5

19 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo rito?"


Napatingin ako kay Chloe na lumabas sa smoking area para i-check ako. Ngayon ko lang napansing matagal na 'kong nakatayo rito at nakasandal sa pader. Kanina pa rin ako nag-iisip tungkol sa sinabi ni Clarke. Hindi ko maintindihan.


Did I do something wrong? Bakit siya nalilito sa akin? Ako nga dapat ang magalit sa kaniya dahil hindi niya sinabi na pupunta siya rito, e. Hindi naman kami at sa tuwing magtatanong ako about doon, hindi siya sumasagot.
We're just friends, that's what he said. Mas nakakalito siya!


"Umuwi na si Clarke?" I asked.


"Hindi. Nando'n pa rin, inom nang inom! Nag-away kayo?" She asked.


I shook. "Mag-jowa ba kami para mag-away?"


"E, anong ginawa mo? Nakipaghalikan ka roon sa lalaking hindi mo kilala? Akala ko ba si Clarke ang gusto mo?" Sumandal din siya sa tabi ko.

I ran my hand through my hair and pulled it a little. Nakakastress lahat ng nangyayari. I don't know if it's because of the alcohol or because of what Clarke said. He was confusing me too.


"I like him but I'm scared."


"Natatakot saan?"

"Hindi ba parang sobrang bilis naman kung sasabihin kong I already fell in love with him?" Natatakot lang ako na baka hindi kami pareho ng nararamdaman. I'm afraid of getting hurt again. I'm scared to go back to that pain.


"Ask him if he likes you too, kung hindi, e'di move on! Girl, rejection is God's protection when someone rejects or breaks up with you, it may be a blessing in disguise." Inirapan ako ni Chloe.

Bumuntong-hininga ako at naglakad na kami papasok ni Chloe sa loob.

"O, bakit nandito ka pa?" Tanong ni Aria nang makitang bumalik ako sa couch.


"Uuwi na ba tayo? You're drunk, Callie." Ani Ashton.

"Nako, ewan ko sa babaeng 'to. Tanungin mo problema!" Pinasa ako ni Chloe kay Ariana.

"Ayos lang 'yan! Inom na lang tayo." Aria winked at me, obviously getting tipsy already.


Bakit ba si Aria pa ang tatanungin ko?! Wala naman akong makukuhang matino sa babae'ng 'to lalo na't naapektuhan na ng alak 'yong pag-iisip.

"M-may kiniss kasi akong lalaki kanina at nakita 'yata 'yon ni C-clarke, nag-away kami. Tapos naiistress ako kasi sabi niya nalilito na raw siya sa inaasal ko! Ano bang gagawin ko?" Pagrarant ko.

"Huh? May kiniss ka?" Iyon lang 'ata napansin ni Aria. Iyon lang ang tumatak sa isipan niya! "Ba't 'di mo sinabi? Gwapo?" Kuryosong tanong niya at umupo pa sa tabi ko para gitgitin ako.


"'Yon talaga napansin mo, 'no?"


"Wow, ah! Marunong ka na palang humalik ngayon! Pero bakit kayo nag away? Kayo na ba?" Sarkastikong tumawa si Aria. "Pero ang landi mo rin kasi, e. Maski ako naguguluhan sa ikinikilos mo. Magpapakita ka ng motibo tapos kapag nahulog na sa 'yo, iiwan mo?! Clarify as early as possible kung hindi maga-assume 'yong mga 'yon na ready ka na mag-commit kahit ayaw mo naman talaga." Haba ng sinabi ni Ariana.


"Sarili mo na yata ang tinutukoy mo, e." Pagpuna ko sa kaniya.


"I mean, did I lie?" Tumayo na ulit siya dala-dala 'yong shot glass niya nang may nakitang poging dumaan. "Hey!" Bati niya bago umalis.


"Inom mo 'yan." Inabutan ako ni Chloe ng tatlong shot glass.


Tinanggap ko 'yon. Hindi ko alam kung ilan na ba ang nainom ko pero parang hindi ako tinatamaan ng alak. Huminga ako nang malalim at tumayo para pumunta sa C.R. Nag-retouch ako roon para presentable naman ako kahit papaano. Naglagay ako ng lipstick at inayos ang blush ko. Pagkatapos, naghugas ako ng kamay at lumabas na.


Love me till the endWhere stories live. Discover now