14

8 0 0
                                    

"Happy birthday, Chloe!"

I hugged Chloe and kissed her on the cheek. Aria laughed and pulled me away from Chloe.

"Ako naunang bumati sa kaniya," inismirkan niya ako.


"Anong ikaw? Ako kaya!" Pakikipagtalo ko at hinila ang braso ni Chloe palayo kay Aria. "Saengil chukha hamnida.Saengil chukha hamnida. Saranghaneun Chloe shi.
Saengil chukha hamnida." I laughed.


"Huwag na nga kayong magtalo. Dalawa lang naman kayong bumati sa akin, e," She gave us a small smile.




"Anong dalawa? Nandito kaya ako. Happy birthday, Chloe!" Biglang sulpot ni Ashton at binigyan ng isang mahigpit na yakap si Chloe.



"O, tatlo na kami," saad ko.


Humiwalay si Ashton kay Chloe. Bakas ang gulat sa mukha ng kaibigan ko at mas lalo pa siyang nagulat nang hawakan ni Ashton ang pisngi niya. Tumawa kami ni Aria at inasar silang dalawa.



"A-ano bang ginagawa mo?" Umatras si Chloe at nag-iwas ng tingin.

"Bakit ka namumula?" Tanong ko, bakas ang pang-aasar sa tono.

"Mainit kaya rito! Tara na nga." agad siyang tumalikod at mabilis na naglakad palayo.

Tumawa ako at humarap kay Ashton. Nawala ang ngiti sa labi niya nang makitang nakatingin ako sa kaniya. Marahan niya akong tinapik sa braso at nagpaalam kay Aria bago naglakad palayo.

"Grabe," Aria sighed. "Hindi mo ba napapansin?"

"Ang alin?" Takang tanong ko.

"Na gusto ka niya," naging seryoso ang tono niya. "Matagal na, Callie."

"Wala nga siyang gusto sa 'kin. Magkaibigan lang kami, okay? Siya na mismo nagsabi na wala siyang gusto sa akin. Kayo lang 'tong mapilit." Medyo iritadong usal ko.

"Ang malas ni Ashton. Sa babae'ng manhid siya nagkagusto," tumawa pa siya bago ako iwan dito sa hallway.

I bit my lower lip. Manhid ba talaga ako? Pero kung may gusto nga talaga sa 'kin si Ashton, sana hindi niya na 'ko nilalapitan o kinakausap dahil ang awkward no'n. Close lang talaga kami kaya gano'n ang tingin ng mga tao! They didn't know anything about our friendly relationship!

"Hi, what are you thinking?" Tanong ng isang tinig sa likuran ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong si Clarke 'yon. Agad ko siyang niyakap pagkaharap ko sa kaniya. He laughed softly and hugged me back. He kissed me on the forehead and gently combed my hair. Parang ngayon na lang ulit kami nagkita.

"Anong ginagawa mo rito? Wala ka bang klase ngayon?" Tanong ko at bumitaw na sa kaniya.   

"Kakatapos lang ng klase namin. I just need to rest," Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "This week has been exhausting."

"Bakit hindi ka na lang magpahinga sa condo mo?" Marahan kong hinaplos ang buhok niya at umayos ng tayo para hindi siya mahirapan.

"Your shoulder is enough for me to rest," nag-angat siya ng tingin sa akin. "Sa Gazebo na lang ako maghihintay hanggang matapos ang klase mo." Aniya.

"Sigurado ka?" Tanong ko.

Tumango siya. "I'll wait for you,"

Tumingin ako sa relo ko. 5 minutes na lang. "Sige na nga," napakamot ako ng ulo. "Kung nagugutom ka, p'wede kang kumain sa Luck Garden Seafood and Tea House, malapit lang 'yon dito. Kung nabobored ka naman, p'wede kang pumunta sa chapel o kaya sa Botanical Garden. P'wede ka ring maglakad-lakad sa lover's lane. Mag-picture ka tapos send mo sa 'kin-"

Love me till the endWhere stories live. Discover now