Vice's POV
Pagkarating ko sa bahay nila nanay ay agad kong pinarkingnang sasakyan ko sa gilid. Bago 'ko bumaba ay pinakalma ko muna ang sarili ko. Ayokong makita 'ko ng nanay ko ganito itsura ko umagang-umaga. Hindi pa nga 'ko sure kung sasabihin kong nag-away kami ni Ben at mah-reresign na 'ko sa trabaho.
Pagka-kalma ko ay bumaba na 'ko ng kotse at pumasok sa loob. Nag-doorbell nang ilang beses, ilang minuto din ang hinintay ko bago ako pag-buksan. Wala bang tao dito? Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at niluwa nito si Mang Joan, kasamabahay nila nanay.
"Bakit ang tagal mong mag-bukas ng pinto? Ang nanay nasaan?" Tanong ko at pumasok.
"Sorry po Ms. Vice nasa kusina ho kasi 'ko. Si maam po nasa Den, nanoood ng tv." Sagot n'ya. Tumango naman ako at nagtungo sa Den. Sumilip ako at nakita ko si nanay na tumatawa sa pinapanood n'ya.
"Hi nay!" Masaya kong sabi at pinuntahan s'ya. Nag-bless ako at tumabi sakanya.
"Anak ko! Anong ginagawa ko dito? Bakit 'di mo sinabi sa nanay na pupunta ka pala edi sana nakapag-luto ako ng dinakdakan." Natawa naman ako sa sinabi n'ya.
"Nako na 'wag na ho, busog naman po ako. Tsaka binisita lang kita, namiss ko yakap mo eh." Sweet kong sabi. Napangiti naman s'ya at niyakap ako.
"Nako ang bunso ko! Namiss din kita 'nak! 'Wag kang mag-alala ok na ok ako dito. Ikaw kamusta ka na?" Tanong n'ya.
"Nay, may gusto ho sana akong sabihin." Nahihiya kong sabi.
"Ano 'yun?" Tanong n'ya habang hinahaplos ang buhok ko.
"Magre-resign na ho ako sa trabaho." Saad ko. Nagulat s'ya sa sinabi ko at mas tumabi pa sakin.
"Bakit anak? May problema ba?" Umiling naman ako.
"Wala naman ho nay. Sapat nadin po siguro 'yung halos dekada kong pagiging artista. Gusto ko na ho mamuhay ng normal, ng payapa. Magulo na po kasi sa showbiz." Sabi ko.
"Alam ba 'to ni Ben?" Umiling uli ako at napayuko.
"Sa totoo lang po 'yun din po 'yung gusto n'ya para samin. Mamuhay ng normal katulad ng ibang tao. Gulong-gulo na ho kasi kami nay simula nung umamin ako. Nagkanda leche-leche na ang lahat." Sabi ko at pinipilit ang luha na bumagsak. Hinarap ni nanay ang mukha ko sakanya at hinaplos ang pisnge. Hinawakan ko naman ang kamay n'ya.
"Nasan s'ya? Bakit 'di mo s'ya sinama? Diba sabi ko sa'yo kapag pupunta ka dito isama mo s'ya? Gusto ko uli s'yang makita, 'nak." Nakangiti n'yang sabi. Napatawa naman ako. Simula nung umamin ako, at nalaman n'yang kababata ko ang nakatuluyan ko ay araw-araw na n'yang hinahanap sakin si Ben. Hindi nga lang namin mapag-bigyan dahil busy kami ni Ben pareho.
"Tungkol po kay Ben, nay. Nanghingi po s'ya ng space. Kaya nga ho nandito ako kaso gusto ko maramdaman ang yakap mo." Sabi ko. Hindi ko napigilang umiyak. Niyakap ako ni nanay at hinagod ang likod ko.
"Anong nangyari? Sabihin mo makikinig ako." Sabi n'ya. Hinawakan ko ang braso n'yang naka-akap sakin.
"Binebenta ho n'ya 'yung ibang lupa ng negosyo n'ya. Ayoko hong gawin n'ya 'yun. Gusto na po kasi n'yang mag-pagawa kami ng bahay sa malayong lugar. Malayo sa gulo." Sagot ko. Hinahagod padin n'ya ang likod ko at pinapatahan ako.
"Hindi ba't masyado kayong mabilis, anak? Ilang araw palang kayo. Wala pa nga ata kayong isang buwan, bahay agad?" Saad n'ya.
"Yun nga po nay eh. Masyado ho akong nabibilisan. Sa totoo lang, wala hong araw na dumating ma hindi kami nag-aaway dahil d'yan. Napapagod nadin daw ho s'ya sakin." Tumingin ako sakanya.
YOU ARE READING
Somewhere Only we Know | a viceion story
FanfictionSo why don't we go? Somewhere only we know.