." Natatawa kong sabi, natawa naman din siya. "Inaappriciate ko lang 'yung ganda mo. Ngayon lang kita nakita sa personal, sa bar pa." Sabi niya na ikina-blush ko, pero tinago ko na kinikilig ako. Nginitian ko lang siya ganun din naman ang ginawa niya. "Ah kunin ko na 'to para maligpit na." Ngiti niyang sabi at kinuha ang pinagkainan ko, inabot ko naman sakanya ng dahan-dahan. Lalabas na sana siya ng kwarto ng magsalita ako. "A-ah Ben, 'yung damit ko pala? Uuwi na 'ko may pasok pa 'ko sa lunes." Nahihiya kong sabi. Hindi kasi ko nakapasok ngayon sabado dahil nga lasing ako at late narin ako nagising. "Hindi ka muna uuwi. Dito ka muna." Sabi niya, nagtaka naman ako. Bet mo ba 'ko?! "B-bakit naman?" Tanong ko, nakita ko naman na parang nagulat siya sa sinabi niya kanina. "A-ah 'di ko kasi dala 'yung kotse mo, kung may kotse ka mang dala kahapon tsaka 'di ko rin naman alam kung saan ka nakatira. 'Yung damit mo nasa labahan pa. Nilabhan ko kanina kasi madumi saka basang-basa." Paliwanag niya. Shet 'yung panty ko nakakahiya! "'Di mo naman kailangang labhan 'yung damit ko. Sanay naman akong umuwi na basa 'yun." Inilapag niya ang tray na naglalaman ng pinagkainan ko kanina at sumandal sa pinto.
"Ano ka ba, wala lang 'yun noh. Atsaka para maging kumportable ka rin makatulog at magising. And besides, ang init mo kahapon. Nilalagnat ka ata." Sabi niya, kinapa ko naman ang mukha at leeg ko. Medyo mainit nga ako. Nakita ko na binuksan niya ang maliit na drawer sa gilid ng pinto. "Eto gamot inumin mo. Kuha lang kita ng tubig." Sabi niya at tuluyan ng nilisan ang kwarto. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok uli siya ng kwarto at inabutan ako ng tubig. Ininom ko naman ang gamot at nagpasalamat. "Thank you uli Ben ah, nahihiya na talaga ko sa'yo." Nahihiya kong sabi, napa-smirk naman siya. Ang hot mamsh, gusto ko tuloy siyang laplapin charot! "Tsk wala 'yun! Mahilig lang talaga 'ko mag-alaga, tsaka nakakahiya kung iuuwi kita sa bahay ko tapos 'di kita pag-sisilbihan. Sikat ka pa man din." Sambit niya ay napayuko. "Pero seriously Ben, thank you. Wala pang lalaking pinag-silbihan ako noon." Nakangiti kong sabi, napaangat naman ang ulo niya at tumingin sakin, nginitian niya lang ako at tumango-tango. "Edi ang swerte ko pala kasi ako ang unang nag-alaga sa nag-iisang Vice Marie Viceral ng Pinas." Mayabanag na sabi nito habang nakahawak sa mukha niya at nag papapogi. Natawa naman ako. "Masyado namang pormal 'yung Vice Marie haha. Vice nalang." Sabi ko at nginitian siya. Maya-maya pa nakita ko na may kinuha siya sa gilid at ibinigay saakin. "Ah eto pala 'yung damit ko, gamitin mo muna. Nanghiram lang ako kay Kim ng underwear saka bra kasi wala naman ako non." Natatawa niyang sabi. Kinuha ko naman ito at inilapag sa kama. "Maligo ka muna para mahimasmasan ka. Nasa baba lang ako if you need anything." Sabi niya at ngumiti, nginitian ko naman siya. Lumabas siya muli ng kwarto at nagtungo naman ako papuntang cr, nasa loob narin naman ito ng kwarto kaya hindi na ko lumabas. Inferness malinis ang kwarto at cr niya. Mabango pa. Agad akong naligo at nilinis ang sarili ko.
Ilang oras din akong naligo para naman maging fresh ako, naglalagkit narin ang katawan ko. Iniisip ko parin ang nangyari kagabi. Pano kung wala siya don edi kung ano ng nangyari sakin ngayon. May mga lalaki padin palang ganun, na pagsasamantalahan ang isang lasing na tao. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ko ng kwarto at nag-bihis. Habang nagpapalit ng damit, hindi ko sinasadyang masagi ang vase na nasa gilid.
Ben's POV
"Ano kamusta na si Vice?" Tanong ni kim sakin habang naka loud speaker ako. "Ayun ok naman siya. Medyo mainit padin. 'Di ko muna pina-uwi ng masama pa ng pakiramdam. Baka isipin niya 'di ko siya inaalagaan." Paliwanag ko habang nilalantakan ang cashew nut. "Nako ikaw ah! Baka ikaw ang may gawin diyan kaya ayaw mong pauwiin." Sabi nito. "Gago! Hindi noh. Nilabhan ko din kasi 'yung damit niya kasi basang-basa saka madumi. Alanga namang hindi ko 'yung linisin at umuwi siyang madumi at mabaho." Sabi ko. Habang nag-uusap kami, nakarinig ako ng pagkabasag sa taas.
"Ano 'yun?" Tanong ni Kim. Napatingin naman ako sa taas. "Tatawag uli ako mamaya. Tignan ko kang kung anong nangyari." Sabi jo at pinatay ang tawag. Dali-dali akong pumunta sa taas at tinignan ang nangyari. Binuksan ko ang kwarto kung nasan si Vice. Pag bukas ko ng pinto ay agad kong nakita si Vice na naka panty lang at nililigpit ang nabasag. Napalunok naman ako, nakaramdam ako ng init sa katawan.
---
Itutuloy...
--
Charan! Hope u enjoy the story so far, lovelots later uli if kakayanin. Lovelots:>
YOU ARE READING
Somewhere Only we Know | a viceion story
FanfictionSo why don't we go? Somewhere only we know.