1

66 2 0
                                    

"ARE YOU done with your projects, Callie?"

Napabuga ako ng hininga habang nilalaro ang ballpen sa daliri ko. This day is tiring. Pangalawang linggo pa lang ng klase pero ang dami ng projects ang kailangang I-submit. Hays! Buhay college. It's very stressful.

"Hindi ko pa tapos 'yong plates ko. I need a little time to finish that." Napairap ako at napakamot sa ulo. Paano ko nga ba matatapos 'yon kung wala pa akong nauumpisahan. Next week na ang deadline no'n. Tch! Bahala na si batman.

"Ako, tapos na! Puwede na akong um-attend sa birthday party ni Maxine." Masiglang usal niya. Napalingon ako sa kaniya nang marinig ang magic word.

Party.

"Kailan?" Tanong ko.

P'wede ko namang tapusin ang plates ko mamayang gabi. Tutal, mabilis naman akong gumawa kaya basic lang sa akin 'yon kahit mag-puyat pa ako. At isa pa, Friday ngayon at wala kaming klase bukas. I want to come even if I am not invited.

"Bukas. You are not invited." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Kahit na! Isasama mo nga ako, e."

"No, Callie! Maraming taga kabilang school ang pupunta roon. Paano kung mapahiya ako dahil sa 'yo?"

Ang arte!

"Tss! Anong akala mo sa akin, taga bundok? Of course I know the right way to interact with others."

"Hmm, pag-iisipan ko." Aniya.

Napairap na lang ako at hinayaan siyang makapag-isip muna. Bakit ba kailangan niya pang pag-isipan ang bagay na 'yon? Ang arte talaga ng isang 'to. Sa ganda kong 'to, kinahihiya niya ako. Hindi ba dapat ako ang mahiya dahil may kaibigan ako na play girl. Tss! Naunahan lang ako, e.

Maxine is not my friend, and I don't want her to be my friend either. She is a friend of Aria. Sa totoo lang, kaaway ang tingin sa akin ni Maxine. Well, hindi ko naman siya masisisi. She was jealous of my beauty. Halos lahat yata ng lalaking gusto niya ay may gusto sa akin, they are chasing me. Tss! Kidding aside. I am beautiful but I am not arrogant.

After that boring moment I went back to the classroom. Isang subject na lang ay makakapagpahinga na ulit ako. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang makinig sa prof. namin kahit wala akong maintindihan sa sinasabi nito. I hate math talaga.

"Hey, are you free tonight?" Tanong ng lalaking katabi ko sa akin. Lumingon ako sa kaniya. Hindi ba't legal management siya? Bakit siya nandito sa classroom namin?

"Aniyo. Why?"

"My friend has a party at the bar later, I would like to invite you." Aniya.

Muling nag-liwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Mahigit isang linggo na rin akong nakakulong sa condo ko simula no'ng mag-simula ang klase. Hindi ako pinapayagan ni Mommy na sumama sa mga kaibigan ko kapag may pasok ako. She wanted me to focus on my studies.

"Really? Hindi naman ako ganoon kabusy kaya p'wede akong pumunta. Anong oras ba?" Nakangiting sambit ko.

He smiled and gently stroked my cheek. Nainis ako sa ginawa niya kaya agad kong tinabig ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko. He laughed and looked at me.

"7 PM. Sa akin ka na sumabay papunta roon. Don't worry, ihahatid kita pagkatapos."

Parang biglang nag-iba ang isip ko dahil sa ginawa niya kanina. At mukhang wala pa siyang balak mag-sorry dahil nainis talaga ako! Tama bang haplusin niya ang pisngi habang nagsasalita ako?

Napailing na lang ako at hindi na siya pinansin. Nakinig lang ako sa prof. namin hanggang sa matapos ang huling klase. Habang inaayos ko ang mga gamit ko, someone suddenly spoke behind me.

Love me till the endWhere stories live. Discover now